Kabanata 19
"HAPPY BIRTHDAY!!!"
Gusto kong magmura! All this time I thought na kidnap kami.
Na mawawalan na ako ng kidney, atay at balun-balunan. Ngayon pala surprise lang nila.
Tapos ang masaklap pa,ako lang ang nakagapos! Si Kuya ayon, tawa ng tawa at nagvi-video pa!
"Myyyyy!Dyyyy! Ano 'to???" I asked them in disbelief,si Daddy di parin naka-recover sa kakatawa.
"Surprise namin sa inyo ni Kuya mo" Mommy replied, medyo natatawa pa rin.
I pouted,"Bakit ako lang yung naka-blindfold? Si Kuya hindi man!" Reklamo ko at tumayo na sa kinauupuan ko.
"Kasi nalaman nya na yung plano namin kaya kinasabwat nalang namin sya" ani Kuya Ulric at hawak hawak ang isang itim na mask.
So siya pala yung nagpanggap na kidnapper,silang dalawa ni Kuya Rad.
Bwisit sila!
Amidst that, I still smiled, masaya ako dahil nag-effort pa rin sila na i-surprise kami.
Ako lang pala!HAHAHA
Atleast medyo nakakalimutan ko na yung sinabi ni Gio.
Kumain lang kami ng breakfast then after non, ay nagprepare na kami ng gamit bago umalis.
Umuwi muna kami ng bahay para mag-pack.
Naglagay ako ng mga damit enough for 3 days,mga skin care products and most of all, sunblock!!
Ayaw kong umitim hahaha!!
Bumalik na kami kina Lola katapos mag-ayos ng gamit.
Huli na ng narealize kong wala pala akong swimsuit HUHUHUHU.
Rashguard lang ang nadala ko.
"Kelly!Kelly!" I called my cousin na naghihintay na sa sasakyan.
"Hm?"
"Nakabili ka na ba ng swimsuit?" I ask, so stupiddd!
"Ah oo, bakit? Akala ko kasi mayroon kana kaya bumili na kami ni Zara" she said and smiled at me.
I puffed my cheeks,buti pa sila mayroon.
"Pero syempre, binili ka rin namin. Happy Birthday cousin!!" She exclaimed at iniabot sa akin ang paperbag ng isang swimsuit brand.
My eyes widened and smiled at her. So sweet!!
"Thank youuuuu!!!" Tuwang-tuwa ako at napayakap pa sakanya.
Yeaheyyy! May susuotin na ako.
As soon as naprepare na lahat ng kakailanganin namin, nagpulong na kami sa may garden.
"Uy Brad! Late kana HAHAHAHA" rinig kong sabi ni Kuya.
I turned around to see who it was.
Hal.
Omgggggg!!
Nakipag-apir muna sya sa mga pinsan kong lalake bago lumapit sa akin.
Shitnesss!
"Happy birthday" he cooly said at iniabot sa akin ang isang rectangular na box with a small ribbon on top.
I blushed, he was smiling at me with his eyes directly gazing at me.
Ay crush! Bat ganyan ka! Pa-fall HAHAHAHA.
"Thanks" ngumiti ako sakanya at nahihiyang inabot ang box na nasa kamay nya,our fingers gently touching.
"Ayyiiiiiieeehhhh!" Kantsaw ni Kuya sa amin.
I glared at him, signalling him to shut up.
Nagtago sya sa likuran ni Kuya Ulric at doon nagsimulang tumawa.
Hinabol ko sya ng hinabol hanggang sa mapagod kami.
Pinagalitan kami ni Lola dahil ang ingay namin. We both apologized and headed back in the garden.
"Kumpleto na ba tayo?" Tito Apollo asks, sya kasi ang magdadrive sa sasakyan namin.
Magkakasama kami sa Grandia while sila Mommy together with the oldies sa Innova.
Ang ingay-ingay namin sa loob, kasama kasi namin si Kuya Ali,ang portable speaker.
Tawa kami ng tawa sa mga jokes nya,while yung katabi kong si Hal tahimik lang.
I nudge his arm to get his attention.
He looked at me questioningly,eyebrows raised. And that looks so damn hot.
Nakalimutan ko tuloy sasabihin ko.
"Okay ka lang?" Tanong ko, offering him some of my chips.
He shook his head in reply, showing me his phone.
Nakalagay ito sa messenger.
"Ano yan?" Tanong ko at kinuha ang phone nya.
"My girlfriend's account" he mumbled, looking out at the window using his elbow as support.
Binasa ko ang conversation nya at ng ka-chat nito.
The guy is asking the girl for another chance and for them to go out.
"Sino ba'to?" Tanong ko sakanya.
"His ex" he said without even looking at me.
Omg! Don't tell me!!
"I think she's cheating on me" aniya at malungkot na humarap sa akin.
Nakakalungkot isipin na sa sobrang ideal ni Hal ay magagawa pa siyang ipagpalit ng girlfriend nya.
"Don't worry, maayos din ang lahat" I smiled assuringly causing for him to smile too.
Medyo matagal ang biyahe kaya balak kong matulog muna.
I grabbed my neck pillow from the back at sumandal na.
Ang katabi ko naman tulog na, nahihirapan ako sa posisyon nya.
Naka-yuko sya sa headrest ng upuan ni Kelly, at nakapatong ang ulo nya sa kanyang braso.
Kumuha ako ng isang throwpillow at inilagay sa lap ko. I carefully placed his head on my lap, trying hard not to wake him up.
Nang komportable na ako at ang katabi ko,I let my self drift into sleep.
-----------------
YOU ARE READING
Courting Hal (Belle Fille Series #1)
General FictionIn this world, there would be a time that you'll fall deeply in love with someone. You'll have to face a lot of hardships just to get that certain one. But in the end we're not even sure if that someone will stay with us until the end. I loved some...