Kabanata 44
"Eury?" Hindi ko namalayan ang pagbuhos ng luha ko. That was his ex! He's still not over her? All this time I was his rebound? I can't believe him !
Nanghihina akong pumara ng jeep pabalik sa San Fernando. I need to ease this pain.
Mag-isa akong nagmall at nanood ng sine. Nasa pinakataas akong row ng mga upuan. Muntik na akong matawa sa sarili ko. Comedy ang pinapanood ko, pero heto ako at umiiyak ng palihim.
I wanna curse at myself for being weak. Akala ko ayos na sakin ang nangyari, na tanggap ko na na hiwalay na kami ni Hal. But I was a hypocrite. Mapagpanggap!
Ilang oras din ako naglibot sa mall at nagshopping, pero kahit masakit na ang paa ko sa kakalad, hindi parin nito natumbasan ang sakit na nararamdaman ng puso ko.
Tinawagan ko si Dad para magpasundo. Ilang sermon din ang inabot ko dahil umalis ako ng di nagpapa-alam.
5 days.
Limang araw nalang ang natitira sa usapan namin ni Hal. I thought I could savor the moments I requested from him, pero siya na ang kusang lumayo. I guess I just have to accept the fact that he's with his ex again.
Kasalukuyan kaming nagpapractice ng waltz, 5 days from now will be our Valentine Ball, the same day as the end of my agreement will Hal. I atleast want to make that day memorable.
We, the grade 11 students were paired with the grade 12 students. As much as I want to be paired with Hal, hindi pwede dahil based sa surnames ang pairings. Fortunately, I was paired with a Student Council officer, he was fun to be with at never akong nailang. Maybe it was because we are both girls? Ako babae talaga, siya naman binabae. His name is Ivan, but he preferred to be called Ivana.
He would always scream and swoon whenever good looking boys pass by us.
"Ay teh! Yun pa! Ang yummy!" Puno ng pagnanasang turo niya sa banda nina Kuya Ali.
"Sis, that's my cousin." Natatawa kong pahayag.
"Really? Baka naman hehehe, patikim lang." biro niya tsaka kami sabay na humagikgik.
"Sige lakad kita sakanya."
Napatigil kaming dalawa nang bigla nalang tumigil sa harapan namin si Hal.
"Hi Fafa Hal! Anong need mo? Do you want me?" Mapang-akit na pahayag niya at pabirong pinalandas ang daliri niya sa dibdib ni Hal.
Napaigtad ako ng biglaan niya akong hilahin at halikan sa noo.
"Omg! Kenekeleg aketch!" Walanghiyang sigaw ni Ivana, making everyone focus their attention to us.
Dali-dali akong lumingon para hanapin si Kuya. Napabuntong-hininga ako ng makitang wala naman siya sa paligid.
"W-why?" Agad kong tanong ng bitawan na niya ako. Puno ng pag-asa ang mga mata kong tinitigan siya.
Baka makikipagbalikan na siya? Did he realized he still love me?
Ni hindi man lang siya kumibo at umalis nalang ng walang sere-seremonya.
"Ihhh teh! Boyfie mo pala si Fafa Hal! Kakilig." Gigil na gigil at pabiro niya akong sinabunutan.
"Maghihiwalay na rin naman kami." Bulong ko at malungkot na tinignan si Ivana. From being carefree, his aura suddenly turned serious.
"Alam mo teh, kung mahal mo yung tao, huwag mong susukuan. Hangga't kaya mo pa, ipaglaban mo." Seryoso niyang pahayag.
"But, what if, siya na mismo yung nagtutulak sakin palayo. Siya na mismo yung pumipigil sa akin na ipaglaban kung ano man ang mayroon kami?"
He just rolled his eyes at me. Baklang to!
"Ikaw, alam mo, bakla ka nang taon! Hindi ko alam kung anong pinagdaanan niyo, or kung anong reason man ang meron ka or siya, para maghiwalay kayo. Kasi, based on what I saw a moment ago. He was jealous." Diko alam kung matatawa ako o ano e.
"Are you kidding me Ivana? Why would he be jealous, e siya nga itong nakipaghiwalay sakin. And, sino naman pagseselosan niya?"
"Duh. Anong tingin mo sakin?" He asks as if I was so dumb to not notice it.
Natawa ako ng todo sa sinabi niya. "Sorry, I can't help but to laugh, pero bakit naman siya magseselos sayo?"
"Excuse me? I know I'm gay, but, may itsura din naman ako. A lot of girls cried because I became like this. Maraming nagkacrush sakin,pero sorry sila dahil diko si bet." He said matter-of-factly.
Tama nga naman siya, unless you talk to him, you'll never know that he's gay. Plus, he looks regal, he's got paper white complexion, thick eyebrows, straight nose and thin lips.
Sayang.
"May point ka naman. Pero I don't think he'll get jealous just like that. Tsaka, wala na naman siyang feelings sakin."
"Hay teh! Kulit mo din no! Basta ako feel ko talaga bet ka pa niyan." Natapos na ang pagtatalo namin ni Ivana nang dumaan sa banda namin si Kuya Ali.
"Hi Ali!" Aligagang tawag ni Ivana. Pasimple ko siyang tinignan, then I mouthed, "Harot." Humagikgik lang siya ng tawa at pabiro pang sumaklit sa braso ni Kuya Ali.
"Oh Ivan, pre!" Pabirong bati ni Kuya Ali. Sinapak naman siya agad ni Ivana.
"Anong Ivan? It's Ivana! Ilang beses ko bang sasabihin sayo yan ha?" Nagtatampong saad niya.
"Ivana? E Ivan pangalan mo pre."
Patuloy silang nagbangayan dahil lang sa pangalan ni Ivana. Sumabay na akong umuwi kina Kuya Rael. I'm still bothered with Hal's action and my conversation with Ivana.
"Hal naman, diko na alam saan ako lulugar." Bulong ko sa sarili at nagpaikot-ikot sa kama. Paimpit din akong sumisigaw habang nakatakip ng unan ang bibig.
Nalilito ako, his words were making me give up, but his actions tell me otherwise. Hindi ko alam kung mahal niya pa ba ako o ano. Kasi kung totoong mahal niya pa ako, damn! I'll do everything just to have him back.
I'll fight for him even if it means I'll break myself.
YOU ARE READING
Courting Hal (Belle Fille Series #1)
General FictionIn this world, there would be a time that you'll fall deeply in love with someone. You'll have to face a lot of hardships just to get that certain one. But in the end we're not even sure if that someone will stay with us until the end. I loved some...