Kabanata 43

0 0 0
                                    

Kabanata 43

I took the liberty of drowning my tears in the tub for a couple of hours. Wala na nga sana akong balak na umahon, kung hindi lang ako kinatok ng kambal ko.

"Clio? Hindi ka pa ba tapos diyan? Kanina kapa hinihintay ni Mom."

"I'm almost done. Bababa nalang ako maya-maya." Kalaunan ay umalis na din si Kuya after my response.

I reached for my towel at agad nang nagpunas ng katawan. I wore the pajamas my Mom bought for me, it reached up to my ankle, covering the wounds I got in the park.

Inayos ko ang mukha ko at pinilit na pagmukhaing maayos ang sarili bago bumaba ng silid.

Saktong nasa hagdan ako ay siya namang pagdating ni Dad. I tiptoed to give him a peck on the cheeks.

"Let's eat? I added more cheese just the way you like it Clio." Ani Mom at pinangkuha ako ng lasagna sa platito, sinalinan din niya ako ng hot chocolate sa isang mug.

"I have a good news." Panimula ni Dad. Walang gana pero pinilit kong kainin ang nasa harap ko.

"What is it?" Si Mom.

"Well, as you all know, the reason kung bakit tayo umuwi dito ay dahil kailangan kong mamonitor ang problems sa farm. I figured the solutions in all of the malfunctions in the farm at hindi na kailangan pang tutukan kaya maari na tayong bumalik ng Manila." Tuloy-tuloy na saad ni Dad.

"That's great, then we can finally go home." I blurted out, making everyone stare at me.

"W-what? Anak, are you alright? I thought aangal ka?" Napapantastikuhang saad ni Dad.

"I'm fine Dad, I just wanna go home to Manila. Ayaw ko na dito." Walang emosyon kong pahayag.

"But what about Hal anak? Are you going to have a long distance relationship with him?" Si Mom naman ngayon.

"Pwede naman tayong magstay muna dito anak if you want to." Ani Dad.

I looked at all of them with a bored expression.

"It's okay, really. I don't mind going home to Manila. Besides, break na naman na kami ni Hal." I tried my best to not let my voice crack as I say the last lines. But I still couldn't hold my tears from bursting.

"I'm so sorry dear, I didn't know." Malungkot na pahayag ni Mom at inaalo ako ngayon.

Napapitlag ako ng padarag na tumayo si Kuya Rael mula sa kanyang kinauupuan.

"Son? What's the matter?" Kuryosong tanong ni Dad, pati ako'y napatingin na rin sa gawi ni Kuya.

"Wala po. Excuse me, may pupuntahan lang ako." Ani Kuya at nagmamadaling lumabas ng bahay kahit hindi pa tapos sa pagkain ng kaniyang miryenda.

Bumalik din kalaunan si Kuya bago kami maghapunan. Mukhang masama ang timpla at parating nakatiim bagang.

Nalaman ko nalang kinabukasan ang dahilan ng galit niya.

"Hal, pwede ba kitang makausap?"

Nakaface-mask siya ngayon, nagkasakit siya?

"Anong gusto mong pag-usapan?" Walang emosyon niyang saad.

"About yesterday, please huwag mo munang sabihin sa mga pinsan ko. Pero ang family ko alam na nila. Aalis na rin naman kami after moving-up ceremony." I said looking up to him, trying to search for the Hal that I love and loved me. But I couldn't find him anywhere.

"Okay" ang tangi niyang sagot at tinalikuran na ako.

Bawat break ay lumalabas ako to check for Hal. Nang makitang kasama niya si Kuya Rael, I decided to follow them. Pumunta sila sa likuran ng LSD building kung saan walang gaanong tao.

"Tandaan mo yung sinabi ko sayo Carson. Paiyakin mo pa nang isang beses ang kapatid ko, hindi lang yan ang aabutin mo sakin." Pagbabanta ni Kuya at hinila ang face mask na suot ni Hal.

Kitang-kita ko ang pasa sa kaniyang kanang panga. S-si Kuya ang may gawa niyan?

"What will you do Rael? You'll beat me up? " mapanghamon na tugon ni Hal.

"No. I'll kill you! Kaya kung ako sayo layuan mo na ang kapatid ko." Banta ni Kuya at iniwanan na si Hal, nagmamadali akong tumakbo papunta sa Cr ng girls para magtago.

Naging mailap na sa akin si Hal pagkatapos non. Marami na ang nakapansin sa malamig naming turingan.

"Ayos lang ba kayo ni Hal?" Tanong ni Kelly ng minsang nag-overnight sila sa amin.

"Oo. Ayos lang kami."

Para hindi na ako masaktan pa, sinubukan ko na rin siyang iwasan, pero sa school ay umaakto kami na parang ayos lang ang aming samahan.

Pero hindi pa rin ako mapalagay. Hindi ko pa rin alam ang rason kung bakit siya nakipaghiwalay sa akin.

I started following him everyday. But nothing seems weird with his routine. Wala naman siyang kinikitang iba. Was it true that he fell out of love?

Maniniwala na sana ako sa dahilan niya, pero napatunayan ko na may iba siyang rason sa pakikipaghiwalay sa akin.

Sa huling pagkakataon, sinundan ko siya pauwi, I was so shocked dahil hindi siya sa usual na sakayan namin sumakay. Pumara siya ng jeep patungong Angeles, agad akong sumakay sa kaparehong jeep ngunit sa bandang dulo ako umupo para hindi niya makita.

Bumaba siya sa harapan ng isang unibersidad. Bumaba narin ako kalaunan at nagtago sa isang malapit na stall.

Holy Angel University.

Anong gagawin niya dito? Will he apply for college here? Pero mag-gagabi na, the idea is too far fetched.

Baka may sinusundo?

Bulong ng demonyo sa isipan ko. But impossible! Sinong susunduin niya dito?

All of my queries where answered when a tall fair girl came out from the university gate and sashayed her way to Hal.

"Eury?"

Courting Hal (Belle Fille Series #1)Where stories live. Discover now