Kabanata 39

1 0 0
                                    

AUTHOR'S NOTE:

Hi guys! Reminder lang for this chapter, pero bago yon, gusto ko munang magpasalamat sa lahat ng nagbabasa nitong story ko. This is my first published story at alam ko naman na may iba pa ring mga mas sikat na libro but still binigyan niyo ng pansin ang libro ko. I am really grateful kahit konti lang ang reads basta ba may nakakabasa nito. So yeah, to sum it up, thank you very much!! And now for the reminder...

REMINDER: This chapter is all about Clio's flashback about what happened for the last 2 years. Kung may questions kayo about the story or naguguluhan kayo, kindly pm me.

----------------------------------------------
Kabanata 39

One week after ng nangyaring away kina Gio at nung mga seniors, naging maayos naman ang everyday class namin. I was so happy na dito ako nag-aral dahil na meet ko sina Gio, Hiro at si Clyde.

"Sabay-sabay na tayo maglunch!" Agad na bungad sa amin ni Hiro katapos ng aming subject.

"Sige ba! Basta libre mo!" Ani Clyde at kinuha na ang kaniyang bag.

"Tara na nga! Ako na lang ang manlilibre!" Sabi naman ni Gio, napatalon sa tuwa si Hiro at Clyde at pabiro pa nilang niyakap si Gio.

"Geez! Bitiwan niyo nga ako! Akala mo naman ang hirap niyo para hindi kayo makabili ng pagkain niyo!"

"Mahal kaya ng tinda sa cafeteria!" Reklamo ni Hiro.

"Tss. Tara na nga Clio, kain na tayo!" Paanyaya niya at tinulungan na ako sa pagdadala ng mga libro ko na ilalagay sa locker.

Humanap na kami ng mauupuan dahil puno ang cafeteria dahil dito rin kumakain ang mga senior high at college students.

"Ayun!" Turo ni Hiro at patakbong pumunta sa bakanteng upuan. We settled our things there. Katabi ko si Gio at sa harapan ko naman ay si Clyde.

"Bibili na ako guys, ano bang gusto mo Clio?" Tanong ni Gio.

"Ako hindi mo tatanungin Papa Gio?" Matinis na boses ang ginamit ni Hiro at pabiro pang hinagod ng daliri ang dibdib ni Gio.

"Sapak gusto mo? Ikaw umorder mag-isa mo!"

"Papa Gio naman eh!" Reklamo niya ulit.

"Kahit ano nalang Gio, ikaw na ang bahalang pumili." Nahihiya kong tugon, at tinignan nalang ang mga daliri kong nakapatong sa lamesa.

"Ikaw bro?" Tanong niya kay Clyde.

"Kahit ano bro basta makakain."

"Ito si Hiro nalang kainin mo ha? Ang ayos ng tanong ko sayo eh" Ani Gio at tinulak si Hiro paupo sa mga hita ni Clyde.

"Eat me Clyde. Grrr!" Tila prostitute ang dating ni Hiro ngayon na nakaupo pa rin sa hita ni Clyde.

"Your wish is my command, beautiful being." Sabi naman ni Clyde sa tila napapaos na boses. Halos dumugo ang ilong ko nang makita kong inilapit ni Clyde and bibig niya sa leeg ni Hiro na parang bampira.

"Ang bababoy niyo! Tara na nga Hiro, bili na tayong pagkain." Natatawang pahayag ni Gio at hinila na si Hiro papunta sa pilahan.

"Okay kalang Clio? Parang namumula ka yata?" Puna ni Clyde at iniwas ang mga kamay kong nakatabon sa aking mukha. Nahihiya akong tumango na lamang. Grabe yung kanina! Yaoi!!!

"By the way, I was asking for your number right?"

"A-akala ko ba nagbibiro ka lang?" Lito kong tanong, he flashed a charming smile at me.

Courting Hal (Belle Fille Series #1)Where stories live. Discover now