Kabanata 4

12 5 1
                                    

Kabanata 4

Knock!knock!

"Come in!" Sigaw ko.

Today, naka-schedule kaming pumunta sa Bahay ni Lola Mercedes. It's been 2 years since last kaming pumasyal sa kanya,masyado kasing busy si Dad kaya wala kaming time na pumunta.

I heard the door open, pumasok si Kuya Rael na nakabihis na.

"Dika pa tapos hanggang ngayon? Grabe mag-iisang oras kanang nag-aayos ah?" Di makapaniwalang tanong nya at inayos ang kanyang salamin.

"Ihhh Kuya, I don't know what to wear" reklamo ko at naghanap na naman ng ibang damit.

Lumapit si Kuya sa mga damit kong naka kalat sa kama.

"Ito, this looks nice" aniya habang hawak-hawak ang isang white embroidered off-the-shoulder top na may laces sa bottom ng sleeves.

Hinablot ko sakanya iyon at naghanap ng pwedeng iterno. I decided to pair it with a high waisted denim shorts and peep-toe sandals.

"Oh, pwede na siguro yan?" Ani Kuya. "Sumunod kana sa baba, we'll leave after 10 minutes daw" aniya at lumabas na ng aking kwarto.

I tried putting my hair up in a ponytail and curled the ends para mag-mukhang sophisticated. Naglagay ako ng konting powder, blush, mascara at tint to complete my look.


Tumingin ako sa salamin, completely satisfied with what I look like. I took a selfie at bumaba na.

"Sumakay na kayo ni Kuya Rael mo sa sasakyan, kukuhanin ko lang yung mga pasalubong natin kila Mama" ani Dad at umakyat na sa room nila.

Si Mom naman ay busy sa pagpa-pack ng Kaldereta na niluto nya for Lola kasi yun daw yung favorite nya.

Lumabas nako ng bahay para sumakay sa car. I was about to step inside when someone caught my attention.

"Kuya?" Tawag ko sakanya na ngayon ay naka-upo sa sidewalk at naglalaro ng mobile legends.

"Oh?" Aniya, still busy with his game.

"Neighbor ba natin yon?" Tanong ko at itinuro ang lalaki sa ilalim ng puno, he's feeding a cat.

"Saan?" Aniya at tumingin ng mabilisan sa itinuturo ko ngunit ibinalik din agad ang tingin sa nilalaro.

"Ah yan? Oo, anak yan kapitbahay natin" aniya habang tutok pa rin sa laro.

Tinignan ko ulit ang lalaki at tumayo na ito, umalis na ang pusang pinapakain nito na halata sa itsura na pusang kalye.

Pinagpagan nito ang kayang kamay at saktong paglingon nya ay nagkatama ang aming paningin.

His eyes look sharp,piercing through mine. Napakalamig ng tingin nya, yung tipong galit sa mundo. I felt the hairs on my nape stand up.

I tore my gaze from him at kunwari'y may tinignan sa phone.

Nang hindi na sya nakatingin ay tinignan ko syang muli.

He's tall, at matipuno ang pangangatawan. He has jet black hair,pale skin and thin pink lips. While his eyes, they were so dark, barang black hole na hihigupin ka sa loob.

"Type mo?" Dinig kong bulong ni Kuya Rael sakin at umakbay pa.

"Tss. Para kang ewan Kuya. Tinatanong ko lang kung kapitbahay natin yun,masyado kang advance mag-isip" sabi ko sa kanya at pumasok na sa sasakyan.

Courting Hal (Belle Fille Series #1)Where stories live. Discover now