Kabanata 14

4 4 0
                                    

Kabanata 14

Isang linggo na ang nakalipas simula nung nag-open sa akin si Hal.

But everytime na nakikita ko sya,ganoon pa rin, cold treatment. I'm starting to think na hindi sya yung nakausap ko noon,his twin perhaps? O kaya sinapian lang sya kaya ganoon.


May 13 na at only 5 days bago ang birthday namin ni Kuya.

Nagpaplano na sila Mommy kung anong gagawin namin.


Andito kaming lahat sa bahay ni Lola, they all decided na dito nalang pag-usapan.


"Mas maganda siguro kung mag-out of town tayo" Tita Marie suggested, sya yung asawa ni Tito Apollo and mother nila Kuya Ulric, Kuya Rad at ni Zara.


Dad thought for a while, "Nice idea,pero saan?" Daddy asks again.


Kami ni Kuya at mga pinsan ko nakikinig nalang, ayos lang kasi sa amin kahit saan kami pumunta basta ba mai-celebrate ang aming birthday.



"Ang init!!!!" Daing ni Zara at itinutok pa lalo sakanya ang hawak nyang mini-fan.



"That's it! Mag-beach tayo! Sa may Morong,Bataan" Tita Deth suddenly stood up as she said that.



"Great! Then mag-overnight nalang tayo, is 3days fine with you?" Tanong ni Daddy kina Tito at Tita pati na rin sa amin.

"Yes Tito! Sa May 27 palang naman po ang balik namin sa school for enrollment" Kuya Ali informed them and ganoon din sina Kuya Rad at Ulric, sa august pa kasi ang start ng sem nila.



"Then it's settled" Daddy proclaimed at dun na natapos ang usapan.


Nasa gazeboo na naman kami dahil wala kaming ibang tambayan atleast dito hindi nakakatakot,unlike yung mga kwarto sa bahay ni Lola na bigla nalang nagsasara ang mga pinto.



Creepyyyyyy!



"May isusuot ka na??" Excited na tanong ni Kelly sa akin at kay Zara.


"Wala pa ako e!" Zara exclaimed and pouted her lips.

I smiled at her cuteness.


"How about you Clio, mayroon ka nabang isusuot?" Kelly diverted her attention to me.


"I'm not sure kung meron, I'll check muna pero kung wala, let's just buy one." I suggested.



"Yeeeessss!!Shopping tayo!" Nagtata-talong pahayag ni Zara.


Nang matapos ang usapan namin nila Kelly at Zara, kaming lahat naman na magpipinsan ang nag-usap usap.


We talked about the activities we will do during our time sa beach.


"Beach Valley!"

"Truth or Consequence!"

"Bonfire!"



"Marshmallows!!!"




"Alcohol!!!!"


Kuya Ali was the one who said that.



Pabiro syang binatukan ni Kuya Ulric.



"Bata ka pa gusto mo ng mag-iinom!" Pangaral ni Kuya Ulric sakanya,meanwhile Kuya Ali is pouting,rubbing the sore part of his head.


Natawa nalang kaming lahat dahil sa reaction nya. Nagbrainstorming pa kami para madagdagan ang mga activities namin.


At dahil napag-usapan na namin ang gagawin sa birthday ko at ni Kuya,umuwi na kaming lahat.




Naligo lang ako at nagpaalam na kay Mama na lalabas. Dala-dala ko ang aking sketch book at isang lapis.



May nakita kasi akong magandang tambayan tuwing ganitong oras, malilim doon at may punong pwedeng upuan.


Umupo na ako doon at nagsimulang mag-sketch.Wala akong ideya kung anong ido-drawing ko kaya I let myself draw anything.



Pinagmasdan ko ito, it's an eye, I don't know kung sino ang nagma-may ari nito.




Nagpatuloy lang ako sa pagsketch hanggang sa umabot na ako sa ilong, bibig nalang ang kulang.


Bigla kong nabitawan ang aking lapis.




No! This can't be happening.






Diko namalayan na ang idinodrawing ko pala ay si;






Hal.





Napakunot ang noo ko, I don't understand myself anymore. This past few days, I find myself unconsciously looking at his photo.

Inaabangan ko rin syang lumabas ng bahay nila. Is this his effect on me?




Ang epekto ng cold treatment nya sakin?





I decided na umuwi nalang since wala na akong gana mag-draw.



Diretso ako sa room ko,tinabi ko muna yung mga sketching materials sa may drawer.





I lazily laid in my bed, kinuha ko ang phone ko to check my messages.Di pa kasi nagtetext si Gio sa akin simula kahapon. I'm starting to get worried.


Binitawan ko na ang phone ko dahil wala naman akong mapapala. As soon as I drop my phone on my side, a notification popped up with a slight sound.



Tinatamad kong tinignan ito.






Friend request lang pala.






Hal Thaddeus Carson sent you a friend request.






-----------------------
Heyoooooo!!!!

Hanggang ngayon inspired pa rin po ako! Kaya sunod-sunod po magiging updates ko HAHAHAHAHAHA




Lovelots,mwahhhh!!!

Courting Hal (Belle Fille Series #1)Where stories live. Discover now