Kabanata 29

1 1 0
                                    

Kabanata 29

I look like a love sick puppy right now. Literal na sick at inlove? Erase that! Sick puppy lang. I am currently watching Hal Thaddeus Carson,looking so sexy with a pink bunny apron, and cooking in our kitchen. Lucky right?

Hell no! Para akong pinapatay! My gosh! Baka magkasala pa ako sa mga naiisip ko ngayon.

Napatalon ako ng bahagya sa kinauupuan ko ng biglaan ang pagharap niya sa akin. Suplada ko siyang tinignan at hinintay siya sa ginagawa niya.

Nang matapos na siya ay inilapag na niya sa harapan ko ang isang pinggan na may kanin, at chicken. Kasunod noon ang isang silyo ng cream of mushroom at sa isang container naman ay vegetable salad.

My lips protruded as I study each food that's infront of me. That's a lot of food!

"Let's eat" aniya at binigyan ako ng kutsara at tinidor. Pasimple kong pinagmasdan ang kaniyang paggalaw. The way his biceps flex as he gripped on the utensils made me stare.

His slight coughing pulled me back to reality. Mataman niya akong tinitigan habang nilalaro ng aking kutsara ang kanin.

"Stop playing with your food and eat it now." Aniya sa malamig at mababang boses. Tumindig ang balahibo ko sa uri ng boses na ginamit niya.

No other choice left, inubos ko nalang ang pagkain kahit hirap ako sa pagnguya at paglunok. The food was delicious, I must admit that. Pero I suddenly feel full, makita ko palang siya, busog na ako. AYIEEEHHH!

Tumayo na ako para iligpit ang pinagkainan ko when a strong arm pulled me back to my place.

"Sit there" utos niya at kinuha na ang mga pinggan na hawak ko. Nakanguso ko siyang tinignan. This guy's totally different from all the other guys I've dated.

I suddenly want to know how it feels to be his significant other. Tinampal ko ng bahagya ang noo ko to stop myself from imagining such things. Dahil siguro sa lagnat 'to? I'm becoming delirious!



Everything felt like a dream! Baka naman nananaginip lang ako? Makurot nga!

"OUCHHHH" diko na napigilan ang sarili ko na sumigaw. Taeeeee! Katangahan naman Clio! Sukat mong kurutin ang sarili mo, e ang hahaba ng nails mo! Baliw!

"What's wrong? Anong masakit?" Tarantang tanong ni Hal, towering over me. His eyes were filled with worry.


Diko mapigilan ang pagsilay ng ngiti sa mga labi ko. I felt like someone who's very important to him. Na para akong isang babasaging pigurin na ayaw niyang magkaroon ng lamat.

"Wala, I just pinched myself. Kala ko kasi panaginip lang 'to e" I replied with a sheepish smile, turning my head to the other side para hindi magtagpo ang tingin namin.

Agad akong tumayo para pumunta sa sala at manuod ng T.V. Hinayaan ko na lang si Hal sa ginagawa niya, pero kung tutuosin ako dapat gumagawa non kasi bisita siya. Ayaw niya e, edi huwag! Pabebe niya.

Or was it chivalry? Him being a gentleman? Tss, lalo akong nafofall sakanya sa pinag-gagawa niya! Lahat nalang yata ng bagay kaya niyang gawin!

Shit! It's a trap!

Was he doing it on purpose? Dahil alam niya na, na may gusto ako sakanya? Nagdilim ang paningin ko sa biglang naisip. Pero napaka-imposible naman, ang sungit niya nga sa akin e.

Napatango-tango ako sa konklusyon na nabuo ko sa aking isipan. Besides,may girlfriend yung tao. I should always keep that in mind.

Ilang minuto ko ring kinumbinsi ang sarili ko hanggang sa sumakit na ang aking ulo. Hilig kasing mag-overthink. Nilingon ko muna ang aming Dakilang Plate Attendant na si Hal at mukhang magtatagal pa siya sa ginagawa. Itinuon ko na lamang ang atensiyon ko sa panonood ng cartoons. Ilang saglit palang ay bahagyang bumigat na ang mga talukap ng mata ko at hinila ako sa isang magaang pag-idlip.

Naalimpungatan ako sa malamyos na paghawak sa aking likuran, I slightly opened my eyes to see that Hal was lifting me up from the couch. Since half asleep pa rin ako, hinayaan ko lamang na buhatin niya ako at idinikit pa lalo ang pisngi ko sa kaniyang dibdib.

Tuluyan na akong nagising ng naramdaman kong inihiga niya na ako sa aking kama. His face was so close to me that I took the chance to study him.

Mula sa kaniyang maitim na may bahid ng gray na mga mata, ang pilik mata niyang nakakurba at pawang mahahaba, ang matangos niyang ilong, manly cheekbones, ang kaniyang magkasalubong na makakapal na kilay at higit sa lahat ang kaniyang labi. Medyo nagtagal ang tingin ko roon dahil sa pagkakahalina, mamula-mula ito, manipis at parating nakatikom.

I unconciously licked my lower lip as I looked at his lips. Napalunok pa ako ng wala sa oras. Namamanyak tuloy ako! Geez!

"Aalis ka na?" I asked out of the blue, tumigil siya sa paghila ng kumot na nasa bandang tiyan ko pa lang.

He gazed at me through his chilly eyes, his stoic look made me more attentive to his features. Kamukha niya yung mga statwa sa museum na inukit sa perpeksiyon.

"Yes" maikli niyang sagot at ipinagpatuloy ang pagkukumot sa akin. Napansin ko rin ang mga towels, palanggana, at tray na may baso at gamot sa bedside table ko.

I pouted as a response to him, ayaw ko siyang umalis. Wala kasi akong kasama dito, I can't even ask for my cousins to come here since may kaniya-kaniya silang ginagawa.

Napabuntong hininga siya at hinila ang upuan ko mula sa study table para umupo sa tabi ng aking kama. Marahang hinaplos ng kanang kamay niya ang buhok ko, sending thousand of sensations in my body. Di sinasadyang napapikit ako, unconsciously purring in his touch.

"I have to leave, pupuntahan ko pa kasi yung girlfriend ko." Malambing niyang saad, pero kahit anong lambing pa ng tinig niya, nasaktan pa rin ako dahil sa punyal ng kaniyang mga salita. Priority. He prioritizes hi girl rather than me. Sino ba naman ako diba? Just a mere friend na nagkasakit at walang mag-aalaga kaya nagmabuting loob siya para alagaan ako. That's all.

Binuksan ko ang mata ko at marahas na tumingin sa kaniya. Napatigil siya sa paghaplos sa buhok ko at pinagmamasdan akong nag-aalburoto na parang bulkan.

"Edi umalis ka na! You shouldn't have come in the first place. Sige puntahan mo na girlfriend mo! Chupi na! Shoo" pagtataboy ko sakanya, I hated how my voice betrayed me, I sounded like a jealous girlfriend.

Tumayo ako para pagtulakan siya palabas ng kwarto kahit na sobrang hirap dahil matangkad siya at nanghihina ako. He just chuckled at nagkusa ng lumabas. When I successfully threw him out of my room, isinarado ko kaagad ang pinto at nanghihinang sumandal dito.

I'm so rude! Bakit ko nagawa yon?! Geez. Maybe it's because of the fever? Damn! I can't understand myself anymore.

Courting Hal (Belle Fille Series #1)Where stories live. Discover now