Kabanata 36
Nung araw ding yon, sinearch ko ang ibig sabihin nung word na yon. Muntik akong atakihin sa kilig dahil sa kahulugan niya. It was a kapampangan word meaning I Love You. Shit! Kilig overload!
Kinabukasan ng umaga, nag-uumapaw ang saya ko na pati sina Mommy napansin yon. Maging pagpasok ko sa school napansin din ng mga pinsan ko ang pagiging blooming ko daw.
Hindi ko muna sinabi sa kanila ang tungkol sa amin ni Hal, gusto ko kaming dalawa ang magsabi.
Nasa room ako ngayon, 2nd subject palang, wala daw ang teacher namin pero hindi kami allowed na lumabas.
"May new girlfriend na si Hal?"
"I guess so, kalat ngayon sa mga grade 12 eh. Sayang! Ako nalang sana!" Usap-usapan ng mga kaklase ko. Ang bilis naman kumalat ng balita.
"Crush ko yon since grade 8 ako e!"
"Ang swerte mo naman, kilala mo na siya since highschool."
Imbes na tumunganga, nakinig na lang ako sa mga kwento nila. One of my classmate was Hal's schoolmate, and stalker. Maraming mga bagay akong nalaman tungkol sakanya mula sa mga kaklase ko, and most of them are pretty interesting. Tila yata napansin nila ang pakikinig ko kaya bigla nila akong tinanong.
"Ikaw Clio, matagal na ba kayong magkakilala ni Hal?" Tanong ni Angellica, seatmate ko.
"Hindi naman gaano, 7 months palang naman kaming magkakilala." I smiled, trying my best to be friendly, I guess it's time to gain some friends.
"Ah ganon ba? Pero lagi mo siyang nakakasama diba? Since he's friends with your cousin Ali?" She added.
"Oo, tsaka we're neighbours kaya madalas kaming magkita." And he's my boyfriend now, I didn't add that part since I don't wanna sound boastful.
Nagpatuloy ang kwentuhan namin hanggang sa dumating ang aming next teacher, I made a lot of friends during that vacant hour. Nalaman ko lahat ng impressions ng classmates ko about sa akin and I share my impression of them too. Naglaro din kami ng games like Uno and Mobile Legends.
It was a very fun day for me, kung alam ko lang na ganito pala sila kasaya kasama I could have approached them sooner.
"Bye Guys!" I waved my new friends goodbye at dumiretso na sa gym since doon ang meeting place naming magpipinsan.
I excitedly approached them nang makita kong nandoon halos lahat sila. My cousins, Kuya Rael, Calum, Yuri and Hal. Tinabihan ko agad si Kelly na busy na naman sa pagbabasa ng libro.
Sa bandang gilid ko ay naroon si Hal, he's busily talking with Calum while his backpack hungs lowly in his shoulder. Ngayon ko lang nakita na astig pala ang ganoong asta. Then slowly our eyes met, the two of us shared a knowing look. And then the thought that me and him are a thing suddenly popped in my mind making a slight blush appear on my cheeks.
Tumalikod ako at nakipag-usap nalang kina Kuya Ali para maiwasan ang sobrang pagfa-fangirl. Napag-usapan nila na dumaan muna sa bahay nila Yuri dahil magpapractice sila para sa performance nila for the upcoming Foundation celebration this October.
"Let me hold this for you." Napa-igtad ako nang hawakan ni Hal ang braso ko para kuhanin ang bag ko. Gusto ko sanang tumanggi kasi sobrang gaan lang ng bag ko, as in sobrangggg gaan, filler lang at hygiene kit ang dala ko. Kahiya, baka isipin pa niya hindi ako nag-aaral nang mabuti.
Pero diko na nagawa since lahat sila nakatingin na sa amin, nawi-weirduhan siguro. Napagawi ang tingin ko kay Kuya Rael, he raised an ok sign from his fingers, asking me if kami na ni Hal or he's just a fling.
YOU ARE READING
Courting Hal (Belle Fille Series #1)
General FictionIn this world, there would be a time that you'll fall deeply in love with someone. You'll have to face a lot of hardships just to get that certain one. But in the end we're not even sure if that someone will stay with us until the end. I loved some...