Chapter 3 Sincere Courtship

3.9K 95 12
                                    

3rd Person POV

Hindi natinag si Zion sa mga hindi magandang ugali na ipinapakita ni Jade sa kanya. Kahit ano pa kasama ang mga ginagawa nito ay pilit na iniintindi ni Zion si Jade. Kahit sobrang busy nito, he still tried to find time for her. At times he will go to their house bringing some flowers, chocolates and gifts. Sa paulit ulit na pag bibisita ni Zion, paulit ulit din itong pinagsasabihan ni Jade na tumigil na sa panliligaw sa kanya. Ngayong araw, hindi man lang hinarap o kinausap ni Jade si Zion ng dumalaw ito sa bahay nila. Her mind was made up. She is not going to give him a chance. She is not going to fall for him. The more she ignored him, the more Zion will realized that he will not have a chance with her. She is physically attracted to him but for whatever reason, ayaw niya ng isang lalaking parang tuta na lang na sunod ng sunod sa kanya. Ayaw niya rin ng mas matanda sa kanya. Si Chase lang ang gusto niya.

Jade continued to ignore Zion. She is so excited that finally Chase asked her out to a bar. Pinayagan naman si Jade ng parents nito at few months na lang ay mag nineteen na siya. Of course di naman siya pwedeng umalis ng nag iisa at palagi na lang itong may kasamang driver o bodyguard. Madali niyang nakita si Chase. "Good to see you Jade. Come on over here and I will introduced you to my friends." Ang masiglang bati ni Chase sa kanya sabay halik sa pisngi nito.

Ipinakilala siya ni Chase sa mga kaibigan nito sabay bulong sa kanya. "You just go with the flow okay? Nakikita mo si Annie? Gusto kong mag selos ito sa atin. I still love her Jade. I wanted to steal her away from her boyfriend." Ang malungkot na sabi ni Chase kay Jade.

Chase was trying to put the strands of her hair that's falling on her face to her ears. "Really Chase! Are you that desperate to win her back? I'm sure hindi siya hahanap ng iba ng ganon ganon na lang kung mahal ka pa  niya." As Chase placed his arms over Jade's shoulder.

Chase was so close to Jade he is almost kissing her. "I know, I know! We will see kung may epekto pa rin ako sa kanya." Ang sabi nito kay Jade sa mapupungay na mga mata. Jade was already affected by Chase presence. Naramdaman nito ang hininga ni Chase malapit sa kanyang mukha.

Nabigla na lang si Chase at lumapit si Annie sa kanilang dalawa ni Jade at hinila si Chase palayo. Sabay sampal kay Chase. "Walanghiya ka! I thought importante ako sayo pero ang bilis mo lang pala akong pinalitan." Sasampalin pa sana si Chase ulit ni Annie ngunit hinawakan ni Chase ang kamay nito.

Bigla na lang lumapit ang lalaking ka date ni Annie at bigla na lang nitong sinuntok si Chase sa mukha. Ayaw ding magpatalo ni Chase at gumanti din ito ng suntok. Nagsuntukan silang dalawa at ayaw nilang magpa awat. Jade tried to break the fight kaya nasuntok din ito sa kamay at hindi niya alam kung si Chase ba ang nakasuntok sa kanya o ang kaaway nito. Hanggang may mga lalaking umawat at tumawag na rin sila ng bouncer at pulis. Namilipit sa sakit si Jade sa kamay nitong nasuntok. Habang si Chase naman ay may mga dugo sa mukha. Dinala sila Chase sa prisinto at sumunod si Jade doon kasama ang driver nila. "Manong, huwag mo akong isumbong sa Mommy at Daddy ha. Pupunta lang tayo ng presinto saglit, tapos uuwi na." Ang sabi nito sa kanilang driver.

Nakita ni Jade na may mga natutuyong dugo sa mukha ni Chase. Kinuha nito ang panyo sa bag, binasa ng tubig at dahan dahan nitong pinunusan ang mga natutuyong dugo sa mukha ni Chase. "Sabihin mo lang pag masakit. Kung bakit naman kasi bigla ka na lang nilapitan ng ex mo. Sigurado akong hindi pa yun naka get over sayo. Tingnan mo tuloy, nasuntok ka pa ng ka date niya dahil sa pagseselos niya." Ang sabi pa ni Jade na patuloy na nililinis ang sugat sa mukha ni Chase.

Nakarinig sila ng mga malalaking hakbang and saw Zion looking at them fiercely. Matalim nitong tiningnan si Jade at Chase habang pinupunasan ni Jade si Chase ng basa nitong panyo sa mukha. "Ano na namang gulo itong pinasok mo Chase? Puro na lang ba sakit sa ulo ang ihahatid mo sa pamilya? Tingnan mo dinamay mo pa si Jade." Ang sabi ni Zion habang nagtitimpi ito sa galit. He was looking at Jade's hands wiping on Chase face with her handkerchief.

"I'm sorry Kuya. Hindi ako ang unang nanggulo. Pinagtanggol ko lang ang sarili ko." Ang sagot pa ni Chase dito. Chase speech was somewhat slurred dahil lasing na rin ito. Hinawakan ni Chase ang kamay ni Jade na pumupunas sa kanya. He stilled her arm from moving. Yun din ang kamay kung saan nasaktan si Jade sa suntukan.

"Aray!" Ang hindi mapigilang usal ni Jade. The three of them looked at her arm. There is an obvious redness in the area where she got hit.

"Anong nangyari diyan?" Ang concern na tanong ni Zion.

"It's okay. I tried to stopped the fight and I got hit. Natamaan lang kanina at huli na ng dumating ang mga lalaking umawat at mga bouncer" Sabay baling kay Chase. "Yung Annie mo na nagsimula ng gulo. Bigla na lang tumakbong umalis." Dagdag ba pa na sabi ni Jade kay Chase.

"Things like that dapat umalis ka na rin. Annie is smart and knows how to safely leave." Ang wala nitong emosyong sagot kay Jade.

"Don't blame her. You're the one who does not know how to make good choices. Nadadamay lang siya sayo! Now, get yourself ready and let me get you out of here quick! It's late at night." Ang ma awtoridad na utos ni Zion. Jade have not seen him get mad like that. 'Ganito pala siya magalit. Nakakatakot naman.' Usal pa nito sa sarili. Bumaling si Zion kay Jade. "If you can wait, I can bring you to the hospital." Sabi pa ni Zion kay Jade.

"Huwag na at okay lang ako." Ang baling pa ni Jade kay Zion. Nagpaalam na ito sa magkapatid. Kasama naman ni Jade ang driver nila at dito na lang ito sumakay.

"I will call you later. Be safe." Ang sabi pa ni Zion sa kanya habang inaasikaso ang mga papers sa police station. 'Paano niya akong tatawagan eh hindi ko naman maalala na binigyan ko ito ng cell number ko.' Sabi pa ni Jade sa sarili.

Sinabi na lang ni Jade sa driver na huwag itong isumbong sa parents at brothers niya ang mga pangyayari. Tulog na ang lahat ng dumating sila sa bahay. Pagod na pagod ito at paglapag ng likod niya sa higaan bigla na lang nag ring ang cell phone niya. It is an unknown caller. Sinagot ni Jade ang tawag. "Good evening. Si Zion to. Hope okay ka lang lalo na ang kamay mong nasaktan." Usal pa ni Zion na puno ng concern ang boses.

"Why are you calling me? I'm okay alright? You don't have to call me this late!" Galit pa na sabi ni Jade dito.

Biglang natahimik ang kabilang linya. "I'm sorry kung naistorbo kita. Pasensiya na." Ang sabi pa ni Zion kay Jade. Siguro naman ay titigil na ito sa kahibangan niya. Ang usal pa ni Jade sa sarili.

Itutuloy

Comment naman kayo diyan...

Hate To Marry You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon