Chapter 34 The Confrontation

4.9K 151 46
                                    

3rd Person POV

Alam ni Jade na mali siya at na violate niya ang rules sa pag gamit ng cellphone sa trabaho. Dinig din niya ang bulong bulungan ng mga empleyado ng pinapasunod ito ni Zion sa opisina niya. They think of the worst, that she will be in a big trouble, the least will be a warning and the worst is that she will get fired from her job. Hindi na lang pinansin ni Jade ang mga katrabaho niya. Kabado siya kung ano ang mga mangyayari pero hindi gaano iniisip ni Jade ito. Pinaghalong kaba at excitement ang nararamdaman niya.

Kinakabahan man ay sumunod pa rin si Jade kay Zion. Her heart beating so fast as she tried to get even with his paced. She felt like hooves of horses were running on her chest just this close to him. Seeing Zion after she left him for the first time, is a heart wrenching feeling. She was following him, his strides so big, she could not keep up with his steps. They ride the elevator with Zion so quiet and Jade was standing beside him. They could hear each other's breathing, thwir heart palpitating in their chest. Finally the elevator reached to the tenth floor, Zion's his office.

Naunang pumasok si Zion sa opisina at siya din ang nagsara nito. Seryoso ang mukha nitong nakatingin kay Jade. Umiwas ng tingin si Jade at ayaw niyang makipag titigan kay Zion. Tumikhim si Zion at nag salita. "Kamusta ka na?" Ang tanong nito sa kanya sa malumanay na boses. Akala ni Jade ay sisigawan siya nito pero laking gulat niya sa ipinakita ni Zion.

Napalunok si Jade at parang mayroong bumara sa lalamunan niya. She still feels so uneasy in front of him. "Mabuti naman." Ang tanging nasagot nito kay Zion sa nanginginig na boses.

Tumalikod si Zion sa kanya at nakaharap na ito sa glass walled building overlooking the city of Davao. "I'm glad you are doing okay. Yun lang naman ang panalangin ko. Na kahit na umalis ka sa piling ko. Naging maayos ka at walang masamang nangyari sayo." Ang sabi pa nito habang nakapa mulsa. His voice full of maleness and authority. Jade can still feel his love and concern for her. Or she is just assuming the wrong things.

Nagpatuloy ito. "Pero mali pa rin na bigla ka na lang na umalis at hindi nagpaalam sa akin. Ganon ba ako kaayaw mo at wala akong halaga sayo kaya basta basta mo na lang akong iniwan?" Ang tanong ni Zion kay Jade na puno ng hinanakit ang boses. Kahit gaanong buo ang pagbigkas nito ng salita ay biglang tunog basag sa huli. This time, he was accusing her.

Napatingin si Jade sa kanya na may namumuo ng luha sa kanyang mga mata. "Hindi yan totoo Zion!" Ang sabi ni Jade kontra sa akusasyon ni Zion sa kanya. This time, she wanted to confess to him the truth, even if it will hurt her in the end. Masakit ang ginawa nito kay Zion kaya hindi niya masisisi ito. She frantically cried in her hands.

Zion turned around and faced her. "Alin ang hindi totoo? Ang iniwan mo akong parang tanga or ang ayaw mo sa akin? I get it Jade. Hindi ako tanga para hindi maramdaman na hindi mo ako mahal. Ang sa akin lang, dapat kinakausap mo ako kung ayaw mo na. Hindi na umalis ka na lang bigla." Ang sabi pa ni Zion dito sa baritonong boses. He stands so tall, void of any emotions but hatred.

Jade realized that Zion doesn't feel anything for her but contempt. He was enraged seeing her the first time. He was just trying control his anger that's whyshe misinterpreted her actions. Jade looked at him with her tears falling down her cheeks. "Oo aaminin ko na mali ang iniwan na lang kitang bigla! Pero para din yun sayo. Umalis ako para hindi na ako sagabal sa relasyon ninyo ni Sherry!" Ang sagot ni Jade na puno ng emosyon ang boses. She was proud of herself to be able to blurt out to him the reasons why she left him.

Lumapit si Zion sa kanya. Holding her shoulders. Shaking her in disbelief. "What? Sagabal sa relasyon namin ni Sherry? Where did that came from? Ikaw ang mahal ko at wala ng iba pa!" Ang usal ni Zion with his stares full of rage and anger. His eyes piercing on her. "Iniwan mo ako dahil sa napaka babaw na rason? Why you did not confront me? Do you think that what you did is fair to us? Hindi mo ako naisip dahil hindi mo naman ako minahal." Ang pang aakusa pa ni Zion sa kanya. He was so mad for knowing the truth.

Jade bravely looked at Zion's eyes. Though her eyes were blurry with her tears. She never flustered. She does not care anymore this time. Kung may karelasyon man ito, may asawa na o pamilya. She needs to tell him the truth. "Mahal kita! Mahal na mahal kaya nakaya kong magpaubaya dahil alam kong yun ang makakapag paligaya sayo! Kaya ako umalis!" Ang sabi pa ni Jade kay Zion na puno ng tapang ang boses.

Tumawa si Zion sa kanya saglit na parang puno ng pang iinsulto ang tawa nito. "That's bullshit! No one will buy your reasons. Masaya ka na sa buhay mo dito. Samantalang ako, lugmok pa rin. I just decided to get back on my feet when I found out your whereabouts. Kaya ako nandito dahil sayo. To see you and to find some closure." Ang sabi nito sa boses na puno ng hinanakit. Jade could feel the pain in them. His voice full of hurt, full of emotions.

Ramdam ni Jade ang pait at sakit sa boses ni Zion. "I'm so sorry Zion. Hindi ko intensiyon na saktan ka. Sana mapatawad mo pa ako." Ang sabi pa ni Jade kay Zion. She hugged Zion so tight, crying on his chest.

She did not received a hug back from Zion. Instead he stiffened with his arms on his side. Jade sniffed on his chest and stayed with her arms wrapped around him. Nagulat na lang sila ng kumatok at sumilip si May ang sekretarya ni Zion. Nakita nitong nakayapos si Jade sa amo nila. Siguradong ipagkakalat nito ang nakita at matindi pa naman ito sa tsismis. Everybody knows about the past and present relationships of their previous boss dahil sa kanya. Dali daling tinanggal ni Jade ang pagyapos kay Zion. "Sorry sir. May appointment kasi kayo in few minutes." Ang sabi pa nito na tinitingnan si Jade na umiiyak at si Zion sa galit na mukha.

Jade stepped back a little bit away from Zion. Inalis ni Jade ang tingin dito. "O sige aalis na muna ako at marami din akong trabaho sa baba." Ang paalam pa ni Jade kay Zion. Tumalikod na ito para bumaba sa distribution area.

Habang dumadaan ito sa hallway ay naabutan pa ito ni May. "Ano ba ang nangyari? Pinatalsik ka ba?" Ang pang uusisa pa nito kay Jade. Mabait naman ito pero sadyang mahilig lang mang usisa. Kahit bagay na hindi naman niya dapat pakialaman.

Ayaw na ni Jade na patulan pa ito. She tried to be polite as much as possible. "Hindi ko alam." Ang tanging sagot lang ni Jade dito ng maiksi. "Siguro si sir na lang ang tanungin mo kung pinapaalis na ba niya ako." Ang sagot pa ni Jade dito ng hindi lumilingon. Dumiretso lang ito ng lakad papunta sa area ng pinagtatrabahuhan niya.

Naabutan ni Jade sa baba ang manager nila. Concern ang mukha nito na lumapit kay Jade. "Anong nangyari? Bakit ka pinatawag? Istrikto pala yun." Ang sabi pa nito kay Jade.  Mabait ang manager nila Jade sa kanya. Ramdam nito ang suporta kay Jade magmula ng dumating ito.

Napatikhim si Jade. "Ayun, bawal daw mag cell phone sa trabaho." Ang pag sisinungaling pa ni Jade dito. "Hindi naman niya pwedeng sabihin dito ang tunay na dahilan kung bakit ito pinatawag ni Zion at kung ano ang koneksiyon nito kay Zion.

Napatango lang ang manager. "Ganon ba. Bakit ka pala umiiyak? Hindi ka naman siguro pinatalsik dahil ako ang pinakaunang tao na pagsasabihan nito kung sakali man." Ang saad pa nito kay Jade. "Ayokong mapapahamak ka. Basta sa susunod ay huwag mo ng gawin na mag cell phone pa ulit. During your break time, pwede kang tumawag. Basta huwag lang working hours." Ang paalala pa nito kay Jade.

"Hayaan niyo po Mam. Hindi na mauulit. I have learned my lesson." Ang sabi pa ni Jade dito.

Napatingin si Ms. Villanueva sa kanya. "Sige Jade basta pag may kailangan ka, nandito lang ako to support you. I hope na warning lang ang tatanggapin mo with this violation." Ang sabi pa ni Mrs. Villanueva sa kanya. Ayaw ni Jade na malaman nito ang totoong naging relasyon nito kay Zion. Nobody needs to know. She was already here far away from her family and people who knows her. Ngunit ngayon naging alanganin na naman ang tahimik na pamumuhay nito. Magmula ng dumating dito si Zion, natatakot si Zade na malaman nito ang tungkol kay Kaitlin.

She was busy supervising those products na kailangan ng i shipped ng makarinig ito ng mga yabag. Jade hide in the tiny corner and saw Chase, Zion's brother with his parents. Ano ang ginagawa nila dito? Jade was so anxious to see them. My God! Seeing Zion was already a nightmare for her. Now his family is here! Paano pag nalaman nila ang tungkol kay Kaitlin?

ITUTULOY

pls. Make a comment kung gusto niyo pa ng update. Thanks.

Hate To Marry You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon