Chapter 4 Hurtful Scene

4.2K 102 16
                                    

Zion's POV

I am surprised to see my friend Ray visiting me in my office. He was a part of our corporation and one of the highest position employee hired as a VP. "Man, bakit kasi na nag titiyaga ka sa babaing walang gusto sayo? Marami naman diyan ah." Ang sabi pa nito sa akin. "Sila pa nga ang naghahabol sayo!" Dagdag pa nito sabay halakhak.

"Ewan ko nga ba. Siya lang ang tanging itinitibok ng puso ko. Nag try naman ako at talagang sineryoso ko si Lisa. Pero, kahit na anong gawin ko. Si Jade lang ang gusto ko." Ang sagot ko pa kay Ray. Totoo naman, I did tried to hard to forget Jade pero ng makita ko ito sa 59th birthday ni Mommy parang lulunurin na naman ako ng puso ko sa paghanga. I know, I will never ever get over her. My heart is so silly coupled with my mind. It is obscess to have her, to be with her and to create a family with her forever.

Eversince na nag graduate ako, nakapatong na lahat ng responsibilidad sa balikat ko. I assume Dad's role in the company and took ober being the CEO in one of the largest pharmaceutical company in the Philippines. I do understand that Chase is still young kaya sa akin lahat ng responsibilidad. Hindi ako nakaranas ni minsan man na mag enjoy o magpakawala. I was always reminded by my Mom and Dad that I need to do the best in everything I do. So I graduated with the highest honors being the summa cum laude in my class. Everyone said na matalino ako at masunurin sa magulang. Wala akong may sineryoso na babae dahil buo na ang isip ko na si Jade lang ang mamahalin ko. Pero ang masaklap ay buo na rin ang isip nito na hindi niya ako kayang mahalin. The reality's of life... it is painful but it is the truth.

Nandito pa rin ako nakatira sa bahay namin at wala pa akong balak bumukod. I bought myself an expensive penthouse condo unit pero minsan ko lang yun pinupuntahan. How time flies. Few months na lang at graduate na si Chase. Maaaring matutulungan na niya ako sa kompanya. Patuloy pa rin ako sa panliligaw ko kay Jade, ilang taon na rin magmula ng magpahayag ako ng pagmamahal ko sa kanya. Minsan naiisip ko na ring tigilan at prangka naman ako nitong pinagsasabihan na hindi ako nito mahal. That's been more than four years ago. Ngayon ga graduate na sila ni Chase at magkasama pa rin silang dalawa. Sabi ni Chase magkaibigan lang daw sila. Hindi din yata alam ni Chase na may pagtingin si Jade sa kanya.

Birthday ngayon ni Chase at sa bahay ang handaan. Mas mainam na kay sa sa bar at puro gulo at pag babasag ulo ang inaatupag. Pag dito sa bahay ay kampante ang isip ko na walang gulong mangyayari. It was a pool party, my baby brother is turning twenty one and I will be turning twenty nine. Napag iiwanan na ako ng mga kaibigan ko. Hindi lang ako pati na si Lisa. Lahat ng mga kabarkada namin ay may sarili ng pamilya. Si Lisa naman ay naghihintay ito sa pagmamahal ko na hindi ko naman kayang ibigay.

My head turned towards the beautiful lady in a two piece yellow bikini. It was Jade, stunningly beautiful as ever. Hindi ko alam na kinakausap pala ako nina Ray at Lisa. "Parang luluwa na naman yang mga mata mo kay Jade. Hindi ba napapagod ang puso mo diyan?" Ang usal pa ni Ray na nang aasar.

"Nag iisa lang yan sa puso niya. Tingnan mo, ng makita niya parang balewala na lahat sa paligid niya." Ang sabi pa ni Lisa na sabay halakhak. "Kaya nga ako initsa pwera dahil diyan. Pero hindi, that was four years ago. Limot ko na yun lahat. Kaya nga di ba. Able ko ng pagtawanan lahat dahil limot ko na yun." Dagdag pa nito.

Kung ako ay puro si Jade lang ang nakikita ko. Kabaligtaran naman ang nararamdaman nito para sa akin. Parang hangin lang ako sa paningin niya. Nandiyan lang ngunit hindi nito nakikita. Ewan ko nga ba kung bakit patuloy ako sa nararamdaman ko na alam ko na sa umpisa pa lang ay wala na akong pag asa. Is it worth it to wait? If I will have to wait, how long can I wait? Minsan gusto ko ng mag give up. Try to find another woman to whom I can have a family. Like lisa, yes, like Lisa. Very respectable, kind and gentle. She never gets tired of waiting, of loving me. She remains pure eversince. Until this day, sabi niya na kung mawawala man ang virginity niya, sa akin niya lang iaalay yun. I am always honest with her na hindi ko siya kayang mahalin at si Jade lang ang gusto ko.

Since puro naman adult ang bisita sa party, kaya may mga alcohol at marami ding pagkaing hinanda. I saw Jade drinking a lot kaya lumapit ako dito ng bumalik ito sa bar at nanghingi ng drinks. Hinawakan ko ang kamay nitong may hawak ng drinks. "That is enough." Sabi ko pa dito while looking in the most beautiful eyes I have ever seen. Her mouth opened and I love to kiss those beautiful lips. Hindi din nakalagpas sa mga paningin ko ang cleavage nitong halos lumuwa na sa swimsuit nito.

"Alam mo, panira ka ng moment. Shoo! Iwanan mo nga ako and I'm having a great time here. Nasira lang ng dumating ka." She said as if I was just a dog trying to annoy her.

Masakit ang mga ginagawa nito at ang puso kong nagmamahal kahit kailan man ay hindi napapagod. Nasasaktan ito ngunit hindi kailan man mapapagod. Gabi na at halos lahat ay nakaalis na sa party.

"Ako na diyan Kuya. Ako ng bahala kay Jade." Ang sabi ni Chase sa akin. Hindi ko na napansin at bigla na lang silang dalawa na nawala.

Nag usap lang kami saglit nila Mommy at Daddy at binigyan ko sila ng update tungkol sa kumpanya.

I was on my way to my room when I heard a loud sound. I think it came from Chase room. Something fell for sure. The door was open so I went inside. I saw Jade running towards Chase side clad only in towel while chase is naked on top only in his boxer shorts. I saw tha lampshade shattered on the floor. "Anong nangyayari dito?" Ang tanong kung gulat sa dalawang taong lasing at halos pareho na silang hubad.

"Walang may nangyayari Kuya." Ang paliwanag pa ni Chase. "Nahihilo ako at nasagi ko ang lamp shade habang papunta sana sa CR. Mag bibihis lang si Jade at uuwi na rin ito." Ang paliwanag pa ni Chase kay Zion.

"Obvious ba kung anong nangyayari sa aming dalawa? Malamang ginagawa niyo rin ito ng girlfriend mo." Ang makahulugan pa na sabi ni Jade sa akin ng harap harapan. Parang dinurog ang puso ko sa narinig ko. My heart that is so numb all this time ay biglang nasaktan. Hindi ko maipaliwanag ang sakit. I felt betrayed. Betrayed by what?! Ni minsan hindi ako nito pinaasa. Ni minsan naging honest ito sa nararamdaman niya para sa akin na ayaw niya sa akin. Gusto ko mang umiyak dahil sa nasasaktan din ako ay hindi ko maipakita. Hindi nito dapat malaman na I am affected this time. Na sa dinami rami ng sakit na naiparamdam ni Jade sa akin. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. "Ligpitin mo na lang yan Chase. Mag ingat kayo at baka maapakan niyo yan." Sabi ko pa sa kanila trying to hide my pain. Trying to be strong kahit na nasasaktan ang puso ko. Ngunit wala akong karapatan na magalit sa kanila. Nasasaktan ako kasi I hope too much. Akala ko ay mamahalin rin ako ni Jade sa huli.

ITUTULOY

Please mag comment naman kayo. Maganda itong story na nabuo ko sa isip ko... matatapos lamang ito kung susuportahan niyo ako.

Hate To Marry You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon