🐝🌻🌹Warning SPG. 16 years old and below please skip this chapter. 🐝🌻🌹
3rd Person POV
Naging abala si Zion sa pamamalakad sa kompanya. Most of the time ay nasa business meeting ito. Kung uuwi man ay late na ng gabi dahil sa mga clients na mini meet nito. Halos wala na rin itong pahinga magmula ng dumating sila ng Pilipinas ni Jade. Inasikaso nito ang bahay nila, mga tauhan at pangangailangan sa bahay. Nagulat si Jade ng isang umaga ay nagkasabay sila ni Zion sa hapag kainan. "Good morning!" Ang masigla pa na bati nito kay Jade. He was still on his pajama and gray shirt. Humila ito ng upuan para kay Jade.
"Good morning! Thanks Zion." Ang balik pang bati at sabay pasalamat ni Jade sa kanya. Na miss ito ni Jade at halos ilang araw ng hindi sila nagkikita.
Tumikhim si Zion. "Sinadya ko talagang gumising ng maaga at may sasabihin sana ako sayo. Sorry, for being busy. I thought it's better this way for now. I can give you space and time. Tapos ako din, I can focus taking over the company and making sure you have all you need in our house." Ang usal pa ni Zion dito. "Ini invite tayo nila Mommy at Daddy mamaya for dinner. Kung okay lang sayo." Ang dagdag pa na sabi ni Zion dito.
"I'm okay with going to your house. You don't have to say sorry. Naiintindihan ko na busy ka sa ngayon. Ako nga dapat ang namamalakad dito sa bahay. Gusto ko namang matuto kaso lang bumalik na ako ng trabaho at naging busy na rin." Sagot din nito kay Zion.
"Okay. We will leave early then. We will work under time today." Dagdag pa nitong sabi kay Jade at nagpaalam na nagmamadali na rin itong magbihis.
Tinotoo nga ni Zion ang sabi nitong bibigyan nito ng bodyguard si Jade. Nasa building lang ang bodyguard. Paikot ikot na binabantayan si Jade. Jade remained down to earth with the rest of her coworker. She felt like she's no different than the rest. Some employees noticed the bodyguard at tinanong nila ito. Pero napagkasunduan na na huwag nitong sabihin na si Jade ang binabantayan niya. Sinabi lang nito na he is the bodyguard of one of the executives. Maski si Mrs. Maglipon ay nakapansin na rin sa bodyguard. Kaya tinawagan nito ang security. "Guard, ire report ko lang sana ang taong nandito sa floor namin na paikot ikot. Sabi daw niya bodyguard daw siya ng mga executives." Sumbong pa ni Mrs. Maglipon sa security.
"Aware na po kaming mga security Mam tungkol sa bodyguard sa floor niyo. Utos po yan ng CEO, ni sir Zion po. Bodyguard po yata yan ng mga executives or family ng mga executives." Sabi pa ng guard dito.
"Ganon po ba? Eh wala naman pong executive sa fifth floor. Puro empleyado lang po ang nandidito. But anyway, that's alright basta galing sa boss. Hindi na ako makikialam." Sabi ni Mrs. Maglipon sabay baba ng telepono.
Maagang dumating sa building si Zion at halos nagkasabay pa silang dumating ni Jade sa lobby. Hindi na yata ito nag almusal bulong pa ni Jade sa sarili. Hindi napansin ni Jade si Zion, instead si Adam ang nakita nito dahil agaw pansin ang bulaklak na dala dala nito. Lumapit si Adam kay Jade ng nakangiti. "Flowers for you." Ang sabi pa ni Adam sa kanya.
Nagulat si Jade at tinanong si Adam. "For what?!" Ang lito na na tanong ni Jade sa kanya.
Tumikhim si Adam. "For the most beautiful woman that I admired for so long." Usal pa ni Adam dito na nakangiti.
Samantala nakita ni Jade si Zion na papasok sa door ng elevator. Tinanong niya ang sarili kung nakita kaya silang dalawa ni Adam nito? Kung narinig ba nito ang sinabi ni Adam sa kanya? Ng magbukas at pagsarhan ng elevator si Zion tsaka na lang naalala ni Jade na kasama pala niya si Adam. "Sorry Adam, I got distracted. Thank you for the flowers. Huwag ka ng mag abala pang magbigay sa susunod. Ako pa nga ang may utang sayo eh." Ang sabi pa ni Jade kay Adam.
Napasuklay ito ng kamay sa buhok. "Jade, gusto ko sanang manligaw sayo kung pwede." Ang sabi pa nito na bakas sa mukha na nahihiya.
Napatingin si Jade kay Adam at nagulat ito sa tinuran ni Adam sa kanya. "Thank you sa attention na binibigay mo sa akin Adam. Sorry, hindi ko kasi naikwento sa inyo ni Loren pero hindi na pwede dahil may nag mamay ari na kasi ng puso ko." Ang prangka pa na sabi ni Jade kay Adam.
BINABASA MO ANG
Hate To Marry You (Completed)
सामान्य साहित्यMatagal ng nanliligaw si Zion kay Jade but she rejected him multiple times at ang kapatid nitong si Chase ang gusto ni Jade. Umalis si Zion at pumunta ito ng America, nag asawa at nagkaroon ng sariling anak at pamilya. Circumstances brought Zion an...
