Jade's POV
I expected Zion to deny his intention. To chicken out with my brother Drake. Instead, he moved in front of me. Tumikhim ito as if he was shielding me from Kuya. With that gesture, nakita ko na kaya ako nitong protektahan. Kaya ako nitong ipaglaban. But no! My mind is made up. I don't want to fall for him. Si Chase lang ang gusto mo! Si Chase lang ang gusto mo! Ang paulit ulit ko pa na usal sa sarili. "Pasensiya na pare. Honestly pumunta ako dito to see Jade. Ayoko ng itago ang nararamdaman ko. May gusto ako sa kapatid mo. Mahal ko si Jade." Ang matapang nitong usal sa Kuya Drake ko. Namula ang mukha ko sa hiya dahil sa pag amin ni Zion kay Kuya. Ang kapal ng mukha niyang umamin. Hindi man lang nai deny. Bwisit na to!
"Man, magkaibigan tayo. Ayokong lolokohin mo lang ang kapatid namin. Wala ka na bang may mahanap na kaedad mo at itong kapatid namin ang pinag didiskitahan mo?" Usisa pa ni Kuya Drake dito with his usual serious tone. Alam kong isa si Kuya na strikto at may disiplina sa sarili. Ganon daw ang mga neurosurgeon. Every minute detail is important. Hindi nga ba na maliliit at highly vascularized ang brain. Kaya siguro kahit sa buhay niya, he is careful, he is precised.
Nairita ako kay Kuya. Akala mo naman papatol ako sa lalaking to. "Kuya, ano ka ba. Walang may magpapaloko. Hindi ko naman gusto si Kuya Zion." Sabi ko pa sa kanila na hindi iniinda kung masasaktan man si Zion sa mga pinag sasabi ko.
Pasuplada akong napabaling kay Kuya Zion. "Halika na nga Kuya at pagod na kasi ako. Gusto ko ng umuwi." Ang padabog ko na sabi kay Kuya sabay iwas ng tingin kay Zion at lagpas sa kanya.
I saw the girls torn where to look at right now as we walked away. Ang iba tumitingin kay Kuya Drake. Kuya Drake was in his usual scrubs. Ang iba naman ay kay Zion nakatingin. They are both handsome, tall, successful and with a strong male aura. I could see the envy on their eyes looking at me with two handsome men.
Hindi na ako pinagsabihan pa ni Kuya dahil tumunog ang cell phone ko pagkaupo namin sa sasakyan. Si Chase tumatawag. "Saan ka ba? Bukas sama ka sa amin mag bar tayo at Byernes naman walang pasok kinabukasan." Sabi ni Chase. Pag siya ang may kailangan sa akin ay hindi ako makahindi.
Tumikhim ako habang nakatingin kay Kuya Drake. "Sige, see you tomorrow Chase. Text mo na lang ako ng lugar na kung saan tayo magkikita." Ang sagot ko pa kay Chase sabay paalam.
"Kung yang Chase din lang ang magiging boyfriend mo. Mas mainam na si Zion. I heard nag iba na ang ugali niyan. Lately puro gulo lang ang inaatupag. Wala ng ibang ginawa kundi magpasakit sa ulo ng magulang nila." Ang sabi pa ni Kuya Drake.
Nagulat ako sa sinabi ni Kuya Drake. "Kuya, hindi ganyan ang pagkakilala ko kay Chase. Mabait si Chase at hindi basag ulo. Huwag mo siyang ikumpara kay Kuya Zion. Ayoko sa lalaking yun!" Depensa ko pa kay Chase kay Kuya Drake.
Umismid ito. "Bata ka pa Jade, kaya ka namin pinoprotektahan. Kilala ang mga Abad dahil sa kanilang yaman at hindi maiiwasan na mapag usapan sila dahil sa kanilang social status. Hanggat maaga pa. Iwasan mo si Chase." Ang paalala pa ni Kuya sa akin.
Hindi na ako sumagot pa kay Kuya. Pero hindi ako naniniwala na spoiled si Chase. Totoong bata pa ito, pero hindi siya yung basag ulo. Nakarating kami ng bahay at nakita ko na nandoon na na naunang naka park ang sasakyan ni Zion. Bakit pa siya pumunta dito? Shit! I hate him for doing this. Nang lingunin ko ang sasakyan, wala na itong tao sa loob. Nakita ko ang driver nila na naninigarilyo sa labas ng bahay.
"Nandito yata sa Zion." Sabi ni Kuya sa akin. Narinig namin na may nag uusap sa sala at nakita ko ang mga magulang ko at si Zion.
"O, nandito na pala si Jade." Ang panimulang bati ni Mommy at Daddy. Narinig ko din ang pagbaba ni Kuya Blake sa hagdanan. Gulat din ito ng makita si Zion.
"Bakit ka nandito? Di ba nag usap na tayo?" Ang sabi ko pa kay Zion na hindi iniinda kung mapapahiya man ito.
Nagsalita si Kuya Zion. "It's okay Jade. We will leave the two of you here to talked." Ang sabi pa ni Kuya Zion.
"Sige, maiwan na muna namin kayo." Ang sabi pa ni Daddy.
"Maghahanda lang kami ng pagkain at dito ka na kumain Zion." Ang sabi pa ni Mommy.
"Naku, hindi na po. Okay lang ako." Ang sagot naman ni Zion. Looks like my parents are comfortable with him. Hindi katulad ko na naiilang, naiinis sa presensiya nito.
What a long silence ng maiwan nila kami. I'm not sure kasi bakit hanggang dito ay sinusundan ako nito. "I'm sorry. Gusto ko lang malaman ng mga magulang mo na seryoso ako sa intensiyon ko sayo. Kaya nagagawa kong pumunta dito sa inyo. Kaya hindi ako nahihiyang malaman nila na may gusto ako sayo." Ang tanging usal nito ng mahina. We are seated facing each other.
"Bakit ka pa kasi pumunta dito? Bakit pag pumunta ka ba dito, tingin mo mag babago ang nararamdaman ko sayo. Hindi kailan man magbabago at si Chase lang ang gusto ko. Sinasayang mo lang ang oras mo!" Inis ko pang sabi dito. Ilang beses ko bang dapat saktan ang lalaking ito upang marealized niya na hinding hindi ako kailan man magkaka gusto sa kanya.
I can see the pain and hurt in his eyes. "I will never regret the time that I will spend with you. Kaya for me, walang nasasayang na oras pag kasama kita. Ganyan ka ka importante sa akin." Mahinahon nitong sabi. His voice is full of patience, full of understanding. Bakit parang hindi ko man lang nakikitang nagagalit ito. He is so calm and contained. Samantalang ako, hindi ko maiwasang ipakita sa kanya ang inis ko.
Sinulyapan ko ito with my eyes full of anger. "You are making me uncomfortable! Bakit mo ako sinusundan? At pati dito pumunta ka pa sa bahay? You are such a freak!" Galit ko pa na usal dito.
Yumuko ito at tsaka napa mulsa. Tumayo ito at tumingin sa aking mga mata. "Pasensiya na. I don't want you to feel that way. I'm so sorry... I don't want you to feel uncomfortable. I just want you to feel loved. Mas mainam pa siguro na umalis muna ako. I don't want you to feel upset. Believe me that was not my intention at all." Ang sabi nito na parang nanlulumo. "Magpapaalam lang sana ako sa mga magulang mo." Ang sabi pa nito sa malungkot na boses.
Ramsam ko ang lungkot sa boses nito. Dinala ko siya sa study room kung saan sina Mommy at Daddy. "O Zion, dito ka na kumain." Ang sabi pa ni Mommy dito.
"Naku! Hindi na po Tita at babalik pa ako sa opisina. May aasikasuhin pa kasi akong importante doon. Dumaan lang ako dito saglit. Salamat po ulit sa inyo at pinayagan niyo akong dumalaw kay Jade." Ang sabi nito na sabay na nagpaalam kay Mommy at Daddy.
Kahit na ayaw ng isip ko na sumunod dito para ihatid sa labas. Ay sumunod ako sa kanya. Narinig kong tumunog ang telepono niya. "O Lisa. Okay fine. I will talk to you about that." Rinig kong usal nito sa kabilang linya sabay patay sa telepono. Bakit parang pinipiga ang puso na malaman na may kumonikasyon pa rin sila ni Lisa. Hindi ako nagseselos. Naiinis lang ako sa lalaking ito at may Lisa na siya at nanliligaw pa sa iba!
Itutuloy
Gusto niyo pa ba ng update? Please like and make comments para ma inspire akong mag sulat.
BINABASA MO ANG
Hate To Marry You (Completed)
General FictionMatagal ng nanliligaw si Zion kay Jade but she rejected him multiple times at ang kapatid nitong si Chase ang gusto ni Jade. Umalis si Zion at pumunta ito ng America, nag asawa at nagkaroon ng sariling anak at pamilya. Circumstances brought Zion an...
