Jade's POV
I left Chase house na lito ang isip ko. Nawalang bigla ang pagkalasing ko at ang hang over dahil sa nangyari. I made Zion upset, his eyes was so hurt, I could see sadness in them. Sa totoo lang, wala naman kaming may ginagawang iba ni Chase. Nagsuka lang talaga ako kung bakit ko hinubad ang damit ko at manghihiram sana ako kay Chase ng kanyang t- shirt. Kaso lang ay aksidenting nasukahan ko si Chase at sinabihan ko na lang itong mauna ng magbihis. Nakakahiya at ang baho ng suka ko. Ngunit habang dala dala nito ang shirt para magbihis, siguro dahil na rin sa kalasingan ay aksidenteng nasagi nito ang lampshade at tamang tama naman na narinig iyon ni Zion at tsinek niya kung anong nangyayari sa loob ng room ni Chase. I could see mixed emotions in his eyes. Disgust-for seeing me almost naked in a man's room, combined with sadness and anger. Lalo na ng bigyan ko siya ng maling impresyon. Impresyon that me and Chase were doing intimate things that only couples does.
Ilang buwan ng hindi nagpapakita si Zion sa akin. Ni sa school man o sa bahay, hindi na ito napadalaw. I thought magiging tahimik ako kung lulubayan na ako ni Zion. Pero kabaligtaran ang nangyayari. Hindi ako natahimik in fact nagulo lang lalo ang tahimik kung puso. Na miss ko ito at na realized ko na si Zion pala ang mahal ko. Hindi si Chase. Chase was just an illusion- he was just a painting in my mind that I thought I could be happy. While Zion is the reality. A reality that I almost already have but I let it slipped through my fingers. Kahit parents ko at ang kambal kung mga kuya ay hinahanap si Zion at nagtataka sila na hindi na nila ito nakikita pa. Ilang taon din itong nagtitiyaga sa panliligaw nito sa akin. Apat na taon to be exact. Gusto ko mang tawagan ito, ngunit naiisip ko na parang napaka cheap ko naman at parang ako na ngayon ang naghahabol.
Natapos ang graduation sa College at hindi ko nakausap o nakita man lang si Zion. Isang araw hindi na ako nakatiis at tinanong ko si Chase. "Ah, si Kuya Zion. Ayun busy kay Lisa. Nagkabalikan na sila at balak na nilang magpakasal." Ang balita ni Chase sa akin at sobra akong nanlumo. The news stopped my heart for a few seconds, I thought I would have an acute heart attack. Pinalagpas ko ang opportunity na mahalin ng isang Zion. Opportunity na sana maging masaya ang buhay ko. Hindi ko man lang ito binigyan ng pagkakataon at ang sarili nami na maipakita ang pagmamahal sa isa't isa.
"Ah, ganon ba. Parang kailan lang ano. Mag aasawa na pala siya." Sagot ko naman kay Chase na pilit pinapasaya ang boses. Pero sa totoo lang gusto ko nang maglumpasay sa iyak. Pilit kong itinatago ang namumuong luha sa aking mga mata.
"Ikaw kasi eh. Hindi mo man lang binigyan ng chance si Kuya." Ang sabi pa ni Chase in a teasing tone. "Oo nga, next month na nga ang kasal nila at doon na rin sila maninirahan sa US. May branch din kasi kami doon kaya magiging busy din sila doon. Hinihintay lang talaga ni Kuya na makatapos ako ng college. It's about time that he needs to focus to start his own family. Kuya is not getting younger at marami na rin itong naisakripisyo lalo na sa pamilya namin." Ang sabi pa ni Chase sa akin na lalong namangha kay Zion.
I cried so hard that day. Hindi ko alam kung ano ba ang ipinagmamaktol ko. Ako naman ang umayaw sa kanya, ako naman ang nagbalewala sa pagmamamahal na inaalay niya. Nang mawala ito, ngayon ko lang naramdaman ang halaga nito sa buhay ko. Will I beg for him to stop the marriage? Will he listen to me? Parang tuluyan na akong masisiraan ng bait nito. Wala akong may maisip na paraan. I'm doomed in my own world. Lahat na yata ng dapat kung iluha ay nailuha ko na.
I am in my deep thoughts when I heard the phone ringing. It was Chase calling. "O ano na naman. Kakakita lang natin ah." Ang pilit ko pang pinapasigla ang boses ko. Ayaw kong mahalata nito na malungkot ako.
"Well, guess what? I have a perfect job for you in the company. We are needing an accountant. Baka gusto mo. Okay lang na wala ka pang lisensiya." Ang sabi pa ni Chase sa akin. Nag usap kami tungkol sa magiging trabaho ko kung sakali. I set up daw niya ang interview ko next week. Usually daw sa mga ganoong posisyon sa kumpanya, dumadaan din sa Kuya niya ang mga aplikante.
It is weekend at pag Saturday, nandito kami lahat sa bahay na nag dinner. "O, Jade anong plano mo ngayong tapos ka na sa kurso mo?" Ang seryosong tanong ni Daddy sa akin.
"Wala pa naman po akong sigurado na plano pa sa ngayon. Kukuha siguro ako
ng board exam. At tsaka pag matatanggap po pala ako doon sa kumpanya nila Chase. Magtatrabaho na po ako doon." Ang sabi ko pa sa kanila sa mga plano ko.
Nag message sa akin ng Saturday si Chase na tuloy na ang interview ko by Monday. I am so nervous to see Zion again at the same time excited. That Sunday ay hindi ako makatulog dahil ito na ang araw ng interview ko. Ito na ang araw kung saan muli kaming magkikita ni Zion. Gusto akong samahan ni Chase. Pero ayokong malaman ng ibang empleyado na magkaibigan kami ni Chase. Para hindi nila iisipin na napasok lang ako sa kompanya dahil lamang kay Chase.
"Sa tweentieth floor po Mam. Hinihintay na po kayo doon ni Mr. Abad." Ang sabi ng receptionist ng dumating ako.
Kahit kinakabahan ako ay hindi naman ako nawala sa buildiny at paglabas ko sa elevator ay nakatambad kaagad ang nakaukit na pangalan sa pinto. 'Mr. Zion Abad-CEO'. Biglang tumambol ang puso ko. Ang taong palaging laman ng puso't isipan ko ay finally makikita ko na rin. Kumatok ako sa pintuan nito at narinig ko kaagad ang baritonong boses ni Zion. "Come in." Ang sabi nito in his deep, full male voice.
Nanginginig ang kamay kung binuksan ang pintuan ng office nito. He was also opening the door when I'm trying to push it from the outside. "I'm sorry." Ang tanging nausal ko pa dito ng muntik na akong matumba. Yun lang ang tanging kataga na namutawi sa bibig ko. Sorry for what? Sorry for pushing the door, sorry for hurting you, sorry for making you wait that long. Here he is, the ever so handsome Zion, dressed neat in his corporate attire.
The office was so big, so cozy and shiny all over. Nakikita mo sa labas ang buong kaluluwa ng Maynila. "Upo ka." Ang sabi nito sa akin sa malumanay na boses sabay hila sa silya para makaupo ako. "Welcome to my office Jade. Siguro hindi mo na rin kailangan pang i interview at kilala ka naman na namin. Lalo na ang buong pamilya mo." Ang masiglang sabi pa ni Zion. "Kamusta ka naman?" Ang tanong pa nitong mas lalong nagpakaba sa akin. He is still the same Zion, friendly and patient.
Sasabihin ko bang 'Eto nangungulila ako sayo.' Pero hindi kaya ng konsensiya ko. "Okay lang a-ako." Ang nauutal ko pang sagot dito. I felt like hugging him and I want to tell him how much I miss him. Pero hindi ko magawa.
Narinig ko na lang na nag ring ang cell phone nito. "Excuse me." Sabi nito sa akin. "Lisa sweetheart, I don't want you to get tired okay. Your priority should be yourself and our baby. Nothing else. That's why we hired a wedding organizer para pagdating natin sa States, ready na ang lahat para sa kasal natin." Ang sabi pa nito sa kabilang linya at nagpaalam na kay Lisa.
Bumaling muli ito sa akin. "Well, congratulations. You are hired! Not because you know Chase but because you qualified for the job." Ang sabi nito sa akin in a friendly tone.
Instead na umuwi akong masaya dahil natanggap ako sa trabaho. Umuwi akong nanlulumo dahil sa nalaman ko tungkol kay Zion at kay Lisa. Umuwi akong, luhaan, talunan. I still love him all these years. Siya lang ang mahal ko at pilit ko kasing nilalabanan noon pa man ang nararamdaman ko para rito.
ITUTULOY
Magparamdam naman kayo kung nagustuhan niyo ang story na to.
Ang sakit ano? Kung kailan pa ready na si Jade na mahalin si Zion. May nag mamay ari na dito at may mahal na rin itong iba. Parang maraming nakaka relate dito... hays...
Tragic naman kasi ang story na to, intense. Full of drama. Sana magustuhan niyo.
BINABASA MO ANG
Hate To Marry You (Completed)
Fiction généraleMatagal ng nanliligaw si Zion kay Jade but she rejected him multiple times at ang kapatid nitong si Chase ang gusto ni Jade. Umalis si Zion at pumunta ito ng America, nag asawa at nagkaroon ng sariling anak at pamilya. Circumstances brought Zion an...
