Jade's POV
Natapos ang gabi ng birthday party ni Mrs. Abad na hindi ako mapakali. Hanggang sa umuwi ako, I was on my deep thoughts. I will never get over with Zion's admission. May mga kaklase o kaedad na rin ako na nagpa hiwatig ng paghanga sa akin ngunit hindi ang isang katulad ni Zion. Never akong magka gusto sa kanya at matanda na siya para sa akin! Si Chase lang ang gusto ko. Pilit kong inilalagay sa isipan ko na huwag magka gusto kay Zion at paninindigan ko iyon.
Aaminin ko na may kaya kami sa buhay ngunit hindi katulad sa mga Abad na multi millionaire dito sa Pilipinas. Kilala at tanyag ang mga Abad sa Pilipinas dahil sa negosyo nila. Nag mamay ari sila ng tanyag na pharmaceutical company sa buong bansa.
Kami naman ay may kaya din sa buhay at parehong doctor ang mga magulang ko. Kaya nga gusto din nilang maging doktor ako para sumunod sa mga yapak nila. Pero hindi yun ang gusto ko. Gusto kong magtapos ng commerce at hindi ko linya ang medical field. My parents were so disappointed of me. Pero kahit ganon pa man ay sinuportahan nila ako sa mga gusto ko sa buhay. Hindi man ako magiging doktor, pipilitin kong makatapos sa pag aaral at para maging proud naman sila sa akin. Si Kuya Drake at Kuya Blake na lang ang tumupad sa mga pangarap ng mga magulang ko. Ngayon ay ganap na silang doktor. Kuya Drake specializing in neurosurgery and Kuya Blake is a Cardiovascular Thoracic surgeon. They were twins, already 28 years old and both are still single. Kaya pag magkakasama kaming lima sa hapag kainan ay hindi ako makasabay sa kanila. Puro diskusyon tungkol sa sakit, at ospital ang pinag uusapan. I am ten years younger sa kanilang dalawa. Surprise baby ako dahil akala nila Mom and Dad ay hindi na sila magkakaanak.
"Drake malapit na bang matapos ang bahay na pinapagawa mo? We can drop by this weekend to see it!" Excited na usal ni Daddy. My Kuya Drake is building a house near the metroplex area.
"Malapit na Dad. Hopefully matapos na ang mga interiors this month." Sagot pa ni Kuya Drake.
Si Kuya Blake naman has a large condo penthouse. Nandito pa rin sila sa amin nakatira. Ang condo ni Kuya Blake ay ginagawa lang niyang pahingahan pag pagod ito sa trabaho. May tagalinis siyang nakatira doon. Basically two of my brothers are still living with us. Wala pa akong alam na sini seryoso nila na babae. Mahirap sigurong ma impress ang mga lalaking kagaya ng mga Kuya ko. Both a successful surgeon.
Parehong mga successful ang mga Kuya ko kaya hirap din akong makasabay o kahit man lang pantayan ang success nila. Sabagay, ayokong kinukumpara sa kanilang dalawa. Malamang mahirap pantayan ang mga narating nila. Gusto kong magsikap at mapatunayan sa kanila na hindi man ako magiging doktor ay may kakayahan din akong mag tagumpay sa larangan na napili ko.
Napalingon si Daddy sa akin. "O Jade, you are now 18. May nanliligaw na ba sayo? We do not mind that kasi parte yan ng pag dadalaga. Pero sabihin mo sa kanila na mag akyat sila ng ligaw dito sa bahay kung sino man ang may gusto sayo. Hindi kung saan saan lang." Ang paalala pa ni Daddy.
This made me uncomfortable pag ako ang topic lalo na sa larangan ng pag ibig. "Naku Dad. Wala naman pong may nanliligaw. Bata pa po ako Dad. Hindi ko pa po iniisip ang magpaligaw." Ang agaran kong sagot sa Daddy ko. Napatingin naman si Kuya Blake sa akin.
"Uy, defensive ang baby girl namin. Kami munang mga Kuya mo ang mauuna okay." Sabi ni Kuya Blake with his playful self sabay halakhak.
"Hindi ka pa pwedeng mag boyfriend Jade. You are just eighteen. Unahin mo muna ang pag aaral mo." Ang ma awtoridad na sabi ni Kuya Dlake.
My Kuya Drake and Blake though they're twins but with two diffrent personalities. Kuya Drake is the serious, strict type while Kuya Blake is the playful easy going type. If there is some serious matters, I can always rely on Kuya Drake but for fun stuff, Kuya Blake is the expert.
"Jade, hindi ba nanliligaw sayo si Chase? They are from a good family background. Ang Kuya non si Zion, nakakalaro namin sa basketball yan noon sa College. They are from a good family background kung si Chase ang pipiliin mo." Ang sabi pa ni Kuya Blake. He is always cool to talk to lalo na sa usaping crush.
"Naku Kuya Blake. Kaibigan ko lang yun. Magkasa.a na kaming lumaki kaya siya ang nakasanayan kong kaibigan. Pero may girlfriend na yun." Ang sabi ko pa sa kanila.
Napatingin si Kuya Drake at seryoso itong nagsalita. "Gaya nga ng sinabi ni Daddy. Kung may gustong manligaw ay papuntahin mo sila dito sa bahay. Sa ngayon, napaka bata mo pa. Pag aaral muna ang asikasuhin mo." Ang sabi pa nitong may diin at bawat salita.
"Opo Kuya. Inuuna ko naman po ang pag aaral ko." Ang sagot ko pa dito.
"Tama nga iha. Basta nandito lang kaming lahat na gumagabay sayo kung ano ang kailangan mo." Sabi pa ni Mommy.
I was too tired today in school siguro dahil konti lang ang tulog ko kagabi dahil sa kaiisip kay Zion. Why I am so bothered with that man?
I am here right now in one of the exclusive school dito sa Maynila. Nagulat ako ng pagka labas ko ng campus ay nakita ko kaagad si Zion. Pinagtitinginan ito ng mga girls. Humahagikhik sila habang nakatinhin sa kanya. He was dressed in his usual corporate attire. Well, he looked so musculine and handsome in his attire, so tall and those chiseled nose. Lumapit agad ito sa akin. "Hi! Sorry at hindi ako nakapagpaalam sayo na pupunta ako dito. Buti at hindi nasayang ang paghihintay ko dito at nakita kita." Ang masigla nitong bati sa akin.
"Kuya, anong ginagawa mo dito?" Ang tanong ko pa dito ng pabulong. I pulled him on the side, far away from people. Those girls were staring at us.
Tumikhim ito at pabulong ding sumagot. "Seryoso ako sa sinabi ko na manliligaw ako sayo. I broke up with Lisa kung yun ang iniintindi mo. Wala na kami." Ang seryoso nitong sabi. Halos nahsusumamo ang boses nito.
I can't take it any longer. He was staring at me with his eyes boring in my soul. My mind is made up. He is too old for me. Si Chase ang gusto ko at hindi si Zion. "Kuya hindi mo naiintindihan. May iba akong gusto at hindi ikaw yun." Masakit man sa pandinig ngunit kailangan kong magpakatotoo.
Tumingin ulit ito sa mga mata ko. "Jade, gagawin ko ang lahat upang magustuhan mo rin ako. I am dead serious with my feelings. Sabihin mo kung ano ang gusto mo ha? Lahat ibibigay ko." Nagmamakaawa ang tonong sabi ni Zion sa akin.
Tumikhim ako habang hawak hawak ang backpack ko. "So, gusto mong malaman kung ano ang gusto ko? Gusto kong layuan mo ako!" I told Zion with disgust. Tingnan ko kung lalapit ka pa sa akin. I looked straight in his eyes. I saw hurt, sadness. I could care less.
"I will wait Jade. I will be patient. Hilingin mo lang ang lahat. Huwag lang ang layuan kita." Malungkot ngunit ramdam ko ang sincerity ng boses nito.
Naramdaman na lang namin na paparating ang Kuya Drake ko. "Sumakit ang tiyan ni Manong. Anong nangyayari dito at bakit ka nandito Zion?" Ang sabi ni Kuya Drake na mukhang galit.
Itutuloy
LET ME KNOW KUNG GUSTO NIYO ANG STORY. PLEASE VOTE AND MAKE SOME COMMENTS...
BINABASA MO ANG
Hate To Marry You (Completed)
Fiksi UmumMatagal ng nanliligaw si Zion kay Jade but she rejected him multiple times at ang kapatid nitong si Chase ang gusto ni Jade. Umalis si Zion at pumunta ito ng America, nag asawa at nagkaroon ng sariling anak at pamilya. Circumstances brought Zion an...
