Chapter 29 Persistence

3.8K 151 52
                                        

Jade's POV

"Saan ka galing?" Ang tanong nito.

Hindi ako makatingin ng derecho kay Zion ng tanungin ako nito kung saan ako galing. I looked so disheveled from crying, I look like a big mess right now. Maga ang mga mata at wala pa sa sarili. I walked past him with my back turned. Hindi ko kayang humarap sa kanya na ganito ang itsura ko. "Sa Dallas, pumunta lang ng mall." Ang maiksi ko lang na sagot. I am not in the mood for talking right now. Mas maiksi ang sagot, mas madali akong makaalis sa harapan nito. Hindi ko rin kaya na makipag usap pa sa kanya at wala ako sa sarili ko. Nalilito at hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin gayong buntis ako. "Akyat lang ako sa taas." Ang paalam ko pa sa kanya as I walked with my head bent. Nagpatuloy ako sa paglakad.

Napatigil ako ng magsalita na naman ito. "Kumain ka na ba? Or would you like to take a shower first and I will wait for you at the dining area." Ang sabi pa nito sa akin na halos tumulo na naman ang mga luha ko. He sound so concerned and his tone cared for me. Asa ka pa Jade, he is just showing me the kindness dahil pinilit ko lang naman ito na tumira muna ako sa bahay niya. Hindi naman siya kusang nag desisyon na dito lang ako sa pamamahay niya. Ako ang nagmakaawa sa kanya na tumira dito. Ako ang nagpupumilit  na isiksik sarili ko dito. My tears are forming in my eyes. I can't stopped this stupid tears not to fall. I am so frustrated with myself. Kung bakit pagdating kay Zion ang bilis kung masaktan at ang dali ko lang na umiyak.

"No thanks. Hindi ako gutom. Mauna ka ng kumain." Ang sagot ko pa dito sa mahinang boses. My back is still turned at him. Hindi ko mapigilan ang mga luha ko at pinahid ko ang mga ito. Oh gosh! I don't want him to know my present condition, not yet. Kailangan ko pang mag isip kung ano ang tamang desisyon at gagawin para sa baby ko.

Ngunit naging makulit ito. "Look, kailangan mong kumain. I waited for you and it is late at night, gutom na rin ako sa kahihintay sayo." Ang sabi pa nito sa pautos na boses. His voice was so manly it was reverberating inside the house.

Zion triggerred my aching, emotional heart. "Excuse me! Kung gusto mong kumain. Kumain kang mag isa mo! Hindi ko sinabi sayo na hintayin mo ako!" Galit kong baling pa sa kanya. I burst out angrily at Zion. Dali dali akong umakyat ng kwarto ko at ibinalibag ang pinto. I am so furious with him that I locked the door. I am so angry with our situation. For all the things that's happening that is beyond my control. Now I was left alone to think about the baby, about myself. I got so lost and so frustrated with what was going on with my life.

Napahagulgol na lang ako sa mga palad ko. Ayaw tumigil ng mga luha ko. Naisip ko ang baby sa sinapupunan ko but I can't control my tears. I will plan what's the best thing to  do habang hindi pa halata ang tiyan ko. Aalis ako ng malayo kay Zion? Ngunit saan ako pupunta? I still have Zion's bank debit card na pwede kong gamitin. So far, hindi pa naman nito pinapaputol ang access ko dito. Although I have also a trust fund from my parents that could last me a lifetime, pero marami pa ring hindi nagagawa ang pera. I am so dependent with people around me. I could not live alone! Wala akong kaalam alam sa buhay, ni magsaing hindi ko alam. Siguro mas mainam pa na dito na lang ako kay Zion titira. Malay ko babalikan pa niya ako ulit dahil sa baby. Pero parang may mali na naman yata. Nang dahil lang sa baby kaya magsasama na naman kami? Dapat tinatama ang mga pagkakamali, hindi na mag uumpisa na naman kami ni Zion sa maling rason.

Ngunit sa gitna ng aking pagmumuni muni ay nakarinig ako ng mga katok sa pinto. "Jade, what's wrong? Open this door!" Ang sabi pa ni Zion sa malakas na boses. Ayaw ko siyang pagbuksan ng pinto at hindi pa ako ready na makipag usap sa kanya. I don't know what to say or do. I don't know where to begin.

Pinahid ko ang mga luha ko at tumikhim ako bago nagsalita. "Please I want some time alone. I'm okay Zion. You don't have to worry about me." Ang sagot ko pa dito. I want him to just go away and just leave me alone this time. Lito at hindi pa buo ang mga desisyon ko sa buhay.

Hate To Marry You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon