Chapter 10 The Deal

4.8K 143 24
                                        

3rd Person POV

Nagulat si Zion sa sinabi ni Jade sa kanya. "Oo, hindi na natin maibabalik pa si Nate. Pero Zion kung gusto mo, pwede kitang bigyan ng isang anak na lalaki. Ibibigay ko yun sayo basta iurong mo lang ang kaso kay Chase." He loosened his grip on Jade's arms. Tumatawa ito ng puno ng pang iinsulto. "Are you kidding me? Hindi ganon lang kadali ang ino offer mo. Paano naman akong makakasiguro na hindi ka maghahabol sa bata kung sakali?" Ang sabi pa nito kay Jade with sarcasm in his voice.

Tumingala si Jade at tumingin sa mga mata ni Zion. Ramdam niya na malaking responsibilidad ang ino offer niya dito. Pero kung yun ang tanging paraan para maibsan ang sakit ng nakaraan, ay gagawin ni Jade ang lahat. Namumuo na naman ang mga luha sa mga mata ni Jade. "Gumawa ka ng kasunduan. Para wala akong habol sayo at sa bata. Sisikapin kong mapunuan kung ano man ang nawala sayo. Bibigyan kita ng anak na lalaki." Ang matapang pa na usal ni Jade ngunit tumulo na ang mga luha nito.

Nakatingin lang si Zion sa kanya. Maging ito man ay lito na rin kung ano ang magiging desisyon niya. He has been so down, so lost without Nate in his life. Walang oras na hindi nito naiisip ang anak niya. Zion does not even know how to survive this tragedy. He is losing himself as well as his sanity.  So whatever Jade is offering can help him in regaining his sanity. Napaluha na rin ito dahil parang nagkaroon ng pag asa si Zion sa pangungulila sa anak. Mayroon naman palang solusyon sa problema nito. "I think you are right. Once I have a male child, the baby will fill out the void that Nate left in my heart." Ang sabi pa ni Zion kay Jade. "Lahat ng ito ay para lang magkaroon ako ng anak na lalaki." Ang sabi pa ni Zion sa kanya habang nakatingin dito.

Jade stepped back a little bit away from Zion. She hugged herself while looking down to her feet. She was on her deep thoughts while thinking about the deal. Tumikhim muna ito. "Alam ko kung hanggang saan lang ako sa kasunduan nating ito. Hindi naman ako magde demand ng atensiyon mo o oras." Ang sabi pa ni Jade kay Zion. She could not look in his eyes. "You can make an agreement between the two of us. I am willing to comply and cooperate. Sabihin mo lang at ibibigay ko kung ano ang gusto mo Zion. Hindi ako maghahabol." Usal pa ni Jade dito.

"Mabuti pala at nagkakaintindihan tayo. I want you to leave as soon as I have the baby." Tumingala si Zion. Jade could see his adams apple moving up and down. "Ewan ko nga ba kung tama itong gagawin nating ito. Knowing that I abhor you. In fact, I don't want to see you anymore. What's worst is we have to live together to procreate and I hate that fact!" Ang sabi pa ni Zion kay Jade.

Matapang na tiningnan ni Jade si Zion. "Alam ko naman na galit ka pa sa akin! I hate myself too for being inside that car during the accident! I blamed myself as well!" Hysterical na si Jade. She could not stopped herself from crying. Napatakip ito ng mga palad sa mukha.

"Mabuti at alam mo ang mga consequences ng mga ginawa niyo! I wish that one of you will be jailed but here you are, offering me something in replacement to what I have lost. Something that I could not resist, a son." Ang galit pa na asik ni Zion kay Jade.

"Yan naman ang usapan natin di ba? Ang maibigay ko yon sayo. Tutuparin ko kung ano ang ating napagkasunduan." Mahinahon na sabi ni Jade kay Zion habang humihikbi.

"Mukhang wala naman pala tayong magiging problema at pareho tayong nagkakaintindihan." Ang usal pa ni Zion.

Malungkot na nagsalita si Jade. "Naiisip ko lang pala. Sigurado masasaktan ko ang parents ko na mabubuntis ako na hindi kasal." Sabi ni Jade na iniwas ang mga tingin kay Zion.

"So, what are you insinuating?" Ang tanong pa ni Zion kay Jade.

"Never mind. Forget about it." Ang sabi pa nito at hindi na nito napigilan pa ang mapaluhang muli.

Tahimik naman si Zion na tumingin sa kawalan. Hindi nito alam kung ano ang sasabihin. Pagkatapos ng mahabang katahimikan. "Are you insinuating na kailangan kitang pakasalan?" Ang pag kumpirma pa ni Zion. Iyak na lang ang naging sagot ni Jade. "Paano tayo magkakaintindihan niyan. Hindi ka nagsasabi ng gusto mo at dinadaan mo pa sa iyak." Ang sabi pa ni Zion na may bahid na ng iritasyon ang tono ng boses nito.

Hate To Marry You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon