Chapter 9 Jade's Persistence

4.7K 156 30
                                        

Jade's POV

I know that the gap between my sanity and loosing my mind is just a hairline right now. Hindi ako makatulog, I have nightmares. Often times, due to my depression, hindi ko na alam kung anong araw na. Hindi ko alam kung sumisikat na ba ang araw o papalubog na. My parents and brothers brought me to a counselling therapist. It helps me a lot with regards to how to deal with my fear, anxiety and nightmares. May mga beses na natutulala na lang ako o di kaya ay biglang iiyak but with counselling, parang nabawasan iyon. I learned to control my negative thoughts and emotions. Gusto nilang pumunta na rin ako ng psychiatrist para mabigyan ako ng tamang gamot for my psychiatric medical issue. Yes, I sufferred severe depression and anxiety from the incident. Ayoko pang mag take ng gamot. I will try this counselling first. If it does not work then my option is to see a psychiatrist. It was Chase who called my family in the Philippines. Tinawagan nito ang parents ko pati na ang mga kapatid ko para may support naman ako dito sa Amerika. Nakikita nito kung paano ako nalugmok sa dumating na trahedya at mga problema sa aming dalawa.

What was supposed to be a fun, happy trip, turned out to be tragic. Tragic, that we even killed a baby. Sumikdo ang dibdib ko at napahagulgol na lang akong muli sa loob ng hotel room ko. Kahit ako, I blamed myself for the accident. Sana sinabihan ko si Chase na bagalan ang pagpapatakbo ng sasakyan. Maraming sana...

Trying to forget the incident is too hard. Lalo na kahapon during the court hearing. I am asked to say and recount the incident. Insidente na pilit kong kinakalimutan araw araw dahil binabangungot ako pag naaalala ko. Mahirap pala ang tumayo sa witness stand habang sinusuri. Lalo na habang ini interrogate ka na ng abogado na parang kasalanan mo. Kung pwede lang tumakbo para makalayo sa mga tao at sa mga matang nakatutok sayo. Pero mas lalo lang bumabalik ang sakit sa bawat mga tanong sa korte. Kailangan kong dapat maalala ang bawat detalye sa mga pangyayari. Kailangang maalala kung ano ang nangyari sa araw na iyon upang masagot ng tama ang abogado at masabi sa hukuman ang totoong nangyari ng gabing iyon.

A day before the hearing gusto kong kausapin si Zion. Gusto kong mag makaawa dito para huwag na nitong ituloy ang pagsampa ng kaso kay Chase. Tumakas ako sa Hotel at sinabi ko na lang sa parents ko at mga kapatid na magpapahangin lang ako sa labas. That I need to take a walk to free my mind from overthinking about the accident. Ang hindi nila alam ay pumunta ako sa opisina ni Zion. Ngunit bigo ako at ayaw akong patuluyin ng receptionist. The building was heavily guarded at hindi basta basta lang na makapasok ang mga tao doon ng walang pahintulot. Sinabihan din sila ni Zion na hindi nito ako kilala. Kaya bigo akong umalis sa building na yun.

Pero hindi pa rin ako nawalan ng pag asa. Kahit ilang beses akong itaboy ni Zion ay balewala yun sa akin. Mabuti na rin itong may misyon akong makausap ito. I am able to get out of my hotel room. Kahit konti nabawas bawasan ang depression ko once I stepped outside. I could take a walk, feel the cold air blowing down my face, enjoying the cool weather of Dallas and smell the sunshine outside. Masarap pala sa labas. Hindi na puro sulok lang ng kwarto ng hotel ang nakikita ko. Mas lalo akong nalulungkot sa loob nito at para akong nabibilanggo sa sarili kong lungkot at takot na nararamdaman.

Nagulat pa ako sa sinabi ng receptionist na pwede kong puntahan si Zion. I was given an instruction and direction to his office which is in the 30th floor of the building. I was scared and trembling with my own fear to face Zion. Hindi basta basta ang hihilingin ko kundi malaking pabor. For goodness sake, parang ayaw ko ng ipagpatuloy. Pero kailangan kong tatagan ang sarili ko. This is for Chase sake at ayokong makulong ito ng tuluyan na wala man lang akong may ginawa.

Nangangatog man ang tuhod ko, pero pilit kong pinapatatag ang loob ko. Ang misyon ko ay kausapin ito upang kumbinsihin na iurong na lang ang kaso nito kay Chase. Nandito na ako sa labas ng pintuan nito. Akmang kakatok ako pero parang may kung anong pumipigil sa akin na huwag gawin iyon. I heard Zion's voice. "Come in!" Ang sabi pa nito sa baritonong boses. Nakalimutan kong hi tech na pala ang panahon ngayon, lalo na dito sa america. For sure nakita na ako nito sa video monitor bago pa ako maka katok. Lahat ng tapang ko ay nawala ng marinig ang boses ni Zion. I wish that this floor would swallow me whole.

Hindi ko kaya palang makipag harap kay Zion. Natulala ako sa aking kinatatayuan at bigla na lang tumulo ang aking mga luha. Is it worth it to convince a man, a Dad who just lost his son- to withdraw the court case? Kaya ko ba? Pinahiran ko ang aking mga luha as I turned the door knob open. Kailangan kong tatagan ang loob ko at makausap ko ito.

He threw an angry stares at me. "Alam mong ayaw kitang makita. Pero pilit kang pumupunta dito at nanggugulo. Sabihin mo na kung ano ang kailangan mo at marami pa akong gagawin." Ang sabi pa nito sa akin. His voice and expression was so flat. Void of emotion nor any concern. He stared at me piercingly as if he was about to hurt me. He stand so tall, handsome in his corporate attire. His hands were on his pockets as if restraining himself.

Bakit ba mag expect pa ako na magkaroon pa ito ng habag sa akin? I should be the one who needs to understand him. He just lost his son. Isa ako sa kasama ni Chase sa sasakyan ng masagasaan ang anak niya. Kaya dapat kong iwaglit sa isip ko na maging maayos ang pakikitungo nito sa akin. "Zion, na - nandito ako na nagmamakaawa sayo na kung pwede sana iurong mo na lang ang kaso na inihain mo kay Chase." Ang mahina ko pang sabi habang nakatayo sa harap niya at nakaupo naman ito sa kanyang mesa.

"Bullshit!" Usal nito sabay suntok ng mesa niya. Hinawi din ng mga kamay niya lahat ng gamit na nakalagay sa itaas ng mesa nito. Isa isa itong nahulog at dinig ko ang bawat bagsak ng mga gamit. Bigla akong kinabahan at niyakap ko ang mga kamay ko sa sarili ko. "Hindi kayo ang na agrabyado! Pang ilang tao ka na na kumausap sa akin ha? Na iurong ang kaso. Gusto ko ng hustisya para sa anak ko!" May diin ang bawat bigkas nito ng mga salita. I could see pain and hurt in his eyes. He bend his head and I know this time he is crying. I felt scared this time. I felt like crying too. Naaalala ko na naman ang batang nasagasaan namin at nakahandusay sa daan. My heart aches for Nate. Sana ako na lang ang nasagasaan. Sana ako na lang ang namatay.

My eyes were blurry from the tears. I could not stop my tears from falling. Lalo na nakikita ko rin ang pagluha ni Zion. I began to bend and gather the papers. I swept all the objects that was on the floor in my hands. "Stopped! Leave them as it is! Makakaalis ka na at huwag ka ng bumalik pa dito. I don't want to see your face again!" Ang ma awtoridad pa na utos ni Zion.

I continued picking up everything that was on the floor parang hindi ko ito naririnig. Naramdaman ko na lang na hinablot ako nito sa braso at pilit na pinapatayo. Nagsipag laglagan ang mga pinulot ko na mga gamit. "Bingi ka ba? O sadyang hindi ka nakakaintindi? Sabi ko umalis ka na before I dragged yourself out of here!" Ang malakas na na sigaw nito sa akin. My arm hurts with the way he hold me but I don't want him to see it.

My tears are falling heavily now so does Zion. "I am doing this for Baby Nate...for you..." Sabay turo sa dibdib nito. "and for Chase... Zion, patawarin mo na si Chase. Iurong mo na ang kaso." Lumakas na ang boses ko habang umiiyak akong nagmamakaawa kay Zion.

"Putsa! Madali lang sayo sabihin yan. Dahil hindi ikaw ang nawalan ng anak. Pag iurong ko ba ang kaso, maibabalik ba si Nate? Hindi! Kaya para ito sa kanya! Hustisya sa pagkawala niya!" Ang puno na ng emosyon na sabi pa ni Zion sa akin. He was so closed to me that his nearness was suffocating me.

He was still gripping my arm that it hurts so bad now. Pero hindi ko na ininda pa ang pisikal na sakit. "Oo, hindi na natin maibabalik pa si Nate. Pero Zion kung gusto mo, pwede kitang bigyan ng isang anak na lalaki. Ibibigay ko yun sayo basta iurong mo lang ang kaso kay Chase." Nagulat ako sa idea na nabuo sa isip ko. Gusto ko mang bawiin ay nasabi ko na kay Zion.

ITUTULOY

Nagustuhan niyo ba? Please comment naman ang nagbabasa nito. Salamat...

Hello watty friends. Sana suportahan niyo naman ang bagong story ko. 'HATE TO MARRY YOU' . Hindi ko kasi alam kung may nagbabasa nito at parang isang tao lang ang nag ko comment. Parang ayoko ng mag update kung walang may nagbabasa nito...

Hate To Marry You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon