Jade's POV
I am in awe with Zion's courage to tell my parents that he wanted to marry me. I thought that we still need to take more time before we talk to my parents about the planned marriage. Pero, on that same day, I was surprised that he asked for my parents for blessings.
Nagsalita si Daddy. "Gusto man naming tumutol sa plano niyong pagpapakasal, I guess hindi na pwede at mukhang buo na ang desisyon ninyong dalawa. Medyo emotional lang ako at biglaan ang desisyon ninyo. Gayunpaman ibibigay namin ang aming blessing sa inyo ni Zion, Jade. Ang sa akin lang ay magmahalan kayong dalawa. Ang importante lang sa amin Zion ay mahalin mo at alagaan ang anak namin. Huwag mo siyang saktan at mahalin mo ng totoo." Ang madamdaming pahayag ni Daddy sa amin.
Tumingin muna si Zion sa akin. "Aalagaan ko po at mamahalin ang anak ninyo. Mahal ko po si Jade." Sabi ni Zion habang tumitingin sa aking mga mata. Kung hindi ko lang alam na kasunduan lang ang lahat ng ito... Maaaring kapani paniwala ang pag pahayag ni Zion sa akin ng kanyang pagmamahal.
Nagulat ako sa paglalahad ni Zion ng intensiyon nito sa mga parents namin at mga kapatid tungkol sa aming planong pagpapakasal. Kung sana ay totoo lang ang lahat ng ito ay kikiligin pa ako. Paano naman ako kiligin kung ang lahat ng ito ay walang katotohanan. These will be short live relationship. Not something that last forever kind of marriage but the one with expiration date.
Di ba ang magiging role ko lang talaga dito sa marriage na to ay magiging isa lang akong surrogate mother. Ipagbubuntis ang batang lalaki na naipangako ko kay Zion. Pagkatapos isilang ay iiwanan ko na ito o di kaya sabi niya dapat ay aalis na ako ng kusa.
Gulat man ang pamilya namin sa naging desisyon namin ni Zion na magpakasal ng biglaan, wala na rin silang may magagawa pa. We are both consenting adults who willingly made our own decision. Pretending to be couple in love. Mukhang nakumbinsi naman namin ang mga magulang namin.
Nagsalita ang Mommy ko. "So aside sa civil wedding ninyo na to dito sa US, can we set a grand wedding as well sa Pilipinas?" Ang tanong pa ni Mommy kay Zion.
Tumingin muna si Zion sa akin. "Depende po kung yun ang gusto ni Jade. Ibibigay ko po yun sa kanya." His voice sound sincere as he looked at me and squeeze my hand.
"We will plan the wedding in the Philippines." Sabi pa ni Kuya Drake.
"My sister deserved a grand wedding." Sabi naman ni Kuya Blake.
Nahiya akong bigla kay Zion at parang napi pressure na ito. "Pag usapan na lang natin yan pag uwi namin ng Pinas." Ang putol ko pa sa usapan nila. He was already pressured with this marriage, ayoko ng dagdagan pa ito.
Nagpaalam na kami ni Zion sa kanilang lahat and went straight to the county clerk's office. Ang bilis lang ng pangyayari. We are set to have our wedding vows in few days time. Pabalik na ako ng hotel at medyo hapon na rin. Ang lamig sa labas. Kasing lamig ng nararamdaman ni Zion para sa akin. Wala kaming imikan ng bumalik na sa loob ng sasakyan. Wala naman na kaming dapat na pag usapan pa. Our relationship is very straight forward. Walang commitment, walang love involve kaya wala na ring emotional involvement. Sinabi naman niya na hindi niya ako kayang mahalin.
I heard Zion calling his lawyers habang nasa garage kami. Giving them instructions that he is withdrawing from the court cases filed against his brother. Ramdam ko ang lungkot sa boses nito ng ibaba nito ang tawag. He then asked his lawyer to draw a pre-nuptial agreement in this marriage.
Narinig ko na lang na tumawag si Chase. "Si Chase tumatawag." Ang paalam ko pa kay Zion. I know wala kaming relasyon ni Zion but at this point, alam ko na kailangan kong gampanan pansamantala ang obligasyon ko sa kanya. Yun ay ang pagiging isang mabuting asawa.
BINABASA MO ANG
Hate To Marry You (Completed)
BeletrieMatagal ng nanliligaw si Zion kay Jade but she rejected him multiple times at ang kapatid nitong si Chase ang gusto ni Jade. Umalis si Zion at pumunta ito ng America, nag asawa at nagkaroon ng sariling anak at pamilya. Circumstances brought Zion an...
