Chapter 6 Moving On

4K 105 9
                                        

3rd Person POV

Na realized ni Jade na kailangan niyang i let go kung ano mang nararamdaman pa nito para kay Zion. She followed and stalked Zion at first, she could not get over him. She googled and search for him in social media, pero wala yata itong facebook account. The moment Zion and Lisa's marriage was done, she finally quit her obsession. She cried so bad as she felt that a part of her was now gone. Someone took that part of herself away. She was so depressed but she knows she could not turn back time. She could not change the past. Ang tagal din niyang hindi maka move on kay Zion. But who is there to blame but herself.

By this time, siguro manganganak na si Lisa, bulong ni Jade sa sarili. Kaya titigilan na niya ang kahibangan niya para kay Zion. Madaya na ang tao sa buhay niya. Kasalanan din niya ang lahat kung bakit napunta si Zion sa iba.

Maayos din ang simula ni Jade sa trabaho niya sa kompanya nila Chase. Nagustuhan niya ito at nagkaroon siya ng mga close na kaibigan. Hindi lang pala dapat si Chase ang kaibigan niya, na realized niya. Dapat din meron siyang kaibigan na iba pa. Kumuha ito ng board exam at nakapasa na rin ito. Hindi din alam ng mga kasamahan nito na matalik niyang kaibigan si Chase.

"Ang ganda natin ngayon ah." Ang biro pa ni Loren sa kanya. Secretary ito ng department nila. Naging ka close na niya ito at nakagaanan ng loob. As usual, she was wearing her corporate attire. Above the knee black skirt with black blazer and a cream blouse. Lutaw na lutaw ang kaputian nito sa suot.

Napangiti si Jade. "Eto naman, nambobola. Pareho lang din naman ang suot ko ah." Sabi pa nito kay Loren sabay irap.

Lumapit ito sa kanya at tsaka bumulong. "Naku, andiyan na naman ang mga tingin sayo ni Adam. Parang luluwa na ang mga mata." Ang sabi pa ni Loren kay Jade. "Torpe kasi yan. Kaya tingnan mo. Hanggang patingin tingin lang sayo." Dagdag pa ni Loren. Si Adam ay naging ka close nila ni Loren sa trabaho. Senior siya kay Jade sa accounting department kaya siya na rin ang nag alalay kay Jade sa pagsisimula nito. Sobrang talino ni Adam at napaka maalaga pa. Siguro kahit sinong babae ay magugustuhan ito.

"Ikaw ha! Tumigil ka nga. Kaibigan natin ang tao kung ano ano ang mga pinag sasabi mo." Saway pa ni Jade dito.

"Hmp! Palibhasa manhid ka kasi kaya hindi mo alam na may gusto ang tao sayo. Pero, teka nga lang. Mukhang malungkot si Adam ngayon ah." Usal pang pabulong ni Loren.

Hindi man lang kasi sila nai greet ni Adam. Alam nila na mukhang may dinadala itong problema. "O, bakit tahimik yata ang aura mo ngayong araw. Anong balita?" Ang tanong pa ni Loren dito. "Bakit parang mukha kang puyat?" Ang dagdag pang  tanong nito kay Adam.

"Halata ba? Sa ospital pa kasi ako galing. Na stroke ang Nanay ko kagabi. Mabuti na lang at nadala namin siya kaagad sa ospital. Ang galing din ng neurosurgeon na tumingin sa kanya. Si Dr. Drake Dizon. Laking pasalamat ko sa kanya at sa reassurance niya sa amin na okay lang ang Nanay ko." Kwento pa ni Adam sa kanila.

"Talaga?! Si Kuya ang neurosurgeon ng Nanay mo?" Ang sabi pa ni Jade sa proud na boses.

"What?! Kuya mo si Dr. Dizon?" Ang tanong sa kanya ni Adam sa nagugulat na boses.

"If you are talking about Dr. Drake Dizon neurosurgeon, yes! he is my brother and Dr. Blake Dizon Cardiothoracic surgeon is his twin-ofcourse my brother as well." Ang sabi ko pa sa kanila. I am so proud of my siblings. They are both successful in their chosen profession.

"Naku! Kapatid mo pala si Dr. Drake. Sabihin mo salamat ha? Maraming maraming salamat sa pag aalaga nito sa Nanay ko. In fact, okay na siya at pauwi na today." Ang sabi pa ni Adam sa akin.

"Wow! Jade, hindi ko alam na mga doctor pala ang lahi niyo. Napaka down to earth mo naman. Hindi mo man lang sinabi sa amin ni Adam na kung ilang buwan na tayong magka trabaho. Huwag mong sabihin pati parents mo mga doktor." Ang usal pa ni Loren.

"Hindi naman kasi kayo nagtatanong. At oo doktor din ang mga magulang ko. Ako lang yata ang nalilihis sa kanila." Sabi pa ni Jade sa kanila sabay halakhak.

"Goodness! Really? Ang galing naman ng pamilya niyo. Bilib na ako sayo Jade. Ang yaman niyo at ang talino pala ng buong pamilya niyo." Sabi ni Loren sa kanila.

Sinamahan nila Loren at Jade si Adam sa ospital at sumakay na sila sa sasakyan ni Adam.

Tinawagan ni Jade ang Kuya Drake nito na papunta na sila ng ospital at pasyente niya ang Nanay ng coworker nito. "Sure, puntahan ko kayo once nandito na kayo sa ospital. Hopefully walang emergency." Sabi pa ng Kuya nito na natatawa.

Dumating sila sa ospital at nandoon na ang Kuya Drake ni Jade sa room ng Nanay ni Adam. Adam introduced Jade to his Mom. Jade as well, introduced them to his Kuya Drake.

"She's doing well and responding to treatment. Pwede ng umuwi ang pasyente. Magsusulat lang ako ng reseta at pwede ng umuwi kailan niyo gusto. Then you can call me kahit anong oras kung may tanong kayo sa akin." Ang explain pa ni Drake.

Kinukurot kurot naman ni Loren si Jade at parang kinikilig pa ito sa Kuya Drake niya. Alam ni Jade na mula noon pa maraming nagkakagusto sa mga Kuya nito. They are identical brothers and they both look the same in all physical aspect.

Sumabay si Jade sa Kuya niya Blake pauwi galing ng ospital at may surgery pa ang Kuya niya Drake. Namamangha si Loren habang pinakilala noya ito sa isa pa nitong Kuya na si Blake. Sigurado maraming tanong ito sa kanya kinabukasan.

"Hoy! Ikaw ha. Ang gwapo pala ng mga kapatid mo. Hindi mo man lang sinabi. They're both handsome. Wala akong may maitulak kabigin sa kanilang dalawa." Sabi pa nito kay Jade sabay halakhak.

Dumaan si Adam. "Jade, may dala pala akong pang lunch nating tatlo mamaya. Sabay na tayong kumain." Ang sabi pa ni Adam.

Napapangiti na lang si Loren sa sinabi ni Adam. Naging close silang tatlo. Habang napapansin nila na ang head ng department nila na si Mrs. Maglipon, ay pinag iinitan si Jade. Hindi nga mawari ni Jade kung ano ba ang naging kasalanan nito dito at mainit na lang ulo sa kanya. Hindi na lang nito pinapansin si Mrs. Maglipon.

Nagulat ang mga kasamahan ni Jade ng dumating sa opisina nila si Chase. Alerto silang lahat at magmula ng umalis si Zion, si Chase na ang may pinakamataas na position sa kumpanya. Gini greet ito ng mga tao at tumigil sa harap ng table ni Jade. Pabulong na tinanong ito ni Jade. "Bakit ka nandito?" Ang tanong pa ni Jade kay Chase.

"Can we go and eat outside? May importante lang akong sasabihin sayo." Ang sabi pa ni Chase. "Tinawagan ko na si Mrs. Maglipon at ipinaalam na kita." Sabi ni Chase dito.

Nagpaalam si Jade sa mga kaibigan at sumama ito kay Chase. Nakaupo na sila sa isang mamahaling restaurant. "Sorry at binulabog pa kita sa opisina niyo. May malaki kasi kaming problema. Kailangan ko lang ng may makausap." Ang sabi pa nito kay Jade.

"Naku, okay lang ikaw naman ang boss ko. Oh ba't parang malungkot ka?" Ang tanong nito kay Chase.

Napayuko ito. "We heard a bad news today. Si Lisa, ang asawa ni Kuya Zion. Namatay at hindi na nito nakayanan ang panganganak. Healthy naman ang baby boy nila." Ang malungkot pa na sabi ni Chase.

Nagulat si Jade sa narinig. Nalulungkot ito para kay Zion. She could remember Lisa, so classy and pretty during Mrs. Abad's 50th birthday. Jade gave Chase full comfort that day. She was also so bothered by the news.

Itutuloy

Please mag comment naman kayo dito kung gusto niyo ng update.

Hate To Marry You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon