Chapter 31 Running Away

4.7K 150 47
                                        

Zion's POV

May sasabihin sana sa akin si Jade ngunit dumating naman si Sherry unexpectedly. Hindi ko naman si Sherry pwedeng paalisin at baka may importante itong sadya. How I wish I could just spend time with Jade. Susuyuin ko ito, liligawan inorder for us to build trust and friendship. Jade has a reserve personitality kaya pilit kong iniintindi ito. Hindi man naging madali both on our part, pero sa nakikita ko we are both heading in the right direction. I could see her starting to bare her feelings and emotions towards me. All I need is more patience with her and understanding.

Sherry as always she has a bubbly and a jolly personality. "Zion! I finally came back for good na dito sa US." Ang masaya pa nitong balita sa akin. "Ang tagal din nating hindi nagkita." Ang saya pang bati ni Sherry sa akin.

I have noticed that Sherry just ignored Jade. She never even said anything as a courtesy to her or looked her way. Simula noon pa man ay hindi na maganda ang ipinapakita nito kay Jade. I could see the uneasiness on Jade's side.

Tumikhim si Jade. "Akyat muna ako sandali." Ang mahinang paalam pa nito sa akin. Sinusundan ko ito ng tingin habang paakyat ito sa hagdanan. She said she has something to tell me. Sana nga umpisa na ito na maging open siya sa akin. Then we can talk about things, what makes us happy, even our fears.

Hinampas ako ni Sherry sa balikat. "Hoy! Sabi ko kamusta ka na?" Ang tanong pa nito sa akin dahil nakasunod pa rin ang mga mata ko kay Jade. But I just ignored Sherry.

"Excuse me. May sasabihin lang ako sandali kay Jade." Ang sabi ko pa kay Sherry as I followed Jade upstairs. I don't want Jade to be jealous or be upset. Mas mainam ng nagkakaintindihan kami.

I followed Jade upstairs. She already locked her door. I knocked and she opened it right away. "Hope you are not upset. Kakausapin ko lang sandali si Sherry. I don't expect her to be here kaya wala na rin akong may magawa pa." Ang sabi ko pa dito na nakatangin sa kanyang nakatayo sa harapan ko. I grabbed one of her hand.

Nagsalita ito na nakatingin sa aming mga kamay. "Okay lang ako Zion. Hindi mo naman kailangang magpaalam sa akin." Ang sagot pa nitong nakangiti sa akin. "Naiintindihan kita. Yun nga lang. Bakit nandito na naman si Sherry. Talagang ayaw niyang tumigil sa mga kabaliwan niya sayo." Ang sabi pa nitong may himig pagtatampo ang boses. Nakakunot ang noong nakatingin ito sa akin.

"Naku, sinabi ko na nga ba at nagseselos ka na naman. Bakit? Pinatulan ko ba ang mga kabaliwan niya? Isa lang ang nagpapatibok ng puso ko at pinatulan ko. Ikaw lang Jade, kaya wala kang dapat na ikabahala." Ang sabi ko pa dito ng nakangiti sa kanya.

"Bumaba ka na nga doon. Paalisin mo na yang Sherry na yan dito at ayoko ng makita pa ang pagmumukha niya." Ang utos pa ni Jade sa akin. This time her face is more serious, looking and staring at me with a bit of an irritation.

"Sige bababa lang ako sandali at kausapin ko lang ito. Mag usap tayo mamaya." Ang sabi ko pa kay Jade. I went towards her. Gave her the warmest hug and kissed her forehead. "Syempre kailangan kong magpaalam at ayokong magtampo ka na naman sa akin. Dapat open tayo at honest sa isa't isa. Alam kong may sasabihin ka sana kanina. Mag usap tayo mamaya pagkaalis ni Sherry." Ang sabi ko pa dito. I just want to be with her. To spend my time with Jade. However, hindi ko naman basta basta na lang na iiwanan si Sherry.

Ng bumaba ako nasa sala pa rin si Sherry. "Sorry, kinausap ko lang si Jade sandali." Ang paliwanag ko pa dito.

Tumingin ito sa akin at binigyan ako ng napakatamis na ngiti. Pero ang ngiti lang ni Jade ang nagustuhan ko. Jade always gave me the sweetest smile. The most beautiful smile I have ever seen in a woman. "Kamusta ka Zion?" Ang tanong pa ni Sherry sa akin.

"Well, wala namang may nabago. As usual busy sa negosyo." Ang sagot ko pa kay Sherry. Ang tagal na nga naming hindi nagkita. I also cut our communication dahil hindi naman fair kay Jade kung patuloy pa rin akong makipagkaibigan kay Sherry. "Napadaan ka?" Ang tanong ko pa dito.

Hate To Marry You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon