Chapter 26 Running After Zion

3.7K 117 22
                                    

Jade's POV

I admit it was my fault and until now, I sufferred because of my wrong decisions. I know Zion is sufferring too. Iniexpect niya na mabubuntis na ako ngunit dahil sa insecurity ko ay napag desisyunan kong mag pills dahil natatakot ako na iwan na ako nito sakaling makuha na niya ang anak na gusto niya. Kung sana naging matatag ako. Kung sana nagtiwala ako kay Zion. I felt sorry for the wrong things that I did in our marriage. Umalis na lang itong bigla papuntang America ng hindi nagpapaalam sa akin. Ang mas masakit ay kasama pa nito si Sherry na patay na patay sa kanya. Dalawa na kami ngayon na naghahabol kay Zion. Ang tanging lamang ko lang kay Sherry ay kasal pa kami ni Zion.

I did not waste my time. In fact, I got the plane ticket to fly to the US right away. Gusto kong sundan ang asawa ko sa mas lalong madaling panahon lalo pa na kasama nito si Sherry. Malayo na nga ang loob nito sa akin, mas lalong maging malayo ito kung hindi ako gagawa ng paraan. Nagulat sila Mommy at Daddy sa biglaan kong pag alis. I tried to make my conversations with my parents shorter para hindi sila makahalata na may problema sa pagitan naming dalawa  ni Zion.

Ngayon ko kang napagtanto na sobrang layo pala ng America. Every minute, every hour seemed like a lifetime. Lalo na na may gusto akong makita kaagad. Sobrang sabik akong makita ang asawa ko. I remembered his hurt face when he found out about the pills. Sana mapapatawad pa ako nito. Sana bigyan pa niya ako ng pagkakataon.

Medyo gabi na ng dumating ako ng mansiyon sa Texas. I was sweating so bad when the taxi is approaching the entrance. Nandiyan na naman ang trauma na bumabalik sa isip ko kung saan nasagasaan ni Chase si Nate. I tried to close my eyes real hard para mawala ang masamang alaala sa nangyari kay Nate. I was shaking and crying at the same time. "We're here Mam. Are you okay?" Ang tanong ng amerikanong driver.

"I'm fine." Ang maiksi ko lang na sagot sa driver. I opened my eyes and saw Aling Lucy and Mang Jay waiting for me.

Napatitig ito sa akin saglit. "Mam Jade, okay ka lang? Miss na kita!" Ang bati pa ni Aling Lucy.

"Okay lang po ako. Medyo bumabalik kasi sa isipan ko ang nangyari noon kay Nate pag dumadaan ako dito sa front gate." Ang sagot ko pa dito sabay yakap at halik dito.

"Naku ang ganda mo pa rin. I miss you!" Ang sabi ni Aling Lucy sabay yakap sa akin at bumati din si Mang Jay. Tinulungan na ni Mang Jay ang taxi driver para sa pag baba ng mga gamit ko. Sinabihan ko na lang si Mang Jay na iwan na muna ang mga gamit ko sa sala at hindi ko alam kung papayag ba si Zion na sa master's bedroom ako tutuloy.

Wala pa ring may nabago sa bahay. It is so clean and elegant. Makikintab lahat ng gamit. Laking gulat ko ng makita ko si Sherry in her bathrobe pababa ng hagdanan. So she's here. Ang sakit isipin na nandito din siya sa pamamahay namin ni Zion. Ganon lang ba ako kadaling palitan at baliwalain? Ayokong makita ng babaing ito na nasasaktan ako.

Nagulat din ito ng makita ako. Pero as usual she is full of confidence. "Oh wow! What a surprise to see you here." Ang sabi nito sa akin na hindi man lang nahihiya.

"Why be surprised? This is our house! What are you doing here?" I don't know where did I get my courage but I have all the right to ask her. Siya ang hindi dapat nandito.

"Tanungin mo na lang ang asawa mo kung bakit ako nandito. Anyway, I'm leaving as well at aasikasuhin ko din ang property ko dito sa Dallas." Ang sabi pa nitong nakangiti. She grabbed something from the refrigerator and went upstairs. Ang kapal ng mukha niya. Pwes, hindi ako papatalo sa kanya.

"Good! I want you to leave and don't show your face here anymore." Ang matapang kung utos dito. Kung meron mang may masusunod dito, ako yun dahil ako ang asawa ni Zion.

Napahalakhak ito. "Look! Bago mo pa ako paalisin dito ay nakapag desisyon na akong umalis. Kala mo kung sino ka kung umasta!" Singhal pa nito sa akin. I know she meant na fake lang ako na asawa but I still have the right. Hindi ko na ito pinatulan pa. I know she's bitter! Despite of everything that she did for Zion, ako pa rin ang pinili nito at pinakasalan. Bakit hindi ko naisip ito sa umpisa pa lang? Hindi na sana kami umabot sa ganitong sitwasyon.

Hate To Marry You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon