Chapter 17 Taking Over The Company

4.1K 120 24
                                    

🐝🌻🌹 Thank you sa lahat na bumuboto at nag iiwan ng comments. Negative or positve magparamdam sana kayo. It took me a lot of time to edit, write every chapter. Minsan, I have to shorten my gym time or cancel some of my activities para lang makapag update or edit dito. Actually marami na akong chapters na natapos nito... Matagal pa ring gawin ang pag edit. Thank you for supporting my story.

3rd Person POV

Nandito ngayon sa bahay ng mga Dizon sina Jade at Zion at buong pamilya ni Jade ay nasa bahay na nila. "Pag usapan natin ang kasal ninyo sa simbahan." Ang sabi pa ni Dr. Norman Dizon, ang Daddy ni Jade.

Katulad ng mga Abad ay malaki din ang bahay ng mga Dizon. They live in a gated area, nasa corner lot ng malaking subdivision sa Metro Manila. Abala ang mga katulong na nagsisilbi ng pagkain sa hapag kainan.

Tumikhim ang Mommy ni Jade. "Nasabi ko nga sa kanila ni Zion ang hangarin kong ipakasal sila sa simbahan." Dagdag na rin ni Dr. Laura Dizon ang Mommy ni Jade.

Magkatabi sa hapag kainan sina Zion at Jade. "Wala naman pong problema sa amin ni Jade ang kasal sa simbahan. Di ba babe? Kahit saan po ay ready naman akong pakasalan ito." Ang usal pa ni Zion habang inakbayan si Jade.

Napahawak si Jade sa kamay ni Zion na nakaakbay sa kanya. "Opo Mommy, Daddy mahal po namin ang isa't isa. Pag usapan po namin ni Zion yan. Kararating lang kasi namin at busy pa si Zion. He tookover their company as the CEO. Wala pa nga po siyang pahinga eh since na dumating kami." Ang paliwanag pa ni Jade sa parents nito.

Nag salita si Blake ang isa sa kambal na kapatid ni Jade na Cardiovascular Thoracic surgeon. "Ako muna ang maunang magpapakasal sa inyo." Ang usal pa ng Kuya Blake nito. Sabay tawa. Alam naman na nilang lahat na engage na ito sa nobya na surgeon din sa pinapasukang hospital.

Niyakap ni Jade ang Kuya Blake niya. "Congrats Kuya! Excited na ako sa nalalapit mong kasal." Ang masaya pang sabi ni Jade.

"Nang iinggit ba kayo?" Ang sabi naman ng Kuya Drake na kakambal ng Kuya Blake nito. Kakahiwalay lang for whatever reason sa fiance nito. He is a renowned neurosurgeon sa bansa. "Sige mauna na nga lang kayo at mailap pa sa akin ang tadhana." Sabi nito sabay halakhak.

"Aba, dapat bilis bilisan niyo ng tatlo at gusto na naming magkaapo." Usal pa ni Mrs. Dizon.

Tumikhim si Mr. Dizon. "I hope Zion na patuloy mong mamahalin ang anak namin.  Pumayag kaming ipakasal kayong dalawa sa US dahil alam naman namin na mula noon pa man ay mahal mo si Jade." Ang pakiusap pa ni Mr. Dizon.

"Mahal ko po si Jade at hindi na po iyon magbabago pa. Patuloy ko po siyang mamahalin." Sagot pa ni Zion sa Daddy ni Jade.

Tumikhim si Mrs. Dizon."Zion, si Jade pala nag undergo yan ng therapy sa US dahil sa anxiety attack and depression. Mayroon akong alam na therapist dito sa Maynila. I will refer you anak for some therapy sessions." Ang sabi pa ng Mommy nito sabay baling kay Jade.

Hinagod ni Zion ang buhok ni Jade. "Ganon po ba? Sige, pwede kaming umattend ng sessions ni Jade at pareho kaming bigla na lang minsan inaatake ng lungkot, minsan bigla na lang itong dumadating and we have sleepless nights." Usal pa ni Zion.

"Sige, ipapa set up ko ang appointment ninyo sa secretary ko." Dagdag pa ni Mrs. Dizon.

Natapos na rin silang mag dinner ng umalis na silang lahat at naiwan si Zion at Jade sa hapag kainan. Zion came closer to Jade and whispered. "O ano, mauna na rin ako at maaga pa ako bukas sa opisina. May malaki kasing project na inaasikaso at kailangan kong tutukan. Inaayos ko din ang musuleom na dapat paglibingan kay Nate." Paalam pa nito kay Jade. Sabay ulit haplos sa buhok nito.

Napatingin ito kay Zion at nagtama ang kanilang mga mata. "I will just go home with you. It feels so weird na may asawa na ako at dito pa ako matutulog sa bahay namin." Usal pa ni Jade kay Zion.

Hate To Marry You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon