3rd Person POV
Parang bangungot ang mga nangyayari sa buhay ni Jade lately. Hindi ito makapaniwalang nandito si Chase at kasama pa nito sina Mr and Mrs Abad. Hanggang kailan ito magtatago? Sabagay, hindi naman siya dapat magtago sa kanila at alam naman nilang hiwalay na siya kay Zion. Hindi naman nila itinago ang mga pangyayari sa pamilya nila. They tried to patch things up between Zion at Jade pero buo na ang naging desisyon ni Zion. Gusto nitong mag umpisa sila ni Jade sa tamang dahilan. Yes, they love each other. Pero para kay Zion, there's always something that will hold that love from unveiling. It was the marriage that they had for the wrong reasons.
Seeing Zion and his family brings back a lot of memories from the past. Naalala na naman ni Jade kung paano ipinakita ni Zion ang pagmamahal sa kanya at kung paano nagsimula ang pagmamahalan nila. They were destined to meet but not to live happily ever and after. Kumbaga sa kasabihan, ipinagtagpo pero hindi tinadhana. Nang makita nito si Zion ay nanumbalik muli ang pagmamahal ni Jade dito na akala niya ay wala na. Akala niya umalis siya at hindi na sila magkikita pa ni Zion. Bakit ganito? Kung noon ay mahal ko ito. Mas lalong tumindi ang pagmamahal ko sa kanya ngayon. I am longing for him. For the love that I didn't have and couldn't have. Hindi nito namalayan na tumutulo na ang mga luha nito. Mabuti na lang at nakakuha si Jade ng pagkakataon na pumasok sa restroom. Impit na napahagulgol ito sa kanyang mga palad.
Narinig na lang niya na may kumakatok sa pintuan niya niya. "Ms. Jade?" Ang sabi pa ng kumakatok.
Nagpahid ito ng mga luha. "Sandali, lalabas na ako." Ang sabi pa nito sa kumakatok.
"May naghahanap sayo. Kapatid ni Sir Zion. Chase daw ang pangalan." Ang sabi ng kumatok. Jade panicked upon hearing Chase name. It's been awhile since the last time she saw him. Her bestfriend! They've been through together through thick and thin. They went through all those pains when Chase accidentally hit Nate in the driveway. She went out of the restroom. Namumula man ang mata sa kaiiyak ay wala ng pakialam si Jade. If they are all here to confront and be angry at me, I guess kailangang harapin ni Jade ang galit nila. Nandito na ang buhay niya at okay na silang dalawa dito ni Kaitlin.
Nakita ni Jade si Chase na nakapamulsa sa maliit na sala ng opisina nila. Tahimik lang si Jade at hindi nito alam kung si Chase ay galit din ba sa kanya. She knows that her co-worker were just staring at her, at them. "Kamusta ka na?" Ang tanong ni Chase sa kanya. Hindi ito galit at bagkus ay ngumiti pa ito sa kanya at lumapit. Binigyan nito si Jade ng napakahigpit na yakap. Jade felt the warmth of his embrace. Ramdam nito ang concern at pagmamahal ng isang tunay na kaibigan. Hindi na naman mapigilan ni Jade ang maging emosyonal.
She swallowed the lumped in her throat. "Okay lang ako. Kamusta?" Ang balik pa na tanong ni Jade dito.
"Mabuti naman. Mom and Dad would like to invite you for a dinner." Ang sabi pa ni Chase dito.
Naiisip ni Jade ang trabaho niya at the same time wala siyang oras maglakwatsa pagkatapos ng trabaho dahil naiisip nito si Kaitlin. At bakit kailangan nila akong makausap? Bakit nila alam na nandito ako sa Davao. Ayaw talaga ni Jade sumama kay Chase. "Chase, hindi pa kasi tapos ako dito sa trabaho ko. Kaya hindi ako makakaaalis." Ang sabi pa ni Jade dito.
Napangiti si Chase. "Kinausap ko na ang manager niyo at okay lang daw na umalis ka. Siya na lang daw muna ang mag cover sayo." Ang sabi pa ni Chase kay Jade.
"Ganon ba?" Ang tanong pa nito kay Chase. "Kailangan ko munang umuwi at magbibihis pa ako." Ang sabi pa ni Jade kay Chase. She was in her uniform at nakakahiya naman na ganito ang itsura niya. Ang bulong pa ni Jade sa sarili.
"Naku, huwag ka nang magbihis. Mom and Dad knows that you worked here. Kaya hindi sila magtataka kung bakit naka uniporme ka." Ang saad pa ni Chase. "You can go get your things and I will wait for you here." Dagdag pa nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/174022109-288-k828757.jpg)
BINABASA MO ANG
Hate To Marry You (Completed)
General FictionMatagal ng nanliligaw si Zion kay Jade but she rejected him multiple times at ang kapatid nitong si Chase ang gusto ni Jade. Umalis si Zion at pumunta ito ng America, nag asawa at nagkaroon ng sariling anak at pamilya. Circumstances brought Zion an...