Start

842 20 0
                                    


"Wala namang gustong manatili sayo! You are not worth to keep!" Sigaw niya sakin habang nakaluhod ako sa harap niya.

Ayaw kong kumibo, hindi dahil sa wala akong masabi. Gusto ko nalang itikom ang bibig ko para dina humaba.

"Tsaka pwede ba? Pwede bang wag kang lalapit sakin kapag nakita mong kasama ko si Candy! Can't you see? Pinopormahan ko na siya!" Sigaw pa niya ulit.

Naramdaman kong lumandas ang mainit na likido sa aking pisngi. Eto na naman ako. Nadudurog at nasasaktan sa mga binibintawan niyang salita.

"Pero... May karapatan naman ako para gumanito diba?" Malumanay kong sagot sakanya. Tumingala ako at tumingin sa mga mata niyang nanlilisik sa galit.

"No! Wala kang karapatan. Hindi kita Girlfriend. Should I say hindi naman talaga kita naging Girlfriend.. Ginamit kita para mapalapit ako kay Candy! Nauto kita diba halata?" Sabay tawa niya at tunalikod na sakin.

"Simula ngayon Vera wag mo na akong guluhin, wag ka nang mag iiskandalo sa labas na para bang inagawan ka kahit hindi naman. Tanggapin mong pinaglaruan lang kita!" Sunod non ang malakas na kalampag ng pinto hudyat na lumabas na siya ng apartment ko.

Tumingala ako sa kisame para hindi na tuluyang bumagsak ang luha sa mata ko. Siguro masakit? Masakit.. Oo sobra. Yung lalaking akala ko na mahal ako, na akala ko seseryosohin ako, Joke lang pala ang lahat simula palang. Yes I know! Alam ko na simula palang ginagago na niya ako. Anong gagawin ko? Mahal ko yung tao pinaramdam niya na may tao pa palang mamahalin ang tulad ko. May tao pa palang makikita yung halaga ko. Pinaramdam 'yon ni Vincent at pinakita niya! Pero kasi... kahit alam kong ginagago ako nagpatuloy ako, nagpauto ako...

Lagi kaming nauuwi sa sumbatan, sigawan dahil sa nagseselos ako sa mga babae na nakikita kong kasama niya. Kasi ako never niya akong sinama sa mga lakad niya. Palagi niyang sinasabi na "Nakakahiya kang kasama kaya manahimik kana lang sa apartment mo." So ako iiyak nalang hanggang sa makatulog ako.

Siguro ngayon hindi ko na gano iniinda yung sakit? Pagod nako umiyak. Pagod nakong magsalita sakanya. Sabagay wala naman kasi siyang pake sakin.

Huminga ako ng malalim at tumayo sa pagkakaluhod ko. Nilibot ko ang buong apartment ko na nagpapaalala sakin kay Vincent. Noong araw na okay pa siya at kinukuha pa lang ang loob ko.

Marami rin akong naririnig sa labas na pinaglalaruan lang ako ni Vincent at ginagamit para sa Kaibigan kong si Candy. Oo kaibigan ko siya, kaibigan not Bestfriend. Close kami pero hindi ko naman akalain na type niya si Vincent. Nalaman ko lang ng umamin siya sakin.

Wala akong pera,  hindi mayaman, at wala akong Pamilya. I don't have anything in this world. Nag iisa lang ako sa buhay ko. Siguro kaya din walang gustong magmahal sakin kasi wala silang makukuha sakin o mapala manlang. Hindi ko sila masisisi.

Isa lang akong hamak na dishwasher sa bar. No Vera your not. Kahit naman dishwasher ka atleast nagtatrabaho ka ng marangal at hindi ka nagnanakaw at umaagrabyado ng ibang tao. You should learn from your mistakes. Don't be kind, and never trust anyone!

Faithful. COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon