Isang araw ang lumipas at pinuntahan na naman ako ni Zander sa apartment para yayain na naman lumabas. Una ay tumanggi ako, dahil hindi nako makahanap ng maayos na trabaho dahil palagi niya akong niyaya sa kung saan. Hindi ko rin kasi matiis at gusto ko din siya makasama.Isang araw palang naman pero wala pa ni isang tumatawag sakin para sa trabaho.
Nasa loob kami ng sasakyan niya ng napansin kong may nakaukit na pangalan sa kanyang upuan. Lumapit ako bahagya para makita kung ano 'yon.
"$andra." Hindi ko namalayan na nakatulala na ako sa buong byahe. Sandra? Yung babaeng binanggit ni Zander ng nakatulog siya sa Apartment ko. Sino si Sandra? Bakit pati sa sasakyan niya ay may nakaukit na pangalan niya. Anong realsyon nilang dalawa? Kumirot ang puso ko. Huminga nalang ako ng mamalim para mapawi ang sakit na nararamdaman ko. Tahimik akong pumikit at nag-isip ng mabuti.
Hindi manlang sakin binanggit ni Zander ang tungkol kay Sandra. Para naman aware ako kung sakaling bumalik siya. Alam ko kung kelan ako lalayo.
"Pupunta tayo sa Bar niyo." Balewala niyang sabi. Maagap akong sumagot.
"Bakit? Ayoko. Ikaw nalang." Nahihiya ako. Kapag tapos ng lahat pupunta ako don? Baka makita ako ni Boss.
"Wag kang mag-aalala. Pinaliwanag ko kung bakit kita pinagresign." Pachill chill pa siya dyan. Panigurado ako, sunod-sunuran din sila kay Zander.
"What if hindi? Pano kung sa harap mo lang sila naniwala pero kapag ako na tatadtarin na nila ako ng mga tanong." Baka pati relasyon ko sayo ay itanong nila. Tsaka nakakapag taka naman kasi na sa daming babae bakit ako ang napili niya.
"Hindi nila gagawin 'yon. Trust me Alvery." I trusted you Zander. Kahit na puro sama ng loob ang binigay mo sakin. I trusted you more than myself. Sarili ko mismo ang dumuduga sa nararamdaman ko.
Nakarating kami sa bar na marami ng tao. Pinikit ko ang mata ko at dinama ang tugtog sa Bar. Namiss ko ang araw na nadito ako. Natanaw ko agad si Leah na nag aasikaso ng mga orders. Kumaway agad ako sakanya ng nakita niya ako. May sinabi pa siya na hindi ko majntindihan dahil hinitak na ako ni Zander sa paborito nilang spot. Nakita kong bumulong yung Kevin sa katabi niyang matangkad at kamukha niya.
Umupo sila ng maayos ng nasa harap na nila kami. Si Zander ay pinauna akong pumasok sa VIP Table. They are looking at me. Lahat sila ay tahimik at walang may lakas loob na magtanong. Nakamasid lang sila sa mga kilos namin ni Zander. At ng sawakas ay nakaupo nako, si Zander naman ang sumunod at agad na pinulupot ang kamay sa aking bewang. Umurong ako bilang paglayo sakanya pero siya naman ang lumapit. I glared at him but he chuckled instead. Mas lalo akong nahiya sa ginawa niya.
"Dude, parang pamilyar sakin yang bago mo." Yung katabi ni Kevin na matangkad.
"Bago ba yan? Eh luma na ni Zander yan eh." Nakangising sabi ni Kevin. May nahimigan ako sa sinabi niya. So ang katulad ko ay mukang luma na at wala ng kaitsura itsura? Kaya hindi bago? Aggrrr Vera masyado malawak ang pag-iisip mo.
"Shut up Kevin." Seryosong tugon ni Zander. Agad na naging maayos ang usapan nila hindi kagaya kanina na talagang naiilang sila sa presensya ko. Si Leah din ang nag aassist samin tutal yung ang hiling ko kay Zander na si Leah nalang ang uutasan at wag na tumawag ng iba.
Nag-usap lang silang magkakaibigan ng inabutan ako ni Kevin ng maiinom. Nagulat ako sa ginawa niya. Ngumiti lang siya sakin ng nakita niyang nakakunot ang noo kong bumaling sakanya.
"One shot for Vera." Sigaw ni Kevin. Ganon din ang ginawa ng iba. Pero hindi ako umiinom. Kahit anong alcohol ay wala pa akong natitikman. Baka mamaya ay maisuka ko lang. Nakakahiya..
BINABASA MO ANG
Faithful. COMPLETED
Teen FictionAlvery is a strong and observant woman. He lived alone without any family. She doesn't know how someone who truly loves her feels. Until she met a hard -hearted man. She couldn't even imagine that she would love this man. She can still hope to love...