Chapter 10

296 15 0
                                    

Hindi ko alam kung aalis ba ako at iiwan ko siya dito sa Apartment. Bakit ganito kabilis? Bakit diko manlang naagapan? Hindi ko agad na kumpirma.

Ang sakit pala talaga na ikaw yung nasa tabi niya pero iba yung binanggit niyang pangalan. Ang sakit lang din dahil may kung anong tumatakbo sa isip ko na nagpasama ng loob ko.

Siya ba ang dahilan ng lahat ng 'to? Kaya ba niya ako kinukulit na makipag deal ako sakanya ay dahil gusto niya bumalik sakanya si Sandra. Ako ang magiging istrumento niya para makuha niya ulit 'to?

Kapag tapos? Iiwan ako.. Magdudusa ako sa kasalanan na ko mismo ang gumusto. Na kahit masakit isusugal ko yung puso ko para lang sa ikakasaya ng lalaking mahal ko?

Bakit ako pa? Marami dyan. Pero bakit ako pa diba! Jesus. Hold me tight. Ayokong mahulog pa kahit na hulog nako dito. Gusto kong makasigurado na kapag sa huli may natira pa rin ako para sa sarili ko. Ayokong sa huli ako yung magiging miserable.

Pinagmasdan ko kung paano siya matulog. Payapa at walang problemang iniintindi. Pero ako, nandito nababaliw kakaisip kung sino si Sandra, sino ba siya sa buhay ni Zander at kung ano pa ang mangyayari sa susunod.

Hindi matanggap ng isip ko ang kagustuhan ng puso ko. Isip na wag ng ituloy. Pusong nagsusumamo na manatili sa tabi niya kahit pa mali na.

Hindi ko namalayan na nakatulog nako sa set na inupuan ko kagabi. Nandito pa din ako, tatayo na sana ako ng naramdaman kong masakit ang likod ko, hindi ko ito magalaw at makilos. Sobrang nangalay ata kagabi.

Dahan dahan kong ginalaw ang likod at tumayo kahit masakit pa din. Nag unat ako sandali at nakitang wala si Zander sa higaan.

Agaran kong dinampot ang Cellphone ko at nakitang may dalawang messages don.

Leah:

Vera, dika naba papasok? Hays magkwento kanaman sakin."

Unknown:

I'll fetch you. 1pm

Hindi ko na kelangan hulaan. Dahil si Zander lang naman 'yon. Hindi ko na din isesave number niya. Tutal hindi rin naman magtatagal at matatapos din ito.

Chineck ko ang orasan it's 10am. Ginawa ko na ang dapat gawin sa bahay. Nagload din ako kay Ate Marie para naman mareplyan si Leah. Oo para kay Leah hindi para sa iba.

Pilit ko man itago ang kabilang side ng dahilan ko, pero walangyang isip 'to. Nililigaw ako. May kung ano sa kamay ko na gusto replyan si Zander pero naisip ko na wag nalang.

To Leah:

Try ko pumunta dyan.

Naligo nako after ko sa mga ilang-ilan na ginawa ko. Nagsuot lang ako ng Skinny jeans at simpleng tshirt then flat na sandals. Eto lang ang matinong damit ko na pwedeng ipanglabas.

I looked at the mirror, Masyadong simple ang gayak ko hindi gaya ng ibang babae. Hindi ako magaling magsuot ng mga magagandang damit. Hindi rin naman ako sanay pumorma at tumingin ng bagay sa hindi. Mas lalong wala akong damit na ganon para suotin. Tsaka komportable ako dito.

And I think this is the only one can suit me. Bukod dito ay mukang wala na. Napahinga ako ng malalim. Hindi ko mapigilan na maliitin ang sarili kahit pa lagi kong isinasaisip na kelangan maging proud ako kahit pa ganito lang ako. Eto lang ako.

Saktong 1pm may bumusina sa labas. Dali akong naglakad palalabas at natanaw ko agad ang kanyang sasakyan. Nakita ko kung paano siya humawi ng buhok palabas ng kanyang sasakyan. Napaiwas nalang ako ng tingin ng bumaling siya sa pwesto ko.

"We are getting late, Pumasok kana." Nagmamadali niyang sabi sakin. Para akong tuod na sunod-sunuran sakanyang mga lintanya

Sumunod siyang pumasok sa kotse at pinaandar agad ang sasakyan. Hindi manlang niya ako tinapunan ng tingin hanggang sa nasa highway na kami. Walang kumikibo kahit isa samin. Walang ingay at katahimikan lang ang bumalot sa sasakyan.

Faithful. COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon