"Vera, halika na dito at kakain na." Sigaw ni Leah sakin mula dito sa sala habang ako ay nakahiga sa sofa.
"Oo susunod na." Palusot ko. Tinatamad ako tumayo dahil mabigat ang tyan ko. It's been 7 months. Malaki na ang tyan ko.
Habang patagal ng patagal, pabigat ng pabigat ang tyan ko. Masakit na nakakatuwa naman kapag sumisipa siya. I'll bet mag aaway pa yung dalawa para lang magpaunahan kung sino ang makakasaktong sumisipa si Baby.
Till now i don't know what my baby's gender. Gusto ko kasing surprise. But anyway, I have some names prepared. If my baby is Boy, papangalan ko siyang Zerrick Philip Perez. Kung babae naman ay Zavery Pamela Perez.
Isusunod ko ang pangalan niya sa Ama niya at sa akin. Hindi ibig sabihin na nakakalimutan ko na siya ay hindi ko bibigyan ng konsiderasyon yon. Kahit anong mangyari Ama siya ng anak ko.
"Akala ko naman susunod ka. Hindi kaba makatayo?" Tanging ngisi nalang ang naisagot ko.
"Kevin, tulungan mo nga akong itayo si Buntis." Sigaw ni Leah.
Mabilis na nakarating sa harap ko si Kevin at tinulungan akong tumayo. 7 months palang ang tyan ko pero parang 9 months na. MyGod!
"Bawal ka sa kanin. Baka mahirapan kang manganak kapag puro ka kanin. Puro vegies muna ang kainin mo. Mamaya pagbabalat kita ng apple." Sabi ni Leah habang sumasandok ng panibagong kanin niya.
Sinunod ko lang ang mga gusto nila. Napapansin ko din na hindi nako makalakad ng maayos at malayo. Hinihingal agad ako.
Ngayon ay pare-parehas kaming walang gagawin rest day namin ngayon. Dahil si Kevin ay natapos na niya ang mga reports na ipepresent ng kanyang pinsan sa Pinas. Habang pamalit kay Kevin.
Sa gitna ng panunuod ay tumunog ang phone ni Kevin. Pare-parehas kaming napatingin sa cellphone at laking gulat ko ng si Zander ang tumatawag. Video Call, agad niyang nilayo ang phone bago sinagot.
Ano nga ba ang dapat kong ireact. Bigla kong naramdaman ang kaba? Sa pitong buwan ko dito at namin ay ngayon lang ako nagkaroon ulit mg time para isipin si Zander. Masyado na rin akong naging libang sa mga ginagawa ko dito.
Kamusta na siya?
"Dude, may sinend ako sayo, pero hindi mo na nasiseen." Tumindig ang balihibo ko sa matigas niyang salita.
Bakit parang kilalang kilala ko pa din siya. Bakit parang siya pa rin yung Zander na mahal na mahal ko noon?
"I'm busy, maya ko titingnan."
"I see, kamusta dyan bro?" He asked with baritone voice.
Halos madulo nako sa kinauupuan ko kakausog palayo para hindi marinig ang boses niya.
The way he asked the way he speak, my hearts kept beating so fast. Hindi ko alam na hanggang ngayon ay ganito pa rin ako. Kung sabagay, seven months palang. Ano bang aasahan ko? Makakamove-on ako ng ganon kadali? Na parang nadapa ako sa lugar na wala akong kilala at nakaramdam ng sakit at kinabukasan wala na likot na?
I'm not kind of person that can easily forget. And that sucks! Hindi ko maitatanggi na till now inlove pa rin ako sakanya.
"Ayos naman bro, kayo dyan? Kamusta ang buhay?"
Lumingon ako kay Leah na tumayo para lapitan ako. Nakita kong bumaling ng tingin si Kevin bago humarap muli sa Ipod niya.
"Ganon pa din, walang pagbabago. It's getting harder. You know, Alliah."
Mas nanuyot lalamuna ko ng binanggit niya ang pangalan ng babaeng dahilan kung bakit nasira kami. Alam ko, binrainwash niya si Zander. Pero ang tanga lang, mas pinaniwalaan niya si Alliah kaysa sakin. At pinatunayan niya na wala siyang tiwala sakin.
BINABASA MO ANG
Faithful. COMPLETED
Подростковая литератураAlvery is a strong and observant woman. He lived alone without any family. She doesn't know how someone who truly loves her feels. Until she met a hard -hearted man. She couldn't even imagine that she would love this man. She can still hope to love...