Chapter 1

490 19 0
                                    


"Ano nga ulit pangalan mo?" Tanong sakin ng matandang babae.

"Vera po Ma'am." Sagot ko.

"So Vera, may pang down kana ba para sa advance pay mo sa aking apartment?" Masungit niyang tanong sakin.

Tiningnan ko ang wallet ko na ang laman ay dalawang libo lang. Eto pa yung ipon ko ng tatlong buwan sa aking sweldo.

"Magkano po ba ang down?"

"1,500 ang down para sa dalawang buwan mo dito. Kada buwan ang renta mo ay 1,000 mura na 'yon dahil maliit lang naman ang kwarto na yan." Pag iexplain niya sakin. Tumango nalamang ako at inabot ang 1,500 pesos. Nanlumo ako sa natira kong pera. 500 nalang at san naman makakarating ang 500 sa panahon ngayon?

"Osha Vera, mauna na ako sayo. Basta wag ka lang lalagpas sa due date at wala tayong magiging problema. Tawagin mo nalang akong Ate Marie at hindi bagay ang Mam sakin dahil hindi akma sa itsura ko." Sabay tawa niya.

"O-opo Ate Marie. Salamat po." Nang tumalikod na siya ay agad kong pinagpapasok ang mga gamit ko sa nirentahan kong kwarto. Maraming katabing kwarto pero mukang iilan lang ang nakikirent dito. Masyado din tahimik kaya naman nakakapanibago.

Nakita kong konti lang ang alikabok at linisin. Mukang may kakaalis lang dito dahil hindi gaanong marumi ang kwarto.

Nagsimula na akong maglinis at mag ayos ng mga gamit. Pag tingin ko sa orasan ay alasingko na ng hapon. Masyado akong nalibang sa paglilinis at pag aayos. Naligo muna ako bago magpasyang lumabas para mamili sa palengke.


Paglabas ko ay nakita ko si Ate Marie na may kausap sa labas ng Apartment. Lalagpasan ko sana sila ng bumaling si Ate Marie para tanungin ako.

"Oh Vera, san ang punta mo?" Tanong nito habang ang kausap niya ay huminto din para sakin.

"Bibili lang po sa palengke." Simpleng sagot ko. Nakita kong tumango na siya kaya naman tumalikod na agad ako at tumahak sa Palengke.

Hindi ko alam kung paano ko ibabudget ang 500. Bukas ay papasok nako, kakabale ko lang sa Boss ko at mukang babale na naman ako bukas dahil wala nakong pera. Hindi ko lang alam kung papayag na pabalihin pako haisst.

Naisip ko na magtuyo nalang ako at bumili ng pang stock sa apartment. Hindi naman ako maarte sa ulam. Basta may makain ayos na 'yon.

Bumili ako ng limang sachet na tuyo at bumili din ng toyo't suka at patis. Bumili din ako ng bawang sibuyas at kamatis. At huli ay yung mga delata. Natira sakin ay 100 pesos. Pamasahe papuntang trabaho bukas.

Pag pasok ko ng apartment nanibago na naman ako. Hindi ako sanay ng tahimik. Hindi gaya doon sa inupahan ko noong kami pa ni Vincent maingay naman doon. Hindi ganitong sobrang tahimik. Nakakabingi.

Kapag tapos kong iayos ang pinamili ko ay agad akong kumain. Bumili lang din ako ng kanin sa karendirya malapit dito. At tutal wala naman akong kalan dito.

Naisip kong matulog nalang ng maaga para naman may lakas ako para bukas.

Isang malakas na sigawan ang narinig ko sa kabilang kwarto dahilan para magising ako.

"Putanginang babae yan. Puro ka babae! Sana hindi kana lang umuwi dito!" Sigaw ng babae sakabilang kwarto.

"Putangina ka din! Hamo mamaya hindi nako uuwi dito! Wala kang kwenta!" Isang malakas na kalabog ang narinig ko. At wala ng sumunod pang salita.

Grabe nakakatakot naman 'yon. Hindi naman kami ganon ni Vincent magsigawan kapag nag aaway kami sa mga babae niya. Naiinis lang ako kapag nakakarinig ng mga ganoong salita sa mga lalaki. Kaya naman nakakawalang gana ang umibig pa. Mga lalaki ngayon walang respeto sa mga babae. Mga walang modo.

Faithful. COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon