Chapter 28

250 15 1
                                    

Isang puting kurtina agad ang bumungad sakin. Halos hindi ko maidilat ang mata ko sa bigat ng talukap nito.

"Hintayin nalang natin ang desisyon niya. Tsaka natin isettled lahat, pero sa ngayon Kevin. Hayaan muna natin siya na iabsorb ang lahat ng ito." Dinig ko ang pagbuntong hininga ni Kevin. Para siyang problemado na ewan..

Sino ba ang pinag uusapan nila? Bigla kong naramdaman ang sakit ng ulo ko. At nagplay sa isip ko ang nangyari kagabi. Nahimatay ako, I'm sure of that. Wala ako dito kung walang nangyari sakin. Naalala ko pa ang takot na itsura ni Alliah at ang mga taong nandon. Hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang kirot sa aking katawan sa ginawa ng babaeng 'yon sakin.

Okay na sana eh, kaso bakit pa kailangan niyang pumunta don para guluhin ako? Dahilan kung bakit ako nandito. Kung sana ay nanahimik nalang siya don tutal naman ay kanyang kanya na si Zander. Hindi ko ugaling mang-agaw kahit ako ang inagawan dito. Noon pa man kay Vincent. Kung ayaw edi ayaw.

Totoo ba Alvery. Nasasabi mo lang yan kasi hindi mo siya kaharap. Kung may pagkakataon lang akong mag makaawa para lang wag niya akong iwan at ako ang piliin niya.

"Vera, gising kana pala." Si Leah. Nilapitan niya agad ako at chineck ang kabuuan ko. Ngumiti ako. Napaka maaalahanin niya at hindi niya ako pinapabayaan.

Nakita ko si Kevin sa gilid ni Leah. Nakatanaw at halatang nag-aalala.

"Ayos ka lang? Walang masakit sayo?" Dire-diretsong tanong ni Kevin.

"Uhm medyo masakit ang katawan ko." Sabi ko. Kaya naman agad na nagpasya si Kevin na lumabas.

"Teka, tawagin ko lang si Doc." Tumalikod na siya at agad na lumabas.

Bumaling ako kay Leah ngayon na nakatitig sakin. "Akala ko mapapano kana." Ngumiti siya ng mapait. "Pinag-alala mo kami." She said habang hawak ang aking kamay.

"I'm okay now, masakit lang ang katawan ko at ulo. Simpleng sakit lang ito."  Sinigurado kong okay lang ako. Oo kahit masakit physical wala pa rin katumbas yung sakit inside me.

Biglang bumukas ang pinto at iniluwa si Kevin, kasunod ang Doctor na lalaki. Agad na lumayo si Leah at pinadaan ang Doctor at pumwesto sa tabi ni Kevin.

Nakita ko kung paano magbulungan ang dalawa. They look scared and nervous. Kitang kita ko sa mga mata nila yon.

Binalingan ko naman ang Doctor na ngayon ay inaayos ang saro ko. Paubos na 'yon kaya siya na mismo ang nag ayos. I looked at him. Sa tantya ko ay nasa 30+ palang siya o saktong 30 nga. Makinis ang balat at matangos ang ilong. Napansin niya siguro na nakatitig ako kaya naman ngumiti ito.

Umiwas tuloy ako ng tingin. "How's your feeling?" My Doctor asked.

Tiningnan ko muna yung dalawa bago ako sumagot.

"Masakit ang katawan at ulo ko." I answered. Humawak ako sa aking ulo na medyo kumikirot. Then sunddenly nag playback ulit yung nangyari kagabi. May naramdaman akong likido na unaagos sa aking hita. Nakita kong dugo iyon. Kaya naman agad akong bumaling sa Doctor. Kinabahan ako.

"Doc, ano po ba ang lagay ko? Ang pagkakatanda ko ay dinugo po ako kagabi." Biglang napalingon si Doc sa dalawa. Then ibinalik sakin.

"Hindi niyo paba nasasabi?" Si Doc.

"Ang alin po Doc?" Now I'm confused.

"Pasensya na Alvery. Gusto namin na kay Doc Ramirez mang galing ang lahat." Nahimigan ko ang kanyang pagkalungkot.

May nangyari bang masama? I have sick? Malala ba ito? Konektado ba ito kaya ako dinugo? Ano may lukemia ako? Kaya ba ganon? At nung mga nag daang araw ay panay suka ko. That's the sign?

Faithful. COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon