Chapter 31

259 11 0
                                    


Pag dilat ng mata ko ay anak ko agad ang hinanap ko, nakita kong nakatayo ang dalawa at buhat buhat ni Leah. Uminit ang gilid ng mata ko ng nakita ko ang kabuuan ng katawan napaka puti at mahabang bata.

"Oh, gising na pala ang Mommy mo." Si Leah na nakikipag usap sa anak ko. Ngumiti ako. Nilapitan ako ni Kevin at inayos ang buhok ko.

"Congrats Alvery."

"Thank you Kevin, Leah." Hindi pa ako masyadong makagalaw dahil nararamdaman ko pa ang tahi. Normal ako, nagpapasalamat ako dahil kahit hirap na hirap ako ay maayos ang lagay ng anak ko.

"Ibibigay na kita kay Mommy ah." Dahan dahan na iniligay ni Leah sa ibabaw ko ang baby.

Doon ko na hindi napigilan na hindi maiyak. Kapag tapos ng hirap at sakit nagkaron din ako ng pagkakataon na makaramdam ng saya yung pakiramdam na wala kanang hihilingin pa kasi nakuha mo na.

Ganon ang pakiramdam ko ngayon, may masasabi nakong akin at ito ay ang anak ko.

Pinagmasdan ko ang nakapikit niyang mga mata. Ang mga pilik mata niyang mahaba, matangos na ilong at makipot na labi. Ang kutis niya ang mamula-mula at nangingibabaw ang kaputian. Naaalala ko yung picture ko nung bata ako. Kamukhang kamukha ko ang anak ko. Sana hindi magbago ang itsura niya. Ngunit ang ilong ang hindi niya nakuha sakin dahil mas matangos ang ilong niya. Hindi ko nalang sasabihin na kung kanino niya nakuha. Masaya nako at wala nakong hihilingin pa.

Bumaling ako sa dalawa na nakangiti sakin.
Pinunasan ni Leah ang luha na lumandas sa pisngi ko.

"Pasensya na kayo at nakisabay pako sainyo."

"Ano kaba, wala 'yon. Masaya nga kami at ngayon ka nanganak. Sabay natin icecelebrate ang araw na ito." Masayang sabi ni Leah.

"Sobrang masaya kami para sayo Alvery, sulit lahat ng hirap." Nakita kong hinawakan ni Kevin ang kamay ni Leah.

"Bagay kayong dalawa." Puna ko.

Agad na namula ang mukha ni Leah dahilan para yakapin siya ni Kevin. Bakit ngayon ko lang naisip at nakita na maaring pwede sila at bagay sila. Akala ko naman kasi na si Vincent. Kung sabagay noon pa man ay gusto na ni Leah si Kevin.

"Wait Vera, ganyan ka lang. Kukunan ko kayo ni Baby ng picture."

Bago pa man ako umapila ay umilaw na ang camera hudyat na nakuhaan na kami.

"Ang cute tingnan oh. Nangingibabaw yung puti ng anak mo. Isa pa nga, hindi gaano kita mukha mo Vera." Iisa pa sana siya ng pinigilan ko siya.

"Sa susunod nalang Leah." Agad naman siyang tumango at "Okay Mommy, kapag nakauwi na tayo pupunuin natin tong camera ng picture ni Baby."

May dumating na nurse at chineck ang lagay ko. May isa ring nurse na tinanong ang mga information ko at pangalan ng anak ko.

"Zerrick Philip Perez." Sabi ko sa nurse.

"What a nice name." Puna ng banyagang nurse sakin.

Nang nakuha nila ang lahat ay mabilis din sila lumabas. Kinuha ulit sakin ng dalawa ang baby ko dahil inaantok na naman ako. Pakiramdam kong ay pagod na pagod pa rin ako.


Kinabukasan ay nagpasya na kaming umuwi na dahil kaya ko naman na at para na rin sa bahay nalang mamahinga. Hindi kasi talaga ako sanay na nasa hospital. It was my first time na manatili sa ganon.

Nakapag bayad na kami ng bill at naiayos na din ako papers ng anak ko. Everything is alright. Ngayon ay pabalik na kami mg bahay. Habang hawak ko ang anak ko ay hindi pa rin ako makapaniwala. Para noon lang malaking problema ang bagay na ito. Pero ngayon, isang malaking tinik amg nabunot sa dibdib ko.

Faithful. COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon