Chapter 11

265 15 0
                                    

Tumalikod ako sakanya pero ramdam ko ang presensya niya sa likod ko. I wipe my tears. Hindi ko makuhang magalit ng husto sakanya. Gusto ko siyang sigawan pero wala akong lakas para gawin 'yon.

Naglakad ako papuntang sasakyan. Sinubukan kong buksan pero nakalock pala. Tumunog ito hudyat na bukas na kaya agad kong binuksan at naunang pumasok sakanyang sasakyan.

"Nabusog kaba?" Tanong niya ng nakapasok na siya.

Paano ako mabubusog kung yung pagkain ko ay tinapon niya. Hindi ko siya kinibo manlang. Nakatanaw lang ako sa labas at walang balak na sagutin siya.

"Ibibili kita ng bago, stay there." Hindi ko na siya napigilan pa at mabilis siyang lumabas ng sasakyan at naglakad papasok ng Burger King. Tch, kung sana hindi niya tinapon edi hindi na siya nag abala pang bumalik don.

Wala pang ilang minuto ay natanaw ko na siya, kalalabas niya lang. Umayos ako ng upo at huminga ng malalim. Bakit ang bilis niya yatang maka order? Ang haba ng pila roon. Kumunot ang noo ko ng nakapasok na siya ng sasakyan.

"Here." Abot niya ng isang damakmak na Burger at Fries. Pupurgahin ata niya ako sa dalawang 'to eh. Inabot ko 'yon at hindi na lumingon sakanya.

"Thanks." Tipid kong sagot. Sinimulan kong kumagat ng isang Burger at bumaling sakanya sandali. Nakitang kong titig na titig siya sakin, ng nahuli ko siya ay humarap agad siya sa manubela at inistart ang makina.

Nawalan tuloy ako ng poise para kumain. Nailang ako bigla. Gusto ko siya alukin baka sabihin niya ay sinolo ko ang pagkain na ito.

"Uhm- Baka gusto mo?" I asked him habang seryosong nakatuon sa daan.

Hindi manlang niya ako nilingon, nagkibit balikat nalang ako at sinubo ang pang huling piraso ng Burger na hawak ko.
Pinagmasdan ko ang mga puno na nadadaanan namin sa Nlex. Kinuha ko pa ang isang Burger at hindi pa rin ako nabubusog.

"Feed me." Malamig niyang sabi. Nagulat ako ng biglang niyang salita. Agad kong siyang nilingon at dahan-dahang inabot sakanya ang hawak kong Burger.

Umigting ang kanyang panga sa ginawa ko. Hindi manlang niya inabot tong Burger. "Abutin mo na." Then he looked at me with angry face.

"Pagsilbihan mo ako, subuan mo ako." Mariin ang mga bawat bigkas niya. Nagsimula akong kabahan sa sinabi niya. Ganoon ang epekto niya sakin. Salita niya lang ay napapatameme ako.

Pero malakas pa rin ang loob ko. "May kamay ka naman." Sagot ko rito. Mas lalong nagalit ang mga mata niyang nakatingin sakin. Nagulat nalang ako ng hininto niya sa tabing daan ang sasakyan.

"I said feed me with your care, Alvery!" Dumagundong ang puso ko sa boses niyang puno ng fustration. I looked away. "Sino kaba para pagsilbihan ka?" Halos paduguin ng sarili kong ngipin ang labi ko. I was nervous.

"Just fucking feed me, Alright!" Sabay hampas niya sa manubela. "FINE!" Padarag kong sagot at umayos ng upo. Dahan dahan niyang pinaandar ulit ang sasakyan at bumalik sa daan.

"Feed me Alvery!" Nauubos na boses niyang sabi sakin. Umusog ako ng konti at dahan dahan kong nilapit ang hawak kong Burger. Bumukas ang kanyang labi at kumagat dito. Nakaaakit ang labi niya. Mapula at manipis. Pinagmasdan ko ang bawat pag galaw ng kanyang bibig. Mas lalo akong naaattract sa simpleng mga galaw niya lang. Bumaling siya sakin sandali at bumalik agad sa daan.

"Don't look at me like that." Saad niya at huminto kami sa Tolgate.

Umiwas ako ng tingin at sinubuan ulit siya. Kumuha ako ng tubig para mapainom siya. Mukang ako pa din ang magpapainom sakanya.

"Uminom ka muna." Ganon pa din ang pwesto niya. Nanginginig ang kamay kong nilapit sakanyang bibig ang tubig. Nakita niya kung paano mangatog ang kamay ko kaya hinawakan niya ito. Nagulat ako ng mabilis niya nagawa ang bagay na 'yon.

Faithful. COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon