Chapter 7

292 16 0
                                    

"Hindi pa rin ako makapaniwala na ginawa mo 'yon Vera. Imagine, nasa taas yung binggga mo." Manghang manghang sabi ni Leah sakin. Tahimik lang akong nagpupunas ng kubyertos at siya naman ay panay ang daldal sa taong kinaiinisan ko.

"Kung nandito ka lang kagabi nagkagulo ang Party at si Sir Zander nawala nung umalis ka.. hmm." Nahimigan ko ang pagtatak niya. Hindi nako bumaling sakanya dahil bibigyan niya lang ako ng matang may kahulugan.

"Nagtataka din ako dahil hindi na siya bumalik gayong sakanila iyong party kagabi." Nilingon ko siya at tinaasan ng kilay. So anong pinupunto nitong si Leah.

"Hehe wala lang, Napaisip lang ako. Pero Vera ah. Swerte mo talaga. Sana ako nalang ikaw lol." Siya habang ngiting ngiti sa harap ko. Binalik ko ang baling sa ginagawa ko. Naisip ko, bakit espisyal ang kagaya ni Zander sa ibang tao lalo na sa mga kababaihan. Oo gwapo siya mayaman, pero hindi naman dapat doon nalang bumase. Aanhin mo yung kagaya niya kung wala naman ang hinahanap mong katangian sa lalaking 'yon. I mean kahit naman siguro Gwapo at mayaman siya may absent pa din sa pagkatao niya. Nobodys perfect.

Pinilit kong iwaksi ang pilit na pumapasok sa isip ko pero nananadya ata ang utak ko pilit na pinapasok ang mukha kaninang si Zander.

Umalis siya ng bahay ng hindi kumikibo. Pero nag iwan siya ng isang Calling card. Nairita nako sa sobrang kulit niya kakatanong. As if interesado ako sakanya. Hindi naman ako kagaya ng mga babae niya o mga naging babae niya.

Life is too short! Hindi ko pag aaksayan ng oras at panahon ang kagaya niya. Maghanap siya ng babaeng mapipikot niya.

Pumatak ang alas singko at marami na ang nagdatingan. Mga regular customer ang mga 'to. Ginawa ko lang ang trabaho ko minsan ay lalabas ako ng kusina para tumulong sa pagseserve then balik ulit para mag urong. Binalewala ko ang nararamdaman ko. May nahihimigan ako sa sarili ko ng pagka dissapointed. Ewan ko! Pati isip ko ginugulo na din ako.

I started walking in the middle then someone's caught my attension.

"Hi Miss, parang natatandaan kita?" Nakangiti niyang tanong sakin. Umiling ako sa bilang kasagutan sa tanong niya.

Pumihit ako patalikod at ng bigla siyang nagsalita. "Ikaw yung babaeng umaway kay Zander right? Haha. Ang galing mo Miss. Napahanga mo kami doon. Diba mga brad!" Nakipag apiran siya sa mga kapwa niya kaibigan na mukang mga nakainom na.

"What's your name Miss?" Tanong ng lalaking nakaupo sa dulo. I looked at him.."Vera." Matipid kong sagot. Then tumahak nako sa Cr.

Sinimulan kong hilamusan ang mukha ko. Ang sarap lang talaga sa pakiramdam ang mahilamos ang mukha. Nakakairita kapag masyado ng oily at pakiramdam mo ay ang dumi mo na. Habang naghihilamos I heard someone's moaning. Hindi ko maintindihan.. Tumingin ako sa labas ng pinto at nakita kong nasa Ladies room naman ako. Tuloy lang ang ungol ng babae. Nakaramdam agad ako ng hindi maganda.

May nagtutulak sakin na silipin ang loob ng cubicle at ang kalahati ay balewalain nalang at lumabas.

Dahan dahan akong naglakad sa tapat ng pintuan nang may umungol na naman.

"Yes Zander! I want youu so bad.. Ahh!"

Saglit akong napahinto sa narinig. Sa dami daming pangalan ang maririnig ko bakit ang pangalan pa niya? Mas lalong bumilis tibok ng puso ko.

Muli akong bumaling sa cubicles kung saan ko naririnig ang bagay na 'yon.

Dahan dahan pa akong lumapit. Bubuksan ko ba o hayaan nalang? Pero kasi..
Nakita ko nalang ang sarili kong binuksan ang nakauwang na pinto at tumambad sakin ang babaeng naka kandong sa lalaking kanina lang kinukulit ako para makipag Date sakanya.

Faithful. COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon