Chapter 32

253 10 0
                                    


Halos matumba ako sa kinatatayuan ko ng narinig ko 'yon. Inalalayan agad ako ni Leah at inilayo doon. Kapag pasok namin sa loob ay hindi siya makatingin sakin.

"Vera, sa tingin mo alam na niya? I mean alam niyang nandito tayo kasama si Kevin?" Natutuliro niyang tanong sakin.

Ako dapat ang matuliro dahil baka kung ano nalang ang isipin niya. Pero bakit nga ba niya makuha pang mag isip ng kung ano sakin eh wala naman siyang paki-elam sakin.

"Hindi ko rin alam Leah. Hindi ko alam kung paano gagawan ng paraan ni Kevin ang bagay na ito." Halos kagatin ko na ang kuko ko sa kaba at tuliro.

What if puntahan niya kami dito? What if bigla nalang siyang sumulpot dito ng biglaan? What if malaman niyang may anak kami?

Hindi pwede. Baka kunin niya lang si Philip sakin. Baka kunin lang ang anak ko ng pamilya niya. Hindi ako papayag, hindi ko kayang mawala ang anak ko sa piling ko.

Ako lang ang may karapatan sa bata. Dahil ako ang naghirap. Ako ang tumayo bilang Ina at Ama. Wala silang karapatan dito dahil wala naman silang naidulot o naging ambag saming mag'ina lalo na kay Zander.

"Hindi ko namalayan na bumagsak ako sa balikat ni Kevin. Sorry Vera.. hindi ko gustong maging ganito." Halos takpan niya ang mukha niya sa frustration. Lumapit ako para yakapin siya.

"Hindi talaga natin matatago ang mga ganitong bagay habang buhay."

Alam kong may posibilidad na lahat ng ito ang mabubunyag. Pero hanggat wala pang nakakaalam mananatili itong sikreto.

"Kasalanan ko ito Vera. Sana kasi hindi ako napainom ng marami. Nakakahiya, ako pa ang dahilan kung bakit malalaman ni Zander ang mga ito." Mamula mula na ang kanyang ilong sa nagbabadyang iyak.

"Ano kaba, hindi yon mangyayari. Alam ko na gagawan ng paraan ni Kevin yon." Sabi ko nalang para matapos na yung pagsisisi niya sa sarili niya.

Ako man ay kinakabahan at balisa. Alam kong kaya ni Kevin na gawan ng paraan ang tungkol dito. Sana naman ay maniwala si Zander at manahimik nalang. Dahil tahimik na ang buhay namin dito. Sila naman ni Alliah, dapat maging masaya na sila dahil wala ng hadlang sa pagmamahalan nila.

Pinapasok ko na si Leah sa kwarto nila ni Kevin dahil sa may tama pa rin siya. Ako naman ay mag abang kay Kevin na pumasok.

Pero mag iisang oras na at hindi pa rin siya pumapasok. Sinilip ko muna si Philip sa kwarto habang naghihintay.

Lumapit ako sa crib at pinagmasdan ang pinakamamahal kong anak. Alam komg darating ang araw na mahahati na ang oras ko sayo. Hindi ko naman habangbuhay na maitatago sayo kung sino ang Ama mo, alam kong kapag dating ng araw hahanapin mo siya at makikilala.

Hindi ko rin naman ipagdadamot kung sakaling mangyari na 'yon. Ang akin lang sa ngayon. Hangga't maayos pa susulitin ko ang mga araw at panahon na kami ang magkasama.

Narinig kong may nagbukas ng pintuan sa sala kaya dali akong lumabas ng kwarto. Nakita ko si Kevin na hawak ang batok at inaantok na.

Napahinto nalang siya ng nakita niya akong papalapit sakanya. Hindi nako naghintay oa at nagtanong nako.

"Anong pinag-usapan niyo ni Zander?" Tanong ko habang ginagapangan ng kaba sa dibdib.

Yumuko lang siya at huminga ng malalim. Sa ginawa niya ay mas lalo akong nabagabag.

"Alam niya.." Isang hingang malalim ulit ang inilabas niya.

Anong alam niya? Ang alin? Na may anak kami? Na nandito kaming tatlo, na nandito ako para lumayo sakanya?

Faithful. COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon