Sa galit na naramdaman ko pinawi ko ang luha sa mata ko at taas noong pumasok ulit sa Bar. Hinanap ng mata ko si Zander then nagtama ang mata namin. Hindi ako umiwas bagkus nakipag labanan ako ng titigan sakanya. Who are you now Zander! Hindi ako basta basta papaapi sayo. Pero dumagundong ang puso ko ng tumayo siya at may binulong sa babaeng katabi niya.
Tumaas ang isang kilay ko sa ginawa niya. Ano na Zander? Naiirita ako sakanila. Kahit naman wala akong ibubuga kaya ko naman ipag tanggol ang sarili ko sa mga kagaya nyang nang aalipusta.
Tumayo na din ang babae at sabay silang naglakad papunta sakin. Hindi ko pa rin inaalis ang mata ko sakanya. Mas lalo akong nainis sa ginagawa niya.
"Ano na Zander!" Sigaw ko sakanya dahilan ng paglingon ng ibang tao dito.
Binalewala ko lang 'yon at pinagpatuloy ang titig sakanya. Saktong nasa harap ko na sila ng nag salita ulit ako.
"Hindi ako papaapi sayo! Wala kang karapatan na takutin ako na tatanggalin mo ako sa trabaho ko! Ikaw ang palalayasin ko dito!" Sigaw ko pa sakanya. Natulala ang kasama niyang babae sakin at ang iba ay makalaglag panga sa narinig mula sakin.
May ilan ilan na ang lumapit sakin para mailayo ako pero hindi ako nagpatinag. Mas lumapit pako kay Zander para marinig niya lahat ng sasabihin ko. Ewan ko pero inis na inis talaga ako sa lalaking 'to.
"Alam mo ikaw.." sabay duro ko sakanya. Ang iba ay napa iling at napasinghap sa ginawa ko. "Masyado nakong naiirita sa mukha mo, kung hindi ako maganda sa paningin mo. Well, para din sa paningin ko hindi ka gwapo kaya quits lang tayo! Hindi nako natutuwa sa inaasal mo sakin. Kung laitin mo ako akala mong kilala mo ako ah!" Sigaw ko sakanya. Halos lahat ng tao ay nakatingin na. Nakita ko si Leah na sumesenyas na lumapit ako sakanya. Not now Leah.
Nakatingin lang siya sakin na para bang walang naririnig sa sinasabi ko. Malamig ang mga tingin niya at halata na napipikon na din. Pero hindi ako natatakot.
"Ako ba?... Kilala mo ba ako?" He said coldly.
Umirap nalang ako sa tanong niya.
"Yes. You are Zander mapanghusga!" Sabi ko sa harap niya mismo. Ngumisi siya sakin at mas lalong kinainis ko.
"Excuse me, Sir ako na pong bahala dito. Pasensya na kayo.. Miss halika na wag kanang mag iskandalo." Hila sakin ng baklang designer. Siya yung nakita kong nag dedesign ng bawat naka lagay sa wall dito sa Bar.
"Hindi. Siya ang dapat ang kunin niyo. Paalisin niyo yan dito!" Sabi ko.
"Nako Miss, hindi mo kilala ang binangga mo. So please ikaw nalang ang lumabas." Pagmamakaawa ng Bakla sakin. Pero nagmatigas ako. Hindi ako aalis. Siya ang aalis.
"Hayaan mo siya Francis." Baritone sabi ni Zander. Sasabat na sana yung Bakla pero wala na siyang ginawa. Mas lalo pang dumami ang tao sa paligid namin.
"Ano Zander dika ba aalis dito?" Sabi ko.
Umiling lang siya sakin. Bigla naman akong sinugod ng babaeng kasama niya.
"Hey girl! You really dont know who is he? Huh.." natatawa niyang sabi.
Hindi ko siya pinansin. Nakatingin ako kay Zander. Wala siyang kaimik imik. Para bang tinitimbang niya ako.
"Don't talk to me. Hindi ikaw si Zander." Sabi ko sa babaeng mukang octupus sa make up. Mygod yan ba ang tipo mo Zander. Saad ko sa isip ko. Kung tutusin ako tong nilait mo pero kalait lait pa yung babaeng kumakapit sayo!
Nakita ko kung paano ngumisi si Zander sa sinabi ko sa babae. Well she deserve that.
Muntik pa akong sabunutan nung babae buti at naagapan ni Zander yung kamay nung girl. Muntik nakong kiligin pero naalala ko. Galit ako sakanya.
BINABASA MO ANG
Faithful. COMPLETED
Teen FictionAlvery is a strong and observant woman. He lived alone without any family. She doesn't know how someone who truly loves her feels. Until she met a hard -hearted man. She couldn't even imagine that she would love this man. She can still hope to love...