Zander Del Fierr.
2nd Anniversary ngayon ni Ate Sandra. Sa sobrang busy ko sa trabaho at kakagimik ko ay ngayon ko lang naalala kung gaano ako nakalimot sa pagdalawa sa puntod niya.
2 years ago, isang aksidente ang gumising sakin. Naging bayolente ako, naging pariwara at naging walang paki-elam sa tao.
Hindi ko alam ang gagawin ko nang namatay ang ate ko. Siya lang ang mayroon ako. Dahil si Daddy ay nasa State para palaguin pa ng husto ang kompanyang mahal na mahal niya. Hindi ako nagrereklamo dahil mas marami ang oras niya doon.
Hanggang sa naibibigay niya ang mga pangangailangan namin ay wala akong problema don. Noong nawala si ate ay sakin na iniwan lahat ng gawain at resposibilidad sa kompanya namin dito sa Pilipinas.
Unang sabak ko palang ay hirap nako. Dahil nga wala sa isip ko ang pag-aasikaso sa kompanya namin ay mas marami ang oras ko sa barkada at babae. I have everything, yon ang nasa isip ko nung mga oras na 'yon.
At isang araw nagising ako sa isang panaginip na nagpabigay ng pag-asa sakin. Naalala ko ang pangungulit ni ate sakin sa isang babaeng kilala niya pero hindi siya kilala.
Dahil noong siya pa ang nagpapatakbo ng business namin palagi rin siya nagagawi sa Bar kung saan niya nakilala ang babaeng pilit niyang ipinagsisiksikan sakin. Nagalit ako, dahil hindi ko kailangan ng tulong niya para lang magkaroon ako ng babae.
Isang ngiti lang ang ipakita ko ay isa-isa silang luluhod sa paanan ko para lang makuha ang atensyon ko. Not like that! Pero ang sabi niya.
"Bro. Hindi ganon ang babaeng tinutukoy ko. She have descent features. Hindi siya kaladkaring babae." She said.
Mayron bang babae na nagtatrabaho sa isang bar na hindi slut, whore, gold digger sa isang ganong lugar? Umiling nalang ako at nagpatuloy sa pag-inom ng wine.
"Sabi mo ay sa bar mo nakilala ang babaeng 'yan. Walang babaeng hindi pokpok ang nagtatrabaho doon."
Wala pa nga akong naririnig na sagot sakanya ay binatukan na niya ako.
"Napaka mean mo bro, hindi lahat ng nagtatrabaho sa bar ay gaya ng mga babaeng kinakama mo. She's different, I will asure you, once you see that girl. Sasabihin mong tama ako. Then kapag nangyari 'yon. Ako ang unang tatawa at magiging masaya. Stop judging bro."
Nandito kami ngayon sa Bar na palaging tinatambayan nila Kevin. Una ay ayoko dahil may kikitain akong bagong chiks, buti nalang at nagtext na kasama daw niya ang Boyfriend niya at naghihinala na. Hindi ko na siya nireplyan pa. Tss, mga babae nga naman talaga. Manloloko din, kaya hindi rin dapat sineseryoso.
May pumasok na babae. Maganda na morena. Pero hindi ko type, nagtanong lang siya ng order namin at mabilis na umalis.
"Dude, puro magaganda ang waitress dito. Tama ang desisyon mo na sumama samin." Si Bobby na humihithit na ng kanyang yosi. Tumawa nalang ako at hinintay ang order namin na Vodka.
"Eto na po ang order niyo sir." Sa kalagitnaan ng pagtatawanan namin nila Kevin nang may nagsalita.
Dahan dahan akong nagtaas ng tingin at napataas ang isang kilay.
Hindi pa ako makahugot ng hininga nang nagtanong na si Kevin.
"Miss nasan yung babaeng kumuha ng order namin kanina?" Hindi ko alam kung tama ba ang pagkakarinig ko sa boses ni Kevin. Pero pakiramdam ko ang type niya ang babaeng nasa harapan namin.
Gusto kong mainis sa hindi ko alam na dahilan. Pakiramdam ko ay may kakaiba dito sa babaeng 'to. Seryoso ang mga mata niya at tila wala lang sakanya ang mga kaibigan kong nakatunghay sakanya.
BINABASA MO ANG
Faithful. COMPLETED
Teen FictionAlvery is a strong and observant woman. He lived alone without any family. She doesn't know how someone who truly loves her feels. Until she met a hard -hearted man. She couldn't even imagine that she would love this man. She can still hope to love...