Isang malakas na tulak ang ginawa sakin ng Mommy ni Zander. Kitang kita ko ang nag aalab na galit sakanyang mata. Alam kong ganito pa din ang magiging reaksyon niya at pakiramdam ko ay hindi na yon magbabago pa.
Ginapangan agad ako ng kaba ng dinuro niya ako. "Talagang may lakas kapa ng loob na bumalik pa dito, alam mong ikakasal na si Zander! Alam mong kay Alliah siya ikakasal. Pero ang kapal ng mukha mo na magpakita kapa dito at talagang hindi nahiya na nandito ang Fiance ng anak ko?" Nang gagalaite niyang sabi sakin.
Simula palang alam ko ng ganito ang maaring mangyari sa pagmamahal na mayroon ako kay Zander. And this is my consequence, masyado kong sinuway ang sariling prinsipyo para lang sa pagmamahal na ito.
"Sinabi kong layuan mo siya! But you didn't try, huh?" Mas lalong sumama ang tingin nito sakin.
Halos magbara ang lalamunan ko. Walang lumalabas na kahit anong salita sakin. Oo, sinabi niyang layuan ko si Zander pero lintek lang, dinadala pa rin ako sakanya. Matigas ang ulo ko. Hindi ko hinayaan na lumimot nalang at umiwas. I pushed myself to him, hard.
"Are you desperate? Are you hungry for his money? You use him for your ambition.." Sa sinabi niyang iyon ay hindi ko na napigilang hindi sumagot. Sino siya para iparatang sakin ang bagay na iyon?
Nagbabadyang tumulo ang luha sa mata ko. I'm weak!
"Ambition? Hindi ko kailan man ginamit ang anak niyo para sa sarili kong pangangailangan. I have my own way how to earn money! I'm working!" Nanginginig kong sagot. Sino ba siya para pagsalitaan ako ng ganito. Oo ina siya ng taong mahal ko pero wala siyang karapatan na maliitin ako.
"You said you have a work? Like what? prostitute? Tiga aliw ng mga lalaking sabik at uhaw?" Natatawa niyang sabi. Nakita ko kung paano siya ngumisi dahilan para mas lalo akong manliit at manghina.
"Wala ho kayong karapatan na husgahan ako, na paratangan ng mga bagay na hindi naman totoo. Oo may pera kayo, pero hindi mabibili ng pera niyo ang abilidad, respeto, at mabuting kalooban ni kanino man. Pera lang ang meron kayo pero wala kayong respeto!" Lakas loob kong sinabi yon sakanya. Kaya naman wala pang segundo ng tumama ang palad niya sa mukha ko.
Napahawak ako sa kaliwang pisngi ko na ngayon ay namanhid sa lakas ng pagkakasampal niya sakin. Hindi ko na napigilang hindi maiyak. Why people hate me like this? Ano bang nagawa kong mali? Bakit taliwas sa mga gusto ko ang nangyayari sakin?
"Umiiyak ka? Para kapag nakita ka ni Zander ay aawayin niya ako because of you? Talagang hahayaan mo na magalit ang anak ko sakin?" Sasampalin pa niya ulit ako ng hinawakan ko ang kamay niya. Lumaki ang mata niya at mas naging agresibo siya.
"Matapang kang babae ka!" At hinayaan kong masampal na naman niya ako. Mas naging malakas ang pag agos ng luha ko. Ngayon ay parehas na itong namanhid.
"Ano ba talagang gusto niyong mangyari?" Mahal ko ang anak niyo. Masama ba 'yon? Gusto kong sabihin sakanya pero sa side nga siya ni Alliah. At yon ang gusto niya para sa anak niya. At ako ay hindi para kay Zander. Iyon ang nagpagimbal ng kalooban ko.
I admit it.
Wala akong laban simula palang. Sumugal ako sa maikling panahon na hinayaan kong mahulog kay Zander.
Hoping na maging bagay ako sakanya. Pero hindi pa rin talaga, kahit saang anggulo tingnan hindi bagay ang kagaya ko sa katulad niya.
"Tigilan mo na ang anak ko, magkano ba ang kailangan mo? Para lang layuan mo ang anak ko!"
Ano 'to? Pinagmukha niya talaga akong pera? I don't need their money! Kaya kong magkaron non ng hindi tumatanggap kahit na sino. Babayaran niya ako para lang layuan si Zander? Hindi ko yon kaya. Hindi ko kakayanin.
BINABASA MO ANG
Faithful. COMPLETED
أدب المراهقينAlvery is a strong and observant woman. He lived alone without any family. She doesn't know how someone who truly loves her feels. Until she met a hard -hearted man. She couldn't even imagine that she would love this man. She can still hope to love...