Kapag karating namin sa Bulacan ay agad siyang nagpabook sa hotel. Hindi kami tumuloy sa bahay nila. Hindi ko alam sakanya at naisipan niyang mag hotel kami kaysa umuwi sakanila.
Pabor sakin ang hotel kaysa umuwi doon. Pero hindi ba niya namimiss Mommy niya? Oh si Alliah? MyGod.
"Bakit hindi nalang tayo sainyo? Gagastos kapa?" Kaya lang ako nagtanong para malaman ang dahilan kung bakit hindi sakanila at bakit dito pa?
"Akala ko ay ayaw mo doon, ayokong umalis ka naman ng walang paalam." Hindi agad ako naka-react. Hanggang ngayon ba ay hinanakit pa rin niya ang nangyari noon.
"Ayaw mo ba mag sa hotel? Saan mo ba gusto kung ganon?" Maamo niyang tanong sakin. Umiling lang ako bilang sagot.
"Then what do you want me to do?" Ewan ko pero parang diko yata maintindihan ang asta ni Zander ngayon.
"Wala Zander. Nagtaka lang ako. And besides hindi ko alam ang lugar na 'to kaya nagtanong ako." Paliwanag ko. Pero halatang hindi siya convince sa sinabi ko.
"Nasa Malolos tayo, malayo na ito sa Bocaue, sa bahay."
"We're here." Nakita ko ang isang karatula na nakalagay ay Club Royale.
Private ba 'to? Mukang maganda. Sa loob kaya maganda rin? Hmm.Binuksan niya ang pintuan sa side ko at kinuha ang kamay ko para alalayan sa paglabas. Then kinuha niya agad ang gamit namin at nagdere-deretso na sa office nitong hotel. May kinausap pa siya sandali at nakita kong may iniabot sakanya na susi. Nakita ko pa kung paano tumitig ang mga stuff kay Zander. Lahat nalang ng lugar ay hindi pwede makalusot sa paningin nila si Zander.
Nasa tapat na kami ng KS301 number ng pad namin. Binuksan niya 'yon at agad niyang iniayos ang mga gamit namin sa cabinet. Ako naman itong hinanap ang remote para sa aircon. Malaki ang kwarto na nakuha namin. Kompleto at comportable sa feeling.
"Mamahinga kana muna dyan." Siya habang may chinecheck sa bag niya.
Lumapit ako sakanya at niyakap siya mula sa likod. Naamoy ko agad ang mabango niyang pabango dahilan ng pagpikit ko.
Bakit ang bango niya? Kelan ko kaya siya maamoy ng mabaho? Palaging mabango eh. Kaya malakas din makahitak ng babae eh.
"Mamahinga kana muna din." Sabi ko habang yakap pa din siya. Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan iyon. Iniayos niya din ako para makaharap sakanya.
"You want to cuddle huh?" Nakangisi niyang sabi sakin. Unti unti nyang binaba ang tingin sa labi ko. At dahan dahan na inilapit ang kanya sa labi ko. Napapikit nalang ako sa tensyon na naramdaman ko.
Nagulat nalang ako na nakasabit na pala yung dalawang braso ko sa leeg niya. Binuhat niya ako pahiga sa kama at hinalikan ng hinalikan. Huminto lang siya ng lumalalim na ang nararamdaman namin sa isa't isa. He hugged me tight. Medyo dismayado ako dahil itinigil niya. Halos murahin ko ang sarili ko sa naiisip ko. Bakit ako pa ata ngayon ang parang mas sabik na sabik?
Hinayaan ko nalang at niyakap nalang din siya pabalik. Hindi na namin namalayan na nakatulog na kami at pasado alas sais na ng gabi.
May mabigat na akong naramdaman mula sa aking hita. Dahan dahan kong idinilat ang mata ko at palihim akong nagulat dahil sa pwesto namin ngayon.
Nakadantay ang kanyang hita sa hita ko na para bang kinulong niya ako buong katawan. Naamoy ko din ang pabango niya. Pero bago pa ako mag managinip ng gising ay naramdaman kong gumalaw siya dahilan ng pagpikit ko.
Naramdaman kong hinamas niya ang buhok ko at hinalikan ako sa noo.
"Alam kong gising kana." Sabi niya dahilan ng pagdilat ko. Alam ba niya? Nakangisi siyang nakatingin sakin at mas lalong hinigpitan ang pagkakayakap sakin. Hindi nako nagpumiglas pa at hinayaan ko nalamang siyang gawin yon.
BINABASA MO ANG
Faithful. COMPLETED
Teen FictionAlvery is a strong and observant woman. He lived alone without any family. She doesn't know how someone who truly loves her feels. Until she met a hard -hearted man. She couldn't even imagine that she would love this man. She can still hope to love...