Chapter 6

296 14 0
                                    

"Bakit ka nandito?" Inis kong tanong sakanya. "At pano mo nalaman na dito ako nakatira? Are you stalking me Mr. Del Fierr!" Pagtataray ko.

Ngumisi siya at lumapit sakin. Kaya naman napaatras ako. Hindi ko batid kung ano ba ang layunin niya at kung bakit nandito siya ngayon.

"Wala kang balak magsalita? Ano? Ngingisian mo lang ako magdamag? Then umalis kana. Sinasayang mo ang oras ko." Sabay talikod ko sakanya at naglakad na papasok ng bigla siyang nagsalita.

"Date me, then." Hindi agad ako naka balik sa ulirat sa narinig ko. Kaya imbis na lingunin siya ay nag tuloy ako sa paglalakad.

No Alvery! Mali yong narinig mo.

"Or be my girl. Kung ayaw mo akong idate!" Sigaw niya ng malapit nako sa pinto ng Apartment.

"Wag mong sayangin ang oras mo sa kagaya ko. Find another girl! Not me." Sigaw ko pabalik. Ni hindi ko na nakuhang tumingin sakanya at agad kong sinara ang pinto ng Apartment ko.

Halos hapuin ako sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Napasapo agad ako ng noo sa inaasta ko ngayon. Damn you Zander!

Diko alam kung ano bang trip ng Zander na 'yon at hindi ako natutuwa sa mga ginagawa niya. Bakit niya ako aayain na idate? Sa dami daming babae na kalevel niya bat di siya maghanap doon. At gagawin pa niya akong Girlfriend kung hindi ako nakikipag date sakanya. Saan ang choice ko don kung ganon diba? Siguro sa sobrang dami nyang babae nananawa na siya at ngayon at isasama niya pa ako sa mga don. Kahit ganito lang ako hinding hindi akong papatol sa lalaking 'yon.

Bago pa ako mahiga ay nag bivrate na naman phone ko. Nairita agad ako dahil baka yung Zander na naman 'iyon.

Hinayaan ko nalang tutal hindi naman importante. This is bad day.


* Kring kring kring *

Isang malakas na tunog ang aking narinig ng nag pagising sakin. Natanaw ko agad ang sinag ng araw na tunatama sa aking higaan.

Pagtingin ko sa orasan pasado alas nuebe na ng umaga. Ni hindi ko makuhang bumangon. Ang bigat ng katawan ko ngayon. Kinuha ko ang Cellphone ko at lima agad ang mensahe. Nakita ko ang pangalan ni Leah at isang Unregister number. Syempre mas inuna kong binasa ang kay Leah..

Leah.

Vera, anong nangyare sayo? Bakit mo ginanon si Sir Zander? Mygod! Ang swerte mo naman.

Teka.. anong maswerte don? Hindi ko maintindihan ang tumatakbo sa isip ni Leah. Lucky or unlucky? Hmm.

Unknown.

Date me and Be my girl! I'll discuss you tommorow.

You challenge me! So Im interested.

I'm still wondering.. You got me Low class.

Hey! Are u awake?

Ito ba ay hindi talaga ako titigilan? Kahit ngayong umaga ay sisirain niya pa din ang araw ko na 'to. Ihahagis ko na sana ang phone ko ng nagvibrate na naman ito. Mas lalo naman akong nairita.

Leah.

Vera, pumasok ka ah. Marami kang ikekwento sakin. Hihi

Binagsak ko ang aking sarili sa higaan at napatakip ng unan sa mukha. Wala naba gaganda sa araw ko? Aggrrr...

*Tok tok tok*

"Sino yan?" Sigaw ko ng hindi pa din tumatayo.

"Ako ito si Ate Marie." Balik niya sakin. Tumayo ako para pagbuksan siya ng may narinig ako sa labas na nag uusap.

Faithful. COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon