Dalawang linggo na din simula ng magsimula si Zander na ligawan ako. Isipin mo 'yon. May anak na kami't lahat pero kaming dalawa ay nasa stage palang ng ligawan.
Pero noon kasi, wala naman naganap na ligawan. Walang seryoso. Pero ngayon ramdam ko na kung gaano siya ka sincere sa relasyon namin ngayon.
At hanggang ngayon ay lihim pa din si Philip sakanya. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sakanya eh. Kinakabahan ako.
Kahit pa okay na kami ay hindi pa rin naman maalis ang takot sa dibdib ko. Natatakot din ako para sa anak.
"Mukang nagkakaigihan na ulit kayo ni Papa Zander ah." Tukso ni Leah sakin habang hinihintay ko ang sundo ko.
May date kami ngayon kaya naman nag ayos talaga ako ng todo para sa date na ito. Pangarap ko na 'to noon pa. Na sana dumating ang araw na hindi nalang ako kapag may kailangan lang dahil ngayon kahit walang kailangan ay kailangan niya pa rin ako.
Sabay kami napatingin sa gate. Nahiya tuloy ako dahil tinutukso na naman ako ng kaibigan ko.
"Ayan na ang sundo ng dalaga." Inirapan ko nga.
"Si Philip ah." Sabi ko.
"Ipakilala mo na kasi ng masama mo na rin sa date niyo. Para happy family na."
"Tse. Alam mo naman kung bakit." Hindi ko na siya hinintay na sumagot pa at tinalikuran ko na siya.
Lumabas na ako ng gate at nakita ko agad siya na nakatayo sa harap ng sasakyan niya habang hawak ang lower lip. Hindi agad siya umayos at pinasadahan niya ang kabuuan ko.
"Come here." Aniya.
Lumapit naman ako at laking gulat ko ng halikan niya ang collarbone ko. Nag init ang pisngi ko sa ginawa niya kaya natapik ko ang dibdib niya.
"Ano kaba, nasa labas tayo." Pagalit ko.
"Don't worry walang pakielam ang mga tao dito." Sabi pa niya at balak ulit halikan 'yon.
"Stop it Zander. Nakakahiya." Humalakhak lang siya at iginaya na ako papasok sa kanyang mercedez.
Nakapasok na kami ng sasakyan niya at inabutan pako ng boquet ng sunflower.
Ayan naman ako, naramdaman ko na naman ang nagbabadyang luha. Hindi ko ineexpect na ganito ang magiging bawi sakin at samin ng nakaraan.
"Babawi ako sa lahat ng pagkukulang ko noon. Sisikapin kong makuha ulit ang loob mo." Sabi niya habang nakatingin sa mata ko ng deretso. Hindi ko na napigilan pa at tumulo na ang luha sa mata ko.
Ito yung matagal ko nang hiling na maging ganito kami, na maging masaya at maramdaman na mahal niya talaga ako. Hindi kagaya noon na parang ilaw ang relasyon namin. On and Off.
Pero hindi pa ito sigurado, nagsisimula palang ulit kami. Marami pa rin akong tanong na hindi pa nasasagot. Ayoko munang itanong, siguro kapag komportable nako pagusapan 'yon.
Nakarating kami sa sikat na Restaurant at mabilis kaming iginaya sa table namin. May mga nagsilapitan na Stuff at may isang lalaki na may hawak na violin at nagsimulang tumutog. Kaya naman habang kinukuha ang order namin ay sumabay ang tugtog ng violin na nakapag pagaan ng loob.
At this moment, walang eepal. Akin siya at sakanya lang ako. Masaya sana kung kasama namin si Philip, pero hindi ko rin alam kung paano ko ipapaalam sakanya ang bagay na iyon. Ihahanda ko pa ang sarili ko panibagong galit ni Zander.
Alam kong magagalit siya. Walang magulang na hindi magagalit kapag naglihim sakanya ang anak. Ganon din ang ganito sitwasyon. At natatakot ako sa magiging reaction niya. Kahit pa okay kami ngayon. Pano sa susunod?
BINABASA MO ANG
Faithful. COMPLETED
Teen FictionAlvery is a strong and observant woman. He lived alone without any family. She doesn't know how someone who truly loves her feels. Until she met a hard -hearted man. She couldn't even imagine that she would love this man. She can still hope to love...