Chapter 26

258 12 0
                                    


Pasado alas syete na ng napakalahati ko ang mga naiwang trabaho ko. Tinulungan din ako ni Zander. Kaya imbis na sa labas kami kumain ay sa apartment ko nalang kami kumain. Siya na din ang nagluto. Nakita niya rin kasi yung mga stock ko sa bahay. Puro cangoods at noodles. Nang una ay sinermunan pa niya ako dahil anong sustansya daw ba ang nakukuha ko sa mga ito. Hindi ko lang masagot na, ganyan talaga kapag walang budget at hindi kasing yaman niya na afford lahat ng kahit anong pagkain.

Kapiranggot palang ng kaldereta ay gusto ko na agad ilahat 'iyon. Ang sarap ng luto niya. Kompleto ang rekados. Dumaan pa kami kanina sa market at siya mismo ang namili ng mga sangkap. Hindi lang yon namili rin siya ng mga gamit ko dito sa Apartment.

Hindi na rin ako tumanggi pa dahil kailangan ko talaga nong mga napamili niya dito sa apartment ko.

"Delicious huh?" Nakangisi niyang sabi sakin.

Para akong tuod na tumango nalamang sakanya at nagpatuloy sa pagkain. Hindi niya ginagalaw ang kanya kaya napahinto ako ng subo.

"Bakit hindi ka kumakain?" Kunot noo kong tanong sakanya. Bagkus na sumagot siya ay lumapit siya sakin at iniangat ang kamay sakin at dahan dahan na pinunasan ang dumi sa gilid ng labi ko.

Muntikan nakong lumayo sakanya dahil nahiya ako. "Nag eenjoy pakong panoorin ka habang kinakain at sarap na sarap sa luto ko." Malambing niyang sabi sakin dahilan ng pag init ng mukha ko.

Oo na at masarap kana at magaling kana magluto. Papakasalan na nga kita eh. Hindi pala pwede. Biglang sumama ang sikmura ko ng naisip ko 'yon. Pano ko siya mapapakasalan kung ikakasal siya sa iba? At hanggang ngayon ay hindi pa rin niya pinaliliwanag sakin ang tungkol doon. Paano ako mapapanatag?


"Kumain kana din." Mahina kong sabi. Tinamo ito, pabago bago ng mood. Sino bang hindi diba? Dapat talaga hindi sumasagi sa isip ko ang mga tungkol don at sa mukha ng Alliha na yan. Nasisira yung moment ko eh.


Hindi niya yata napansin na nag iba ang simoy ng hangin at kumain na din siya ng tahimik. Siya na rin ang nagligpit ng pinag kainan namin at siya na din ako nag urong ng mga plato at kasangkapan na ginamit niya kanina sa pagluluto.

Habang nandito ako sa likod niya at nakaupo sa higaan ay hindi ko maalis ang titig ko sa likod ni Zander. Habang siya ay nagpupunas ng mga naurungan na niya.

I am lucky? Zander Del Fierr washing our plates. Nagluto at kulang nalang ay gawin ko ng taga pangalaga ko.

Pero hindi pa rin pwedeng maging masaya after this. Maraming nakaabang na problema at hadlang para sa kagustuhan ko. Ang gusto ko lang naman sa mundo ay si Zander. Wala ng iba. Makukuntento na ako kung magkataon na akin na talaga si Zander. Pero sa nakikita ko, mananatiling hindi kumpleto ang buhay ko at hinding hindi ako makukuntento hanggat hindi ko nasisiguro na sa huli ay akin si Zander. Wala ni kanino, lalo na kay Alliah.


Hindi ko namalayan na tapos na siya sa ginagawa niya at nakatingin na siya sakin mula sa kinatatayuan niya. Nakataas lang ang kanyang kilay at tila ba pinagmamasdan ako at binabasa ang mga kilos ko.

Tinagilid niya ang ulo niya bago niya ako suriin ng mabuti. Hindi ako nakahinga ng maayos sa tinuran niya. Kaya bago pa man ako bumaling ng tingin sa iba ay lumakad na siya papalapit sakin at hinagkan ako sandali.

"Anong iniisip ng mahal ko?" He asked. Kaya naman imbis na irapan siya ay siniksik ko ang ulo ko sa gilid ng kili-kili niya. Naamoy ko na naman ang kanyang paboritong pabango.


"Are you okay?" Malumanay at may bahid na pag-alala niyang tanong sakin.

"Of course, I am." I answered. Pumikit ako ng mariin at ninamnam ang mga yakap na sandali.


Faithful. COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon