"Vera gising na." Minulat ko ang mata ko at nakita kong nag hahain na ng agahan si Leah. Kinusot ko ang mata ko at tsaka bumangon."Pasensya na. Kanina kapa gising?" Darn Vera, obious ba? Hinawakan ko ang sintido ko at naramdamang kumulo na ang tyan ko.
"Ayos kana ba?" She asked. I nooded.
"Kumain na tayo, maaga ako papasok sa bar. Ikaw ano gagawin mo sa araw na 'to?" Bahagya akong napa isip. Siguro maghanap ng trabaho? Muka kasing walang tatawag sakin sa mga pinahan ko ng resume.
"Hm. Baka maghanap ng trabaho." Tipid kong sagot.
"Trabaho? Akala ko ba ay hindi kana mag tatrabaho?"
"Leah, paano ako mabubuhay kung wala akong trabaho?" Sinubo ko yung pritong itlog at sinunod ang kanin.
."Oo nga, pero si Zandeer. Siya ang dahilan ng pag-alis mo sa Bar. Dapat ay siya ang puntahan mo. Siya ang hingan mo ng trabaho." Siya habang nakatitig sakin.
Umiling lang ako.
"Yah I know, hindi mo naman pwedeng iwasan si Zander ng ganon lang. Siya ang dahilan, so dapat siya ang pag problemahin mo sa bagay na yan Vera." Napa isip din ako, pero ayokong humingi ng kahit anong bagay sakanya kahit pa siya ang dahilan kung bakit ngayon ay namumulubi ako sa trabaho.
"Hindi na kailangan. Kaya kong maghanap." Nagkibit balikat nalang siya at sinabayan na akong kumain.
Hindi na namin pa pinag usapan ang tungkol sa paghahanap ko ng bagong trabaho. Umalis na din siya ng tumawag sakanya si boss.
Nagsimula akong ayusin ang sarili ko. Bumili rin pala ako ng pencil skirt para naman kahit papano magmukha akong presentableng tingnan habang nag aapply ng trabaho. Sinuklay ko ang buhok kong kasing tigas ng alambre. Hindi kasi ako nag coconditioner. Wala lang, feeling ko ang lagkit lagkit ng buhok ko kapag napapagpawisan. Naglagay ako ng light lipstick na kabibigay lang ni Leah sakin. It's color red pero light lang. Tumayo nako, napatingin ako ngayon sa legs kong expose na. Nagdadalawang isip tuloy ako kung magpapalit nalang ako ng slacks o ano. Naiilang ako, this is my first time to wear this kind of skirt. Sobrang fit niya sa balakang ko, nagfifirm tuloy lalo at pakiramdam ko anytime mababastos ako. In my dreams. Sana naman hindi. Kung sabagay medyo chubby ako at walang magkakaintires sakin
Lumabas na ako ng bahay at sumakay ng jeep, hindi ko mapigilang ibaba ng ibaba ang skirt ko. Umaangat kasi siya pataas at mas nakikita ang legs ko. Wala namang ganong lalaki kaya nilubos ko ang pagbaba nito.
Huminto ang jeep sa lugar kung saan ako mag aapply. Sa mall ulit, this time sikat na mall. Nagbabakasali na makapasok ako sa ganitong lugar. Sisikapin kong kahit dito ay matanggap nako.
Pag pasok ko palang ay naramdaman ko na ang kaibahan ko sa mga taong nakakasalubong at nakikita ko. Ang sososyal ng mga suot.
Umakyat ako sa second floor at inisa isa ang mga store.
."Excuse me Ma'am mag aapply kaba?" Isang babae ang lunapit sakin galing sa loob ng Rrj
Nahiya akong ngumit at tumango.
"Sakto, nakita ko kasing may hawak kang papers, then naisip ko agad na baka nag aapply ka." Masigla niyang turan sakin.
Nabuhayan ako ng loob. This is it? Sana naman ay may avail pa para sakin.
"Uhmm--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng sumingit agad ito.
"Yes, naghahanap kami ng isa pang workers. Ilang linggo na din kami naghihintay na may magpasa."
BINABASA MO ANG
Faithful. COMPLETED
Teen FictionAlvery is a strong and observant woman. He lived alone without any family. She doesn't know how someone who truly loves her feels. Until she met a hard -hearted man. She couldn't even imagine that she would love this man. She can still hope to love...