"Mahal mo paba?" Ayan agad pambungad sakin ni Leah ng makapasok kami sa unit ko.
Hinubad ko muna yung sapatos ko at tsaka iniayos yon sa lagayan. Mahal ko pa nga ba? Hindi na. Hindi naman talaga nawala eh.
"Alvery. Kilala na kita, sa tagal tagal na nating magkakilala. Alam ko kung kelan ka okay at hindi."
Tumango tango ako sakanya. At ngumiti ng mapait.
"Yeah right. You know me." Tsaka tumulo yung luha sa mata ko. Pero agad kong pinawi. Hanggang ngayon ganito pa rin nauuwi? Hanggang ngayon umiiyak pa rin ako sa iisang tao lang. Hanggang ngayon puro sakit ang ibinibigay niya sakin.
Lumapit si Leah sakin at niyakap.
"Akala ko natulungan kita. Hindi pala." Bulong niya.
"Akala ko din eh. Yun yung pinaniwalaan ko. Pinaniwala ko ang sarili ko na wala na kahit meron pa. Ewan ko ba bakit ganito nalang katindi yung nararamdaman ko para kay Zander. Halos kakakilala lang namin noon eh. Pero napaka bilis at para mahulog ako."
"Vera, wala sa tagal yan. Wala sa oras at panahon. Puso mo yan, kahit anong oras titibok yan para magmahal. Hindi mo kasalanan na mainlove sakanya. Ang kasalanan mo is hinayaan mong umasa ka kahit walang pag-asa." Mas lalo akong naiyak sa sinabi niya. Wala akong pag-asa. Yeah noon pa man alam ko na yan. Pero masakit pala talaga kapag actual na nangyayari no. Akala ko kasing dali lang 'to ng kay Vincent. Pero hindi. Mas matindi ito.
"Hindi na ako magugulat na kung ikasal na siya at magkaanak na." Sabi ko habang umiiyak.
"Wag ka ngang nega dyan. Malay mo naman." Kahit gaano mo pa palakasin ang loob ko masyado ng mahina 'to.
Ang mali ko din hindi ako umamin bago pa niya ako iniwan. Sana umamin nalang ako agad baka sakaling may pag asa o kaya naman matanggap ko ng maaga. Kaso hindi eh.
Kinwento ko lang kay Leah lahat lahat. Nakatulugan ko na nga eh. Dahil pagdilat ko umaga na ulit.
Nagising nalang ako na mag isa nalang. Baka nauna ng pumasok sakin 'yon. Dumeretso na agad ako sa banyo para makaligo na. Hindi na ako masyado nag tagal at nagsuot na ako ng skirt at sleeveless na pink at nag suot ng cardigan then 2inches na sandals. Habang sinusuklay ko yung mahaba kong buhok ay na isip kong pagupitan ko na kaya? Bukod kasi sa sobrang haba na at ang hirap ng suklayin medyo nag dadry na yung pinaka dulo nito.
Bago pa man magbago isip ko, nagmadali nakong lumabas ng unit at pumunta sa parlor malapit sa Bar.
Pagka pasok ko palang ay agad akong tinanong ng stuff kung ano ang ipapagawa ko.
"Magpapagupit ako. Tsaka sana magpakulay na din." Sabi ko sa baklang mahaba ang buhok.
"Osige, maupo kana. Yun lang ba ang ipapagawa mo?" Maarte niyang tanong sakin. Pero alam mong mabait siya kaya ngumiti ako.
"Hm. Wala naman na, gusto ko sana na apple cut ang gupit ko tsaka kulayan ng medyo brown at lagyan ng kaunting highlights."
"Okay sis, simulan na natin."
Una niyang ginawa is binawasan na muna yung buhok ko. Pero hindi na muna niya idineretso sa maikli. Kinulayan na muna niya. At nilagyan ng highlight. Halos 1 hour and 30 mins ang para don. Tsaka niya naman binlower at tinuloy na yung pag gupit. Nag alangan tuloy ako ng makitang umiigsi na yung buhok ko. Pero nakaramdam ako ng ginhawa. After niyang matapos gupitin. Pinlantsa na yung bukok ko.
Hindi ako makapiwala na ganito kaganda ang kalalabasan ng buhok ko. Inahitan niya din kilay kong sabog at nilagyan ng kilay para agaw pansin.
"Grabe ang ganda mo naman sis." Puri niya sakin nahiya naman ako sa sinabi niya kaya nag thank you ako at inabot ang bayad. Sinabi ko nalang na sa uulitin dahil nagandahan din ako sa gawa niya. Pinasadahan ko ng tingin amg itsura ko at tsaka confident na naglakad palabas ng Parlor.
BINABASA MO ANG
Faithful. COMPLETED
Teen FictionAlvery is a strong and observant woman. He lived alone without any family. She doesn't know how someone who truly loves her feels. Until she met a hard -hearted man. She couldn't even imagine that she would love this man. She can still hope to love...