Chapter 2

359 15 0
                                    

"Ow. That's imposible? Bar ito at walang pwedeng itable? Are you kidding me?" Galit na tanong nito sakin.

"Yes Sir. Pasensya na po kayo." Umatras ako at tatalikod ng humirit na naman ang punyeta.

"Then, kung wala pala... Ikaw ang itetable ko? Ano? Diba't magandang ideya iyon Miss?" Napaharap ako sakanya at titingnan kung babawiiin niya ang sinabi niya pero mukang wala siyang balak doon.

"Zander, easy man." Si Kevin.

"Dude, stop it! Baka magalit na naman sayo si Alliah. You know her." Sabay tawa ng isang lalaking moreno.

"I don't care! So ano, muka namang pang table ang kagaya mo eh. Right?" Sabay ngisi niya sakin.

Nakailang lunok ako. Pero wala akong balak na sumagot sakanya. Wala siyang kwentang kausap.

Gwapo pa man din pero walang modo. Bastos!

"Excuse me, kung wala na po kayong irerequest. Aalis na po ako." Tumalikod ako at hindi na lumingon sa table na 'yon.

Napa aray ako ng may humablot sa braso ko. Sinamaan ko siya ng tingin at aakmang aalis ulit pero masyadong mahigpit ang hawak niya doon.

"Ano po ba Sir? Bitawan niyo po ako!" Sabi ko dito.

"May araw ka din sakin!!" Bigla nyang tinapon ang braso ko kaya naman tumama ito sa matigas na bato. Nakita niyang nasaktan ako pero tumalikod lang siya at bumalik sa table nila.

Nakailang beses akong mura sa isip ko. Bwiset akala mo kung sinong gwapo at mayaman! Mayabang at masama naman. Hayst sinira niya ang mood ko. Pati trabaho ko ngayong gabi.

Bumalik ako ng Counter at nakitang nag aayos si Leah ng mga babasagin na gamit.

"Vera." Tawag nito sakin.

"Oh Leah?"

"Kamusta ang pag seserve sa VIP Table? Ano puro gwapo no? Sayang at ako nalang sana ang naserve sakanila kaso madami talaga akong inaasikasong mga orders ng iba pa eh." Sabi niya na halata mo talagang nanghihinayang.

Anong sayang don? Maryosep puro mga bastos tao don. Lalo na yung Zander na 'yon. Narinig ko lang sa kaibigan niya kaya ko nalaman ang pangalan ng Panget na 'yon haiisst

"Sana nga at ikaw nalang ang nagserve." Sabay irap ko sa kawalan.

"Oh bakit? Ayaw mo non? Minsan ka lang lumalabas sa lungga mo pero big time agad at puro gwapo at yayamanin ang nakaharap mo." Masaya niyang kumento.

Im not interested with them naman. Aanhin mo mayaman at gwapo kung masahol naman sa ugali. Hindi na uy. Manapa si Vincent. Kahit ganon atleast naramdaman ko na kahit papano nirespeto niya ako kahit ginago niya ako. Wala namang pinag kaiba 'yon. Erase Vera. Kalimutan muna yung mga taong nanakita at walang naidulot sa buhay mo kundi pasakit at hirap.

"Hindi naman sa ganon. Wala lang ako pake." Diretsa kong sabi. Napa O ang bibig ni Leah sa sinabi ko. Bakit anong problema sa sinabi ko? Im telling the truth.

"Seriously Vera? Hindi ka manlang kinilig o wala kamanlang natipuhan sakanila? Mygod. Alam mo bang mga sikat sila sa lugar natin. Dahil mga only Child yong mga 'yon at sila ang mga magmamana ng mga ari arian ng angkan ng bawat isa sakanila. At kapag may isa kang nabingwit don. Napaka swerte muna! Ako Vera. Kahit si Zander nalang, kung hindi papalarin si Kevin. Yung dalawang yon ang pinaka sikat sa magbabarkada." Mahaba niyang paliwanag sakin. Inaantok ako sa sinabi niya.

Parang wala naman akong nakikitang swerte sa mga 'yon. Then, seriously din Leah. Anong nakita mo sa mga 'yon? Bukod sa mayabang at matatapobre? Ano pa??!

"Ahh. Teka yung Zander na binanggit mo. Sino ba 'yon?" Curious kong tanong sakanya.

"Uyy. Si Zander ba? Hihi." Kinikilig pa siya habang binabanggit ang pangalan ng mokong na 'yon.

"Uhuh." Tipid kong sagot.

"Pwede ko bang malaman ang dahilan at bakit natanong mo si Zander?" Kita sa mata niyang nanunukso siya. Inirapan ko siya at napangisi nalang sa inasta niya.

"Hay nako Vera, wag ka ngang ganyan. Aminin mo na gwapuhan ka kay Zander no? Aminin mo!!" Natatawa nyang sabi sakin. Niyuyugyog pa niya ako sa sobrang curious sa dahilan ko.

"Wala naman. Nakakainis lang yung pagmumukha niya feeling gwapo kahit hindi naman." Diin kong sagot kay Leah na mas lalong napalaki ang mata sa pagkabigla sa sinabi ko.

"Nagbibiro kaba Vera? Mala angel ang Aura ni Zander. Maraming babae ang nahuhumaling don kung hindi mo alam. Kung sambahin siya ng kababaihan ay para siyang Diyos. Dahil sa sobrang Perfect. Mygod kinikilig ako." Napakunot noo ako sa reaksyon niya.

"Whatever Vera pero alam ko na nagagwapuhan ka sakanya. Dinideny mo lang, hay nako ka talaga. Kalimutan mo na kasi yang si Vincent. Baka dahil sa lalaki na 'yon kaya ka nagkakaganyan. Ano Man hater lang ang peg mo?" Natatawa niyang sabi sakin.

Umiling nalang ako at tinuro ang kusina hudyat na babalik nako sa trabaho ko talaga.

"Osha, alam kong nagagwapuhan ka. Kaya stop denying." Tawa pa niya ulit. Pero diko na siya nilingon pa.

Asa! Kahit maganda ang itsura niya kung panget ang ugali niya. Panget pa din siya. Basic

Matapos ang trabaho ko ng 12am midnight. Nag aayos nako ng gamit ko para makauwi na agad. Gusto ko mamahinga.

Nagpaalam nako sa mga katrabaho ko na mauuna na ako sakanila. Sumabay sakin si Leah sa pagsakay ng Jeep. Parehas lang kami ng daan pero mauuna akong baba sakanya.

"Nakakapagod.." bulong ko.

"Alin ang isipin si Zander?" Tumawa niya ng mahina dahil don sinamaan ko siya ng tingin.

"Tigilan mo ako sa Zander na yan ah. Lalo akong naiinis kapag naririnig ko pangalan niya!" Sabay tingin sa sa daan.

"Vera naman kasi, kung ayaw mo akin nalang si Zander pati si Kevin hehe." Diko siya sinagot. Malapit nako bumaba kaya nag paalam na agad ako sakanya bago pa ako makababa.

"Mauna na ako sayo Leah. Ingat ka ah." Sabi ko at pumara na. Magsasalita pa sana siya ng sumenyas ako na tumahimik siya. Natawa nalang siya. Tumalikod nako at nagsimula ng maglakad papasok ng kanto. Malapit sa inuupahan ko. Hindi ko na napigilang hindi Tumakbo sa sobrang antok ko.

Hindi nako nag abala pang magpalit ng damit at inihiga ko agad ang sarili ko sa higaan at natulog.

Faithful. COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon