Chapter 20

267 13 0
                                    

Naglaho lahat ng mga pangamba sa dibdib ko at ang mga hinala na noon pa man ay nasa isip ko na.

Hindi ko man itanong, ngayong alam ko na kung sino si Sandra, lahat ng nasa isip ko ay nasagot na.

"Kung hindi mo mamasamain, anong kinamatay ng Ate mo?" Mahina kong tanong sakanya. Huminga muna siya ng malalim bago siya tumingin sakin ng malalim.

"She died when I was 23 years old." Hindi niya agad nasundan ang sasabihin niya. Nakita ko kung paano siya nahirapan huminga. Bigla akong nakonsensya dapat hindi nalang ako nag tanong. "She saved my life, sinakripisyo niya ang buhay niya para lang mailigtas ang buhay ko. Alam niyang marami pakong gustong gawin sa buhay. Close kami nyan, lahat ng tungkol sakin ay alam niya. Wala akong sekreto na hindi niya alam, kaya siguro talagang mas inisip niyang mailigtas ako kesa sa sarili niya."

"Sana nameet ko ang Ate mo." Singit ko.

"Sana nga, matutuwa 'yon. Nasunog yung bahay namin sa Marikina. Kaming dalawa lang ang nakatira don. Nasa kanya kanya kaming kwarto ng nangyari 'yon. Actually ako dapat yung mamatay eh. Nasa labas na pala siya non pero ng nakita niyang wala ako sa labas. Bumalik siya sa loob then doon ko palang nalaman na nasusunog bahay namin. Hinila ko na siya non pero sabi niya mauna na daw ako.. may naiwan daw siyang importante sa kwarto niya, pero nung sinabi niya 'yon hindi siya gumagalaw sa pwesto niya. At doon ko nakita na may dugo ang paa niya. Naapakan niya yung kisame namin na nahulog dahil natupok na ng apoy yung part na 'yon. Agad kong dinaluhan ang paa niya para tanggalin sa naka tusok na pako. Pero sinabi niya lumabas nako. Siya na daw bahala. Ako naman tong tanga, sumunod sakanya. Pero habang palayo ako sakanya. Nakita kong tumulo yung luha niya pero nanatili siyang nakangiti. Balak balak kong balikan siya pero sumenyas siya na lumabas nako."


Hindi ko alam pero niyakap ko siya ng mahigpit. Hindi ko man naranasan yung nangyari sakanya. Masakit 'yon.

"Mas pinili niyang maiwan sa loob. At nang lumabas ako. Muntikan nakong hindi makalabas sa sobrang kalat na ng apoy sa buong bahay namin. At nung time na 'yon alam ko na, sinimulan ko ng tanggapin. Dahil pagkalabas ko buong bahay namin ang sunod. Wala akong ginawa kundi ang umiyak. Naging basagulero ako. Walang patutunguhan ang buhay ko. Pero naisip ko, nangako ako sakanya na kahit anong mangyari hahanapin ko yung babaeng kinukwento niya sakin."

Bigla akong may naalala. Ang sabi sakin ni Leah, only child lang si Zander, bakit ngayon may kapatid pala siya.

"Ang sabi nila only child ka lang?" Hindi ko maideretso yung tanong ayoko sabihin niya na nanghihimasok ako.

"Yes. Yun ang alam nila, na only child ako ng Del Fierr."


"Ahh--eh pano 'yon? Baki---" Naramdaman niya siguro na nagtataka nako kaya siya na ang sumagot.


"Sa mundo ng industrial may mga tao talagang mas pipiliin na maglihim para lang sa ikauusbong ng negosyo. Si Daddy. Itinago niya sa publiko si Ate Sandra kasi ayaw niyang makilala ito. Alam niya kasing magdudulot 'yon ng problema. Ayaw niyang madawit ang kaisa isa niyang anak na babae. Alam mo naman yung mga Fix married diba? Ayaw ni Dad non. Pero yung kasosyo namin ngayon sa Company ay 'yon ang gusto. Naghintay sila na magkaroon ng anak na babae si Daddy. Ang alam nila na ako lang, ako lang ang naging anak ni Daddy. Hanggang sa ngayon walang nakakaalam na may kapatid ako." Hindi ko alam ang sasabihin ko, masyadong nakakamangha ang buhay ni Zander. Akalain mo 'yon sa likod ng pagkatao niya. May ganitong side pala siya. Akala ko sarap buhay lang ang natatamo niya. Pero ngayon makikita mong malungkot at parang kulang sa buhay niya.


"Akong ang nalulungkot para sakanya, namatay siya na walang nakakakilala sakanya bukod saming pamilya lang. Hindi niya naenjoy ang pagiging Del Fierr. I feel so bad! Pero hindi na maibabalik 'yon eh. Kahit miss na miss ko na siya. Kaya lahat ng gamit niya ako ang gimagamit." Bigla siyang natawa. I smiled. Hay sa wakas ngumit din siya.




Faithful. COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon