Chapter 19

260 13 1
                                    

Umuwi din si Zander kapag tapos niya akong maihatid. Wala akong ginawa kundi ang magpagulong-gulong sa higaan. Hindi pa rin ako makapaniwala na Boyfriend ko na siya. Akala ko magiging isang imposible ang gusto ko, pero ito na. Natupad na yung kagustuhan ng puso ko.

Gusto ko ng sabihin kay Leah pero naisip ko na bukas nalang, isusurprise ko siya. Alam kong magiging masaya siya para sakin.

Bandang alas otso ay natulog nako. Kelangan ko mag beauty rest para bukas hindi ako mukang sabog dahil sa eyebag ko.

Pinili kong isuot ang pinaka maayos kong damit sa drawer ko. Nakita ko pa yung mga damit na pinagbibili ko nung mga araw na nasa Rrj pako. Pero ng nakita ko kung gaano kasexy ay hinubad ko nalang. Masyado akong naiistress kung ano isusuot ko. Baka kung ano isipin nila kapag isinuot ko pa 'yon. Kaya mas pinili ko nalang na mag leggings at mag crop top. Meron naman akong dalang cardigan. Then white shoes. Sinuklay ko lang sandali amg buhok ko at tsaka nag make up ng simple.

Lumabas nako ng unit ng makuntento ako sa itsura ko. Siguro naman hindi mapapangitan sakin si Zander? Panay ang ayos ko.sa buhok. Baka mamaya gulo gulo na pala. Pumara agad ako ng jeep at bumaba din ng nasa kanto nako ng Commercial building. Naglakad ako ng maayos at tsaka tumindig ng naayon sa suot ko.

Pagkapasok na pagkapasok ko ay si Vincent agad ang bumungad sakin. Sandali pa niya akong tiningnan bago ako lampitan at akmang aakybayan ng nag iwas ako ng daan. Nagulat siya sa ginawa ko kaya sinundan niya ako papuntang counter kung nasaan si Leah. Nakangisi lang sakin amg bruha na para bang may naiisip siya.

I looked away. Inilibot ko ang mata ko sa buong lugar pero walang Zander. Dapat ba akong mag expect na nandito siya ng mas maaga. Yeah nung nakaraan lang ay maaga siya but.. hindi ko na itinuloy pa ang pag-iisip. Ayokong sakta amg sarili ko sa alam kong tapos na. Its over. Akin na siya.

"Vera, umiiwas kaba?" Vincent asked me ng nandito nako sa loob ng kitchen. Hindi na muna ako dumeretso sa coounter dahil may biglang kumausap kay Leah.

Hindi nalang ako kumibo. Hindi ko pa rin nakakalimutan yung away nila ni Kevin. Bigla nalang siyamg sumulpot at sinapak si Kevin na wala namang ginagawa sakin.

Medyo dissapointed dahil nakita ko ang dating Vincent na basagulero.

"Kung tungkol ito kahapon, I'm sorry. Ayoko lang na makitang hinahawakan ka na kahit na sino na hindi ko kilala." Paliwanag niya ngunit binalewala ko lang 'yon. Busy ako sa pag liligpit ng mga kagamitan na hindi na nailagay sa cabinet kahapon.

"O titigan manlang." Dugtong niya. "Magsalita ka naman, sorry na."

"Nadissapoint lang ako Vincent pero wala na 'yon. Tapos na." Sagot ko. Bigla nalang niya akong hinawakan sa kamay at hinalikan ito.

Nagulat ako kaya lumayo ako bahagya sakanya. Tumingin ako sa pinto at baka may makakita samin.

"Hindi ko alam. I'm sorry Vera. Hindi ko na uulitin yung kahapon. Just forgive me." Pagmamakaawa niya. Hindi naman talaga ako galit o kahit ano pa man. Alam ko na kasi ngayon kung saang lugar ako. Kay Zander yon. Kaya dapat hindi na ako basta basta lumalapit kani-kanino lalo na kay Vincent. Alam niyang ex ko si Vincent kaya malamang magselos yon. Kahit pa hindi ko alam kung magseselos ba talaga siya o ano. Basta ang alam ko magiging Faithful ako sakanya.

"Ganon naba kabigat ang nagawa ko at ayaw mo ng magpahawak sakin ngayon ha? Bakit sakin ka lang nagalit? Bat hindi don sa lalaking muntikan ka ng halikan!" Halos madiin na sabi niya. Napansin kong naiinis na siya.

"Halikan? Are you out of your mind Vincent? Alam mo ba ang pinagkaiba ng hahalikan sa tinitigan?" Kainis, bakit ganyan siya magreact? Parang akala mo sakanya pa rin ako.

Faithful. COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon