Chapter 34

277 11 0
                                    


"You are Alvery right?" The girl in my back asked.

"Uhm..Yes?" Sagot ko.

Bigla nalang siyang lumaoit at tumabi sa kinauupuan ko.

"Narinig ko na may anak kana daw, totoo ba 'yon?" Sino ba ang isang ito? Saan naman niya napulot ang balita na ito.

"Ako nga pala si Emz. Isa ka rin sa mga nakuha sa Exitbith non diba?" She asked again.

"Oo." Nagpipindot lang ako sa akin cellphone at binalewala nalang siya.

"So totoo ngang may anak kana?" Nakakunot noo akong bumaling sakanya.

"Ano naman kung mayron nga? May problema ba 'don?" Hindi ko mapigilang hindi na magtaray. Maka tanong eh hindi naman kami close.

"Ah-eh wala naman. Nakita ko rin kasi sa wallpaper mo." Hindi ko na siya binalingan pa. Nang maramdaman ko na umalis na siya ay napairap nalang ako sa kawalan.

May pumalit naman na isang medyo may edad na. 1 hour na akong naghihitay dito sa bilihan ng ticket. Nagtry ako sa online pero they advice na dito na mismo magpasched ng flight. Actually, by next month balak na namin umuwi ng Pinas. Doon ko na rin balak na ipagcelebrate si Philip ng 1 year old niya.

Nagdecide na din kami ni Leah na asikasuhin na yung mga papers namin at requirements for our business. Tsaka mas legit kung doon na kami magstay ng matutukan namin ang pagiging supplier. Mahirap kasi kung dito pa kami magstay.

Tumayo mayo nako ng ako na ang susunod.
Binayaran ko na ang Ticket to Manila by next month. Para hindi na hassle.

Naglakad nako palabas ng department ng habang naglalakad ay may familliar na sumusunod sa likuran ko.

Tumingin ako sa phone ko para tawagan si Leah. Habang hinihintay na pick up ng kaibigan ay panay lingon ko sa gilid at likod ko.

Bakit ayaw sagutin ni Leah?

Dinial ko ulit ang numero niya at sa gulat ko ay kamuntikan ko nang malalag ang cellphone.

"What th--" hindi ko na naituloy dahil miski ako ay napako sa kinatatayuan ko.

"Why are you here?" He asked..

Dapat ko ba siyang sagutin, o dapat ko ba siya kausapin. Itanong ko rin ba sakanya ang tanong niya sakin?

Humakbang ako paatras. Nanlamig ang kamay ko at hindi na alam ang sunod kong galaw.

Samantalang siya ay lumalapit at ako ay paatras.

"Can we talk?"

Umiling ako at mabilis na tumakbo palayo sakanya. Kita ko sa mga mata niya ang pagod at pagkabalisa ng patalikod nako. May pumipigil na manatili ako at hayaan na mag usap kami. May nagsasabi naman na umalis ako at hayaan na lang siya.

Ang hirap para sakin na hanggang ngayon ay gulong gulo pa rin ako. Isang taon ang lumipas but the memories and pain is still remain.

I promise that i would never see him as my crushed and loved. Pero sa nangyari kanina ay bakit nakikita ko sakanya ang sarili ko?

Bakit tumitibok ng ganito ang puso ko.

Nakarating ako sa bahay ng parang walang nangyari. Nadatnan ko si Leah na nananahi ng mga tela.

"Hi. Kamusta ang mga gawa?" Bungad ko at ibinaba ang bag sa harap ng makin ko.

"Ito ayos naman, hindi naman nagmamadali dahil marami naman tayong gawa noon." Tumango tango ako bilang pag sang-ayon.

Dahil nga noong nakaraan ay mas dinamihan namin ang gawa at baka nga maubusan kami ng stock pero ngayon ay hindi ko pa naman nakikita na kailangan namin magmadali.

Faithful. COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon