Halos takbuhin ko ang unit ko sa sobrang pagkadismaya.. Nakita ko pang lalapitan ako ni Ate Marie pero naghadali akong pumasok sa kwarto. At tsaka ko hinubad ang sapatos at longsleeve ko. Sobrang init.
Napaupo nalang ako at inisip kung paano ko iiwasan at kakalimutan ng madalian si Zander. Tumatagal, lumalala lang ang nararamdaman ko para sakanya.
Hindi ko na siya pinag aksayahan pa ng luha. Masyado ko ng inubos 'yon nung gabing inamin ko kay Leah ang lahat. Siguro sapat na 'yon. At wala ng kasunod pa.
But I'm wrong... Biglang namasa ang pisngi ko sa luha. Bago ko pa pahidin ay bumukas ang pintuan ng kwarto ko.
Napaawang ako at agad na pinawi ang luha sa mukha ko. Lumapit si Zander ng kaunti at sinara ang pinto.
Walang nagsasalita samin. Tahimik siyang nakatayo sa gilid ng drawer ko."Anong pinunta mo dito?" Panimula ko. Hindi siya sumagot. Nanatiling nakatitig ang mga mata niya sakin.
"May kailangan kaba sakin at naparito ka?" Matapang kong tanong sakanya. Tumingin ako sakanya at agad ko rin binawi. Sa paraan ng pag tingin niya sakin ay para na naman akong bibigay. Ayoko ng ganito. Dapat matuto nakong panghawakan ang mga sinabi ko.
"Ikaw ang kailangan ko.." Umawang ang bibig ko at tsaka pinilit na tanggapin na wala yong malisya. He needs me for some reason. Hindi ang kung ano ang nasa isip ko.
Nasaktan ako. But I accepted it. Ito ang dapat.
"Then ano ang kelangan kong gawin? May ipagagawa kaba? May iuutos kaba na dapat kong sundin?" Mariin kong tanong sakanya. Pero till now nanatili siyang tahimik at chill. Samantalang ako natutuliro na sa mga pinakikita niya sakin.
"Zander magsalita ka. I asked you, answer me!" Padabog kong binaba ang sapatos ko sa ibabaw ng drawer ko kung saan nakatayo doon si Zander. Tatalikod nako sakanya ng hawakan niya ang braso ko. Sinubukan kong bawiin pero mas hinigpitan niya pa iyon lalo.
Hindi ako humarap manlang. Hinihintay ko na magsalita siya.
"Kung wala ka naman kailangan, pwede ka naman ng umalis. Mamahinga nako." Habang sinasabi ko 'yon ay nang gigilid na ang luha sa mata ko. Pinipilit ko pa din na kunin ang braso ko sa pagkakahawak niya.
"Please.. Hintayin mo hanggang sa maging ready na ulit." Sabi niya dahilan para mas lalo akong naguluhan.
Anong hintayin? Kapag ready? Ang alin? Mas ginugulo niya ang isip ko. Bakit hindi nalang niya ako diretsyahin. Bakit ginagawa niyang komplikado ang lahat sakin.
"Hintayin? Ready? Ang alin? Sino??" Halos isigaw ko na kay Zander ang mga yon..
Yumuko siya at nakita kong namumula ang mata niya.. umiiyak siya?? But why? Wala akong ginagawa sakanya. Ako dapat ang umiiyak diba? Kasi pinapaasa niya ako. Binibigyan niya ako ng kahulugan sa bawat bitaw niya ng salita. Sa bawat pag aruga niya sakin. Akala ko totoo ang lahat ng 'yon. Yeah Leah's right. Mahirap kasing ibagay ang sarili ko at sa kagaya naming mahihirap sa mga kagaya ni Zander na mayaman at talaga nga namang kilala sa Industriya. Samantalang ako heto nagkakanda kuba mabuhay at matutusan lang ang sarili ko.
"Zander, ayan kana naman eh.. Pwede bang tigilan mo na yang arte mo! Hindi nako natutuwa." Halos mapiyok nako ng sinabi ko yon sakanya. Nakita ko kung paano niya hinalikan ang kamay ko. Pumikit ang mariin sa ginawa niya. Agaran kong hinila yon pero nahablot ulit ni Zander..
"I'm so sorry, pasensya kana. Kung ganito ako, hindi ko alam... hindi ko alam kung pano ko ba sasabihin." Nakayuko lang siya habang nagsasalita. Ni hindi siya nag aangat ng tingin. Gusto kong hawakan ang mukha niya pero maling mali eh. Kakasabi niya lang din na may mahal siya. Imposibleng ako 'yon. God Alvery! Wag kana umasa.
BINABASA MO ANG
Faithful. COMPLETED
Teen FictionAlvery is a strong and observant woman. He lived alone without any family. She doesn't know how someone who truly loves her feels. Until she met a hard -hearted man. She couldn't even imagine that she would love this man. She can still hope to love...