End

553 24 1
                                    

This is the epilouge. Follow and vote! Thank you!

**

I woke up in the next day with my two boys. Tiningnan ko silang mahimbing na natutulog habang ako ay gising na gising na.

Ito ang ang pangarap ko dati, at ngayon ay nasa harap ko na. Sa dami kong kinaharap na pagsubok at pagkabigo. Natutunan kong maging matatag at magkaroon ng lakas ng loob na ilaban ang mga bagay na walang kasiguraduhan.

My life isn't easy for everyone. Alam nilang hindi ko kaya ang mga bagay na hinaharap ko. They think I'm weak to face this kind of world. Because I'm poor and nobody wants to be my friend.

Hanggang sa na sanay nalang ako na walang kaibigan at walang may gustong makasama ako. I've learned to be independent sa murang edad ko ay natuto akong magtiis at mambalewala.

Marami akong naririnig na masasamang salita tungkol sakin. I don't really care!

Hanggang sa nakilala ko nga si Zander, doon ko narealize na hindi lang dapat ganito lang ako, na maging sapat na sakin ang ganitong buhay. Nainlove ako sa taong malayo ang agwat sakin, sa edad man yan at sa estado ng buhay.

Hindi ko man isaboses mga bagay na 'to. Gusto kong kumita ng maraming pera at magkaroon ng maayos na buhay para hindi nakakahiya para kay Zander ang katulad ko. But then, ang hirap palang simulan.

Dumating sa buhay ko ang dalawang lalaking sobrang mahal ko, sobrang ini-ingatan ko ngayon.

Zander Del Fierr
Zerrick Philip Del Fierr

Ano paba ang dapat kong hangarin kung kapiling ko na ang bubuo ng buhay ko.

Nagluto ako ng sinangag at nagprito ng itlog at hotdog. Nagtimpla na din ako ng kape para kay Zander at gatas ng anak namin. Habang isinasa-ayos ang plato sa lamesa isang mainit na halik ang naramdaman ko sa aking pisngi.

"Good morning.." he greeted.

"Morning."

Lumayo siya sakin bahagya pero makahawak pa rin ang kamay niya sa braso ko.

"Gising na si Zerrick?" Tanong ko. Bahagya pa akong umusad nang naramdaman ko ang labi niya sa leeg ko.

"Yes gising na." Malambing niyang sabi tsaka ako niyakap ng mahigpit mula sa likod.

"Kunin mo na, para makakain na tayo ng breakfast." Sabi ko at pilit na tinatanggal ang kamay niya sa tyan ko.

Naamoy ko ang kanyang hininga na mabango kahit bagong gising. Ang bawat pag labas ng hininga niya ay nagpapataas ng balahibo ko.

Pero bago pa niya ako nabitawan ay nasa harap na namin si Zerrick na napipikit pa. Pero nang makita kami ay sumilay ang ngiti at lumapit.

"P-papa." Tawag niya sa ama niya at nagpapabuhat. Tumaas lamang ang kilay ko sa pag-ngisi ni Zander.

Ang yabang nito, porket siya ang sinasamahan ni Zerrick at hindi ako. Ganyan sila, simula nang nagkita silang dalawa hindi na nila makuhang maghiwalay. Hindi ko nga alam kung paano nahahandle ni Zander ang trabaho at ang pag-aalaga samin ng anak niya.

Natapos kaming kumain ng nag-aya siyang mag-outing kami sa isang beach nila sa Zambales. Una ay hindi ako makapaniwala dahil bigla bigla ang desisyon niya. Kaya naman aligaga ako sa pag-ayos ng mga gamit na dadalhin. Mabuti nga at tinulungan niya ako. Itetext ko sana si Leah at Kevin para sumama kaso baka gusto ni Zander ang family bonding kaya hindi nalang.

Nasa sasakyan kami at malayo pa ang byahe hapon palang at baka hating gabi na kami makarating. Wala naman kaming ginawa na mag-ina kundi ang matulog sa byahe. Pero bawat stop naman ng mabibilhan ay humihinto si Zander para bumili ng makakain. Dalawa silang sinusubuan ko kaya mas nakita ko kung paano naging maaliwalas ang mukha niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 12, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Faithful. COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon