Chapter 38

278 14 0
                                    

Hindi ko alam kung paano kami nakarating sa bar ng hindi nag-uusap. Siguro binigyan na muna niya ako ng time mag-isip. Ano paba ang iisipin ko?

Alvery, your so insensitive, hindi ka naman ganyan noon ah? Diba wala ka naman pakielam kahit ano ang sabihin nila. Then you should do it again. Dahil wala naman silang ambag sa buhay mo at hindi naman sila ang makakasama mo. Kung hindi si Zander. Don't blame him.

Huminto ang sasakyan sa harap ng bar. Tumingin ako sakanya at nakitang malalim ang mga titig niya sakin.

"Tara na?"

"No. Hindi tayo papasok ng hindi kita nakakausap. Anong gumugulo sa isip mo?" Aniya. Nakita kong impit siyang huminga at titig na titig pa rin sakin.

"Wala lang 'yon. It's my attitude, alam ko naman na hindi ko dapat iniisip ang mga 'yon."

"Ang alin?" Kunot noo niyang tanong.

"Kanina, doon sa pinuntahan natin." Halos hindi ko marinig ang sarili ko.

"Anong mayron, ano may nambastos sayo don? Sino?" Mabilis ko siyang pinigilan dahil nakita ko ang galit sa mata niya. Hinawakan ko ang kamay niya at hinaplos iyon.

"Wala Zander, hindi ko alam kung kailangan ko pa ba itong sabihin sayo. Kasi wala lang naman kasi talaga." Sabi ko. Umiingit na si Philip. Kinuha niya sakin ito at binigyan ng malalaro.

"Hindi ka magkakaganyan kung wala, now spill it." Ang siko niya ay naka patong sa manubela at ang kamay niya ay nakapalumbaba. At naghihintay sa sagot ko.

"Uhm. Sabihan mo nako ng isip bata pero, nakarinig kasi ako doon ng bulungan. Okay lang sana kung hindi 'yon tungkol sating dalawa. Pero kasi ang lakas ng impact non sakin. At naisip ko na baka tama sila." Dahan dahan akong tumingin sa mata niyang madilim ang tingin at tumaas ang isang kilay niya.

"Tama sila? Ano ba ang narinig mo?" Nag iba ang tono ng kanyang boses. Naging matigas at parang naghahamon.

"Uhm..sabi nila kaya mo lang ako pinatulan kasi may anak ka sakin, at makukuha mo rin magsawa kapag nakahanap kana ng bagong..." hindi ko maituloy. Kasi hindi malabong totoo sila. Nakita ko na ang mga naging babae niya at ni isa wala akong nakitang pangit o walang dating.

Nakatitig at nakataas ang isang kilay niya. "Bagong?"

"Bago mong babae, kayang kaya mo naman talaga 'yon eh. Isang kindat mo lang mayron na agad. Sila pa ang lalapit, and that's my problem. Naiinsecure ako sakanila. Kasi sila maganda, sexy, mayaman. Eh ako? Wala akong maipagmamalaki---"

Halos manlabo ang mata ko sa halik niyang 'yon. Hindi ko alam pero nadadown ako para sa sarili ko. Nakita ko nalang ang sarili kong sumagot sakanyang halik.

"You are my beautiful, my sexy, at ikaw ang pinaka mayaman sa lahat ng babae, dahil sakin ka. Pag aari kita at pag-aari mo na din kung anong mayron ako. Wag mong isipin yan. Dahil wala silang panama sayo. You gave my life. Pinuno mo ang puso ko ng pagmamahal na kahit sino man ay hindi 'yon maibibigay o mapantayan manlang." Mahinahon at may pag-iingat niyang sabi.

"You are my world Alvery, you are my strenght and at the same time my weakness. Wag mong iisipin yan. Dahil sobra sobra ka para sakin." Doon ko lang narealize na masyado akong nagpaapekto sa mga taong hindi ko naman kilala. Sa mga taong walang ginawa kundi manghusga at mang alipusta.

"I'm sorry, noon na man ay hindi ganito. Pero kasi, may anak na tayo. Ayoko lang na magkaroon pa ng problema."

"Hindi ko hahayaan 'yon love." Malambing niyang sagot tsaka ako hinalikan sa noo.

Wala pa ako sa wisyo ng pinagbuksan na pala kami ni Zander ng pinto. Pinagmasdan ko ang kabuuan ng labas at kung gaano ito nung iniwan ko ay ganon pa din. Nakakamiss naman magtrabaho dito.

Faithful. COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon